Kabanata 51: Konsensya

58 2 0
                                    

Belle-

Mahigit isang oras na mula nang mangyari ang hindi ko makalilimutang alitan dito sa Mansion at mula nang tuluyan na ring umalis si Lulu dala ang kaniyang mga gamit subalit hanggang ngayon , hindi pa rin ako mapakali at pakiramdam ko'y nakokonsensya ako sa mga nangyayari. Bakit kasi kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang umabot sa puntong magagalit sina Mom and Dad kay Lulu at palalayasin niya ang kapatid ko dito sa Mansion. I feel guilty at alam kong kasalanan ko lahat ng ito.

Ang tadhana kasi eh , masyado lang mapagbiro. Kung hindi sana kami nagtagpo muli ng aking mga totoong magulang , hindi sana nila ako matutuntun at makikilalang tunay nilang anak , eh di sana hindi na nagkagulo pa at tuluyang napalayas si Lulu. Sa totoo lang, naiintindihan ko naman talaga si Lulu kung bakit gayon na lamang ang galit niya sa akin at mas gugustuhin ko pang ako na lang mismo ang mapalayas sa bahay kaysa siya ang lumayas dahil in the first place tama naman talaga siya , mula nang dumating ako sa buhay nila, hindi na muling natahimik pa ang buhay niya.

"Belle , kain na. Nagluto ako ng palabok. "

Napatigil ako nang magsalita si Yaya Mandy. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sala at patuloy na iniisip si Lulu. Kung may nagawa lamang ako kanina para sa kaniya at kung naglakas lang ako ng loob na ipagtanggol siya laban sa kanila , sana hindi siya napalayas. Sa totoo lang kasi , hindi niya deserve ang bagay na ito dahil naniniwala ako sa kaniya , naniniwala ako sa totoong siya at alam kong hindi siya likas na masama.

"Busog pa ho ako , Yaya.."

Sambit ko saka muling ibinaling ang tingin ko sa kawalan.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Iniisip mo na naman ba si Lulu?"

Napatingin ako sa kaniya at kaagad na lamang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Yaya , inaamin ko pong naiinis ako sa kaniya , naiinis ako sa lahat ng ginawa niya sa akin. Sa lahat ng pananakit at pang-aapi niyang umaabot na sa sukdulan. Dahil hindi naman ho ako manhid para hindi iyon maramdaman lahat. Pero Ya , nalulungkot ako sa tuwing naalala ko ang lahat ng sinabi niya kanina. Bakit po ganun? Bakit patuloy pa din akong binabagabag ng konsensya ko simula pa lamang sa umpisang mag-away kaming dalawa kahit alam ko naman po sa sarili kong wala akong ginagawang masama sa kaniya? Ginawa ko lang naman po lahat ng sa tingin ko ay tama , pero bakit ganito?? Bakit kailangang umabot sa ganito??"

"Iha , hindi ko din alam. Pero naiintindihan kita. Normal lang saiyo ang maramdaman ang bagay na iyan dahil kakambal at kapatid mo ang naiipit sa sitwasyon. Kaputol mo siya ng pusod kaya normal lang na mag-alala sa kaniya pero sana huwag mong iisiping kasalanan mo ang nangyari dahil wala kang kasalanan. Nakita ko naman siguro kung paano sinagot ni Lulu ang mga magulang nyo kanina hindi ba ? Kaya kung anoman ang nangyari kanina , hindi mo kasalanan iyon , desisyon iyon ng Papa mo para turuan ng leksyon ang kapatid mo. Upang tulungan ang kapatid mong mapukaw at maggising sa katotohanang mali ang pagtrato niya sa iyo. Kailangan niyang marealize lahat ng pagkakamaling nagawa niya nang sa gayon , magsisi siya at iyon na ang maging paraan upang magkabati na kayo.."

Napatitig ako kay Yaya Mandy. Maaaring tama siya , dahil kailangan ngang maturuan ng leksyon ni Lulu pero naniniwala akong hindi sa ganitong paraan niya marerealize ang kaniyang mga nagawang mali.
Dahil kilala ko siya , ngayong tuluyan na siyang nilamon ng kaniyang galit at poot , hinding-hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakapaghiganti sa akin at sa aming lahat at hindi naman ako tanga upang hindi maisip ang bagay na iyon.
Alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan upang maranasan namin ang ipinaranas namin sa kaniya.

Kaya sa tingin ko , hindi niya ito deserve.

"Pero Yaya , hindi niya ito deserve. At hindi mo rin maiaalis sa akin ang mag-alala kaya sana , hayaan mo akong gawin ito.."

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon