Kabanata 79: Shoulder-to-cry-on

36 2 0
                                    

-Belle-

Maya-maya lang din ay nakarating na kami sa Mansion kaya naman muli na namang umalon ang aking dibdib. Mabuti na lamang at safe kaming nakaalis sa campus nang walang nakakita sa amin kaya super thankful talaga ako sa tres marias na talagang inalalayan ako hanggang sa makarating kami sa Mansion. Totoo ngang napakasuwerte ko dahil kahit na matinding pagsubok ang pinagdadaanan ko ngayon ay mayroon pa ring mga taong handang sumuporta at umalalay sa akin.

Papasok na kami sa kabahayan nang halos manlaki ang mata ko sa tumambad sa akin.

Si Tita Ester!

Naku at mabuti nama'y bumalik na sila.

Isang mainit na yakap ang sinalubong niya sa akin nang makita ako. Kaya naman napangiti na lamang ako at niyakap din siya pabalik.

"T-tita , mabuti naman ho at bumalik na ulit kayo."

Nakangiti kong wika sa kaniya subalit sahalip na ngiti din ang isukli niya sa akin ay isang malungkot at nag-aalalang mukha ang nakita ko sa mukha niya. Kaya naman bigla akong na-curious . At kasabay ng pagtataka ko ang biglang pagdating nina Mama and Papa suot din ang kanilang nag-aalalang mukha kaya naman hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon at naisip ko na silang tanungin tungkol sa tunay na nangyayari.

"Actually sinadya ko talagang umuwi dito but I'm not with Audrey dahil hindi ko nasabi sa inyo na nauna na siyang tumungo sa States para mag-aral , pero Belle , ididirect-to the point na kita kung bakit ako nandito. Nabalitaan ko kasi ang nangyari saiyo at ... Yung vid na kumalat. Belle alam ko at naniniwala akong paninira lamang iyon sa iyo at kung sinuman ang naroon sa video , hindi ikaw iyon kaya nga gusto kong tumulong , gusto kong tulungan si Mitchelle at Johny tungkol sa napakabigat na issue na kinakaharap mo, nating lahat."

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni Tita Ester.

I can't believe this. Hindi ako makapaniwalang alam na niya ang totoo at hindi lamang iyon,

Maging sina Mama at Papa.

Pakiramdam ko'y muli na namang namuo ang mga luha sa aking mga mata nang dahil sa mga pangyayari. At hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko , ngayong alam na rin ng mga magulang ko na sira na ang reputasyon ko, ang pangalan ko at ng pamilya namin.

"Ma.."

Iniangat ko ang aking mukha upang tumingin kay Mama at Papa na kasalukuyan nang naglakad patungo sa kinaroroonan ko upang yakapin ako ng mahigpit . And there , hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan na nga akong napahagulgol habang yakap sila. Ang hirap , ang hirap para sa aking isipin na nangyayari lahat ng ito lalo na't hindi lingid sa akin na mas doble ang sakit nararamdaman nila ngayon dahil sa sitwasyon. Magulang sila , at alam ko iyon kaya pakiramdam ko'y nagi-guilty ako sa mga nangyayari. Na kahit biktima lang din ako dito ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na kasalanan ko kung bakit nangyayari ito. Ayoko kasing makitang nag-aalala at nasasaktan ng husto ang mga taong malapit sa akin lalo na ang family ko. Yung tipong mas okay lang sa akin na ako ang masaktan , huwag lang sila.

Subalit iyon yata ang hindi ko maiiwasan dahil given na ngang masuwerte ako dahil may mga mahal ako sa buhay na kagaya nila. Na kahit gaano pa man kabigat ang sitwasyong pagdaanan ko, still nariyan pa rin silang lahat para sa akin.

"M-ma, P-pa , a-akala ko ho hindi nyo pa alam , akala ko ho hindi nyo pa nabalitaan ang nangyayari -- s-sorry po. Sorry po kung pati kayo naaabala ko. Pati po kayo Tita , hindi naman po kayo kasi dapat umuwi pa dito at tumuloy na kayo sa States kung hindi dahil sa akin. S-sorry po kung mas nag-alala pa kayo at sa mga oras na ito po'y pati apelyido at pamilya nati'y nasisira na rin -- Ma sorry po talaga.."

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon