Kabanata 76: The Viral Video

43 1 0
                                    

-Cholo-

"Iho naman hindi ba't sinabi ko nang ako na ang magluluto."

Bungad agad sa akin ni Yaya Maxy nang kasalukuyan ko nang inilalagay sa plate ang niluto ko. Nagluto kasi ako ng sweet fried shrimp since medyo nasa mood ako ngayon magluto. And syempre nagpa-practice na rin para sa susunod si Belle naman ang lulutuan ko.

"Hindi na ho, patapos na po ako eh. Lulutuin ko na lang po yung --".

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin at agad nang inagaw sa kamay ko ang sandok.

"Cholo, huwag nang makulit okay ? Tsaka diba dapat nagpapahinga ka ngayon dahil sa halos hatinggabi ka nang umuwi dahil sa event sa school ninyo kagabi."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Yayasaka na naupo at tinikman ang niluto ko. Sobra ngang naging masaya ang gabi ko lalo na't nakita ko kung paano din niya naenjoy ang Music Fest. I'm talking about Belle. Naalala ko pa nga nang magrehearse pa kami 4 hours before the performance , palagi ko siyang minomotivate na kaya niya , kaya niyang magperform sa harap ng maraming tao since ramdam ko sa bawat kilos niya ang doubt , at ang takot na baka hindi niya makayang kumanta.

But the way she sang it? It builds courage and inspiration especially sa akin na walang ibang nagawa kundi ang titigan siya at palakpakan and damn,

I only realized how I love her , How I truly love her every single day of my life.

How I cared for her and how she never failed to amaze me

'Cause she's something different and she has the charm that other girls can't have.

The charm that deeply touched my heart starting Day 1.

"Ang mabuti pa'y kumain ka na lang jan 
at ako na ang bahala dito. Oo nga pala , kamusta naman yung event na pinuntahan mo kahapon, hmm kasama mo ba dun si Belle?"

Nakangiting tanong ni Yaya Maxy habang busy sa pagluluto na kanina ko pa gustong gawin. Kaso , nag-insist na siya dahil ayaw daw niya na mapagod ako.
Hmm, kailan ba ako napagod? Sa pagkakaalam ko kasi'y wala namang oras na inabot ako ng pagod , kahit nga sa paghihintay at pag-asa na sagutin ako ni Belle, I don't get tired.

"Opo , Actually po naencourage ko na din siyang sumali muli sa club kaya nga po nakapagperform siya last night and it's indeed memorable. Sayang nga po ano, wala sila Mom . Naipakilala ko na po kasi ang sarili ko sa parents ni Belle then now is the time para si Belle naman ang makilala nila Mom kaso she's not here."

Muli akong yumuko dahil muli na namang sumagi sa isip ko si Mom. Sabagay , bago naman talaga ako matulog sa gabi , siya lagi ang iniisip ko.

At laging may tanong sa isip ko na hindi ko masagot-sagot like "Kailan kaya siya babalik?"
"Kamusta na siya?"
"Iniisip din ba niya ako?"

Nakakalungkot sa totoo lang. Knowing na ang sarili kong ina , parang wala nang pakialam sa akin.

"Hindi ba't nakwento mo na after decades , umuwi na rin ang parents ng childhood friend mong si Lulu and Belle? Kaya don't lose hope at kagaya nila , naniniwala din ako na babalik si Ma'am at magkakasama ulit kayo dito sa Pinas. Kaya sana ganun ka din , maging positibo ka lang at malay mo bukas o sa makalawa , kaharap mo na siya ngayon."

"Sana nga po, Ya.."

Nakangiting pagsang-ayon ko saka muling ipinagpatuloy ang pagkain subalit napatigil ako nang biglang tumunog ang phone na kasalukuyang  nasa kabilang table kaya naman halos liparin ko iyon makuha lang at malaman kung sino ang nagtext o tumatawag.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumakas ang tibok ng puso ko nang bigla iyong marinig. Nakakapagtaka , bakit ganito ang nararamdaman ko.

It's a text. A short message from Ethan and when I opened it. Mas bumilis at lumakas ang heartbeat ko.

LuluBelle -COMPLETED-Where stories live. Discover now