Kabanata 60: Pagpapakilala

55 1 0
                                    

Belle-

Magkahawak-kamay naming binagtas ang malawak na compound patungo sa sa Mansion. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil it's my first time para gawin ito at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga parents ko oras na malaman nila ang totoo. Oras na malaman nilang .. kami na ni Cholo.
Actually matagal din naming pinag-isipan kung dapat na ba naming sabihin and since nandito nalang din kami dahil hinatid niya ako pauwi, hindi na lamang namin papalampasin pa ang oras na magkasama kami at buo na ang desisyon naming sabihin sa kanila ang tungkol sa amin.

Ilang hakbang na lamang bago kami tuluyang makaapak sa terrace ay bigla siyang nagsalita na nagpagulantang sa akin.

"Belle, relax. Wag kang ma-tense , mabait sina Tito at Tita at sa tingin ko nama'y hindi ka nila papatayin oras na malaman nila ang totoo."

Sambit niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Pakiramdam ko nama'y nag-iinit ang aking mukha kaya yumuko na lamang ako at dahan-dahang inalis ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya dahil halos mamawis na rin ito sa sobrang kaba.

"Hindi mo kasi maiaalis sa akin ang kabahan, t-tsaka hindi lang naman sina Mama ang iniisip ko."

Nagulat ako nang muli niyang hinawakan ang aking kamay at masuyong iniangat ang aking mukha upang maibaling ang tingin sa kaniya.

"Are you still thinking about your sister? About Lulu???"

Tanong niya sa akin. Pinili ko na lang muling yumuko dahil inaamin kong hanggang ngayon , naiisip ko pa rin siya at hanggang ngayon patuloy ko pa ring sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa kaniya and now , alam kong mawawalan na talaga ng chance na muli pa kaming magkabati dahil kapag nalaman niyang kami na ni Cholo, tiyak na magagalit na naman siya sa akin at alam ko sa sarili kong , hinding hindi niya na ako mapapatawad pa.

"Cholo, hindi mo kasi maiaalis sa akin na hindi ko siya isipin dahil kapatid ko siya , at hindi lang basta kapatid. Kakambal ko siya at alam ko ang pakiramdam ng sinasaktan. "

"You became too much selfless Belle. To the point na hindi mo na maisip ang sarili mo dahil sa ibang tao. Look , hindi naman masamang isipin mo ang iba pero sana maintindihan mo na hindi rin masamang maging concern ka at mahalin mo ang sarili mo. Did you ever heard the quote, "Love your self first before loving anyone else?" Iyon. Iyon ang punto ko at iyon ang gusto kong i-apply mo sa sarili mo. Hindi naman kasi masamang isipin mo naman ang sarili mo ngayon at maging masaya, dahil ako panatag na akong kasama ka at kapag nalaman niya ito, alam kong magagalit siya pero alam ko rin at naniniwala din akong matatanggap at matatanggap niya ang tungkol sa atin. Dahil kahit ano pang gawin niya , hindi niya na mababago ang fate. At hindi niya na tayo mapaghihiwalay pa.."

Napangiti ako. Hindi ko kasi inakalang manggagaling iyong lahat sa bibig niya. Ang tanging nasa isip ko na lamang ngayon ay tama siya. Tama nga siya sa sinabi niyang hindi naman masamang isipin ko ang sarili ko dahil paano naman ako magmamahal ng iba kung ang mismong sarili ko ay hindi ko kayang mahalin.

Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na mula sa terrace sina Mama at Papa na nag-uusap kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Cholo.
Muli akong tumitig sa kaniya at nababasa ko sa mga mata niya ang mga katagang , " Magiging maayos din ang lahat".

At nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila ay nakita ko ang tuwa nang makita nila ako at ang pagkagulat nang makita na kasama ko si Cholo.

"Magandang hapon po Tito at Tita , advance na po kasi akong mag-isip anyway I'm Cholo and nice meeting you two po."

Sambit niya nang kamayan si Mama at Papa. Napangiti na lang din ako sa kanila . Kinakabahan ako sa totoo lang dahil hindi ko ba alam kung matatanggap ba nila ang sasabihin namin.
Oo , alam kong mabait sila pero hindi ko alam ang magiging reaksyon nila.

LuluBelle -COMPLETED-Where stories live. Discover now