Kabanata 31: Pagtulong

48 0 0
                                    

-Belle-

"Naku anong nangyari sayo? Bakit ang dumi ng uniform mo?"

Ani Yaya Mandy nang makapasok na ako sa kabahayan. Hindi ko alam pero tila ba gumaan ang loob ko at hanggang ngayon, namumula pa rin ako habang naaalala ko ang usapan namin ni Cholo kanina..
Ang saya niyang kasama. Sobra.

"Uy, bakit natulala ka na jan? Tinatanong kita.."

Nabigla naman ako nang muling magsalita si Yaya Mandy na nagpabalik sa akin sa katotohanan.

Naku , nadistract yata ako ng thoughts ko about him.

"Ah , w-wala ho. Aksidente ho kasi akong nadapa. Kaya nga po napauwi ako kasi kailangan ko pong magpalit ng uniform..."

Sambit ko sa kaniya saka napayuko habang tinitignan ang kalagayan ng damit at katawan ko ngayon. Napakadumi ko na nga at hindi ko ba alam kung saan ako pupulutin dahil sa suot ko.

"Tsk. Grabe naman na pagkadapa yan Iha , oh siya ihatid na kita sa kwarto mo at nang malabhan ko na rin iyan.."

"Sige ho, Ya.."

Ngumiti lamang ako kay Yaya kahit na nalulungkot pa rin dahil sa nangyaring gulo kanina.

Mabubuhay pa kaya ako ng normal dahil sa nalaman nila?

Baka hindi na. Dahil kahit anong gawin ko, kukuyugin at kukuyugin nila ako. Sabagay, naiintindihan ko naman sila eh.

"Ow what's going on here? Belle anong nangyari sayo?"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang biglang dumating si Tita Ester at nagulat nang makita ang kalagayan ko.

Patay. Baka pilitin na naman niya akong sabihin ang totoo. Naku.

Napatingin ako sa kaniya.

"Anong nangyari sa damit mo? Bakit ang dumi?"

May pag-aalala niyang wika habang lumalapit sa akin.

"Tita , nadapa po kasi ako unexpectedly kaya nadumihan po ang damit ko. Pasensya na po kayo kung pinag-alala ko naman kayo , don't worry po bibilisan ko nalang po ang pagbihis at aalis din po ako agad , may exam po kasi kami ngayon eh."

Sambit ko saka napayuko.

Hindi ako sanay na nagsisinungaling pero sa mga oras na ito, kailangan talaga upang hindi na siya mag-usisa pa.

"Sigurado ka ba??"

"Tita , okay lang po ako promise."

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad
palagpas sa kaniya saka na umakyat ng hagdan patungo sa kwarto.
Naku, ito na nga ba ang kinatatakutan ko dahil sa kilala ko si Tita , alam kong magtatanong at magtatanong siya tungkol sa nangyayari.

Pagdating sa kwarto ay pumasok na ako upang magbihis. Nang tumitig ako sa salamin ay saka ko napagtanto ko na mukha na nga akong taong grasa dahil sa dumi ng uniform ko dulot ng pagkakatumba ko kanina.
Hindi ko alam kung bakit muling tumulo ang mga luha sa aking mga mata nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

Nang makapagbihis at makapaghilamos na ako ay binuksan ko na nga ang pinto at ibinigay kay Yaya Mandy ang pinaghubaran ko ng uniform. Mag-insist man ako na ako na ang maglaba ng uniform subalit alam kong hindi na naman siya papayag kaya pinaubaya ko na lamang sa kaniya saka nagmamadali din ako dahil sa may exam pa kami at kailangan ko pang makahabol.

"Belle, sabihin mo nga sa akin ang totoo.."

Muntik ko nang mabitawan ang bag ko nang may biglang magsalita.

Akala ko pa naman kung sino dahil bukod kay Yaya Mandy ako lang naman ang tao dito sa kwarto ko.
Napalingon ako at nagulat ako nang makita ko si Tita Ester na nakatayo sa harap ko.

LuluBelle -COMPLETED-Where stories live. Discover now