Kabanata 62: First Step

42 0 0
                                    

-Lulu-

"Di talaga ako makapaniwalang babalik ka dito at makakasama na kita ngayon . Akala ko kasi hindi na ulit iyon mangyayari pa."

Napatigil ako sa pag-aayos ng aking mga gamit sa napakapangit at maalikabok nilang cabinet nang bigla siyang magsalita. Kagaya ng bright suggestion ni Tiffs na magpanggap akong mabait sa harap ni Sam at gamitin siya sa aking mga plano ay naisakatuparan ko na at ito , titira na ulit ako sa bahay nilang napakapangit kahit na labag man sa kalooban ko dahil kung tutuusin ,kung mas maganda lang ang naisip kong plano noon pa man kaysa sa suggestion ni Tiffs then why should I let myself na tumuloy pa dito and eat my pride na makisiksik pa dito sa mala-impyerno nilang tirahan then syempre hindi ko din matitiis na makasama si Sam lalo na ang family niya ngunit sa tawag ng ikatatagumpay ng aking plano , ay naggawa ko ang pinakaayaw ko sa lahat , ang magmukhang anghel at mabait sa mga taong kinamumuhian ko.

Then syempre it's the only step of my plan na paibigin at paasahin si Sam na gusto ko siya despite the fact na never ko siyang magugustuhan. At ang pinaka-second step dito syempre is bumalik ako sa Mansion at ipakita sa kanilang lahat na nagbago na ako kahit na ang totoo'y may maitim pala akong plano para pabagsakin silang lahat at alam kong malapit na malapit nang mangyari iyon.
At ngayon, kulang na lang ay matawa ako habang tinitignan ang kaniyang reaksyon sa ipinapakita kong pagkukunwari. Ang galing dahil sobrang effective nga nito to the point na napapaikot ko siya . And I know , hindi rin magtatagal at maging ang peste kong pamilya ay mapapaikot ko na rin lalong lalo na si Belle.

"Ano ka ba , ikaw na rin lang ang nagsabi na umaasa kang magbago na ako diba so ito na yun. Actually kasalanan ko naman talaga . Naging masyado akong ma-pride. Naging maldita , makasarili at naiinggit ako kay Belle kaya gayon na lamang ang pagmamaliit at pang-aaping ginawa ko sa kaniya pero pinagsisihan ko na lahat ng iyon. Dapat kasi mas nagtiwala ako sa sarili kong kadugo hindi sa taong hindi ko pala talaga kilala like Tiffs."

Pakiramdam ko'y masusuka na ako sa mga pinagsasabi ko like what-the-heck dahil nasasabi ko lahat ng iyon sa harapan niya.
Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ako. Nakakadiri mang titigan siya habang iniisip ang plano kong paibigin siya alang-alang sa plano ko ay nagawa ko pa rin dahil alam kong one day , magiging successful din ako. Successful na pabagsakin silang lahat.

"Sampalin mo nga ako , pakiramdam ko kasi nananaginip lang ako eh pero eto seryoso na , maganda yan at masaya ako na sa wakas hindi nasayang ang pagmamalasakit ko saiyo kahit minsan mo na rin akong inapi dahil sa social status ko pero alam ko namang pinagsisihan mo na lahat ng iyon. Sorry pala ah kung ganito lang kaliit ang bahay namin then kung hindi ganoon karangya pero promise ko tutulungan kitang bumalik kaagad sa Mansion sa lalong madaling panahon para naman maging maayos na ang lahat at tiyak matutuwa sila kapag nakita nila ang bagong Lulu."
Napangisi ako sa sinabi niya and at the same time halos masuka na rin pero hindi ko iyon pinahalata. Ang hirap.pala talagang magpanggap na mabait kahit na sa loob loob mo'y sumasabog ka na. Pero sa ngalan ng mga plano ko , nakahanda ko itong gawin dahil I can't wait na makita silang lahat na bumagsak.

"It's okay I understand at promise ko hindi na ako magiging maarte sa pagkain at tutulong na rin ako sa paglilinis para hindi sabihin ng Mama mo na pabigat ako dito. Tsaka salamat na rin kung tutulungan mo akong bumalik sa Mansion then maybe next time na lang kapag handa na akong magpakita ulit sa kanila lalo na kay Belle."

Wika ko saka nag-roll eyes habang nakayuko.

"Kaso mukhang mahihirapan ka yatang hindi magpakita sa campus , kasi kaklase mo si Cholo at tiyak mas lalo lang rin liliit ang mundo para sa inyong dalawa ni Belle dahil lagi silang magkasama."
"Ano??"

Napatigil naman ako sa sinabi niya kaya kaagad akong tumitig sa kaniya dahil sa narinig ko.
S-so hanggang ngayon pala ay inaahas ng babaeng iyon ang lalaking gusto ko. Ayy oo nga pala bakit nga pala ako magtataka kung naging plano niyang agawin sa akin ang.lahat including Cholo lalo na ngayong wala ako at masosolo na siya. Pwes, kung ito man talaga ang nangyayari ngayon ay hindi ako papayag na maagaw niya nalang ng ganun si Cholo sa akin. Hinding-hindi ako papayag dahil sisiguraduhin kong sa pagbabalik ko , ako na mismo ang tatapos sa kalandian niya.

LuluBelle -COMPLETED-Where stories live. Discover now