Kabanata 22: Karma

67 2 0
                                    


"Lulu! "

Hingal na ako sa pagtakbo subalit wala pa rin siyang tigil sa paghabol at pagsunod sa akin. Walang hiya. Kahit kailan talaga ang kulit kulit niya.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko kahit na halos matumba na ako dahil sa heels ko. Kailangang maunahan ko si Belle patungo sa rooftop dahil kung hindi ko bibilisan ang takbo ko ay baka pagdating ko roon ay huli na ang lahat. At iyon ang hinding hindi ko hahayaang
mangyari -- kailangan ko siyang maunahan at kailangan kong masira kung anoman ang pinaplano ni Cholo!

"Lulu.."

Galit ko siyang nilingon at nakita kong wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo kaya naman inirapan ko lamang siya at nagpatuloy na muli sa pagtakbo subalit...

** Booooooooooooooogssssshhh**

Bigla kong naramdaman ang mainit na likidong tumulo mula sa aking binti at tuhod dahil sa malakas na pagkakadapa ko. Shet! Hindi ito maaari!!! At bakit ba kasi sa dami ng madadapa eh ako pa talaga!

"Stupid!! Ang legs ko!!! Waaa!"

Sambit ko nang makita kong puno na ng gasgas ang tuhod ko dulot ng pagkakadapa.

Ngunit kahit na sobrang sakit ng tuhod at binti ko ay hindi ko na iyon ininda at nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo dahil hindi sa hinahabol niya pa rin ako at hindi niya ako maaaring maabutan dahil sa uubusin niya lang ang natitira kong oras!

"Hindi mo ako mapipigilan Sam. Hindi mo ako mapipigilan!"

Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo sa kabila ng mga galos subalit .. may humawak na ng kamay ko na nagpatigil sa akin.

"Lulu, tama na. "

Agad akong napabitaw nang makita ko na naman ang pagmumukha ni Sam. Hayss at kung talagang minamalas nga naman. Stupid bakit ba kasi nadapa pa ako.

"Pwede ba ako ang tigilan mo! Kailangan ko nang pumunta doon dahil hindi ako kailangang maunahan ni Belle! Kailangan ko silang pigilan!! Hindi sila pwedeng maging masaya!"

Tinalikuran ko na siya subalit muli niya pa rin akong hinawakan.

"Ang kulit mo rin talaga ano. Alam mo sa ginagawa mong iyan ikaw lang din ang mapapahamak! Tignan mo dumudugo na yang tuhod mo! Hayaan mo na sila dahil kahit naman anong gawin mo wala ka nang magagawa , si Belle ang gusto ni Cholo at hindi ikaw kaya tumigil ka na at sasamahan na kita sa clinic para magamot yang sugat mo."

This time ubod lakas ko nang inalis ang kamay ko sa kaniya at napatingin sa tuhod kong gasgas at puno ng dugo. Waaa hindi ito pwede! Hindi pwedeng magasgasan ng ganun ganun nalang ang flawless legs ko!!!

Kasalanan talaga ito ni Belle at oras na makita ko ang pagmumukha niya ay ilalampaso ko lahat ng kalandian niya!

"Who are you para pigilan ako sa mga gusto kong gawin. Hindi ikaw ang makakasira sa plano ko kaya pwede ba iwan mo na ako at umalis ka na! Siguro naman malinaw saiyong hindi dapat maging si Cholo at ang babaeng iyon kaya kung gusto mong hindi ako magalit sayo , iwan mo na ako please lang !!"

"Pero Lulu, hindi kita maaaring iwan ng ganyan ang kalagayan mo. Baka mapaano ka at maimpeksyon yang sugat mo!"

Sambit niya habang concern na nakatingin sa akin.

Inirapan ko lamang siya. Wala na akong oras. Kailangan ko nang umalis.

"Stupid! Kunwari ka pa na concern ka sa akin manigas ka!!!"

Muli ko na siyang iniwan doon at nagpatuloy sa pagtakbo.

I can't wait to sue the ugly freaky face of that bitch!!! Hindi mo sa akin makukuha si Cholo , Belle!! And I'll make sure kahit pa hanggang impyerno ipaglalaban ko siya!!!

LuluBelle -COMPLETED-Where stories live. Discover now