Chapter 16: 𝗣𝗿𝗮𝗰𝘁𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗺𝗮𝗸𝗲𝘀 𝗽𝗲𝗿𝗳𝗲𝗰𝘁

1.8K 34 5
                                    

Jade POV:

Good morning Sunday! mabilis akong bumangon sa higaan ko.

Ngayon ko naisipan na ipatuloy yung pag-uusap namin tungkol don sa gagawin grouping's.

Matapos kung mag-ayos ay sa kwarto ni Jake ko naisipang pumunta.

Naka-tatlong katok na ako sa pinto ng kwarto nya pero pala paring respond. Baka tulog pa ang hinayupak!

Dahil hindi naman naka lock ang pinto nya naisipan ko ng pumasok sa loob.

Tulog pa nga tae.

"Hoy! Jake gising na magpaplano pa tayo tungkol don sa pa task ni Sir!"

Niyugyog ko sya pero parang balewala lang sa kanya.

Nagulat ako nung bigla syang magmulat kaya na out of balance ako. At eksaktong nahawakan nya ang bewang ko at payakap akong natumba sa may ibabaw nya.

"Hey, good morning."

Tae bakit kahit bagong gising ang hot na ng isang ito.

Nag-madali akong tumayo badtrip!  kung gumising lang sana sya agad edi sana hindi na nangyari ito!

"Maliligo muna ako tapos ako nalang ang tatawag kay Raver tapos Deon ikaw na bahala dyan sa bungangera mong kaibigan."

"Sige, bilisan mo ha!" tumango nalang sya sa'kin at dumiretso na sya sa Cr para maligo ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko, naiwan ko don yung cellphone ko.

******

"So paano napag-isipan nyo na ba kung anong mga kakantahin nyo I mean yung song na kakantahin nyo?"
tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay naman silang tumango ang kay Deon ay That Should be me, The one that got away kay Irish, Beautiful Scars kay Raver, I'll be kay Jake.

"Ano yung sayo?"

"Secret nalang muna 'yon."
Umiling naman silang lahat
at sabay-sabay nag-salita.

"Ano nga!? madaya ka naman eh!"

"Tsss Through The Rain 'yon 'yon ang kakantahin ko! masaya na kayo alam nyo na eh." may pagka-sarcastic na pag-kakasabi ko.

"Sige na bukas nalang tayo mag-practice tapos paki-tuom nalang nung mga song na napili nyo kung hindi nyo pa masyadong memorize." announce ko sa kanila sabay-sabay naman silang nagsipag-tanguan.

"Sige mauna na ako may gagawin pa."
sabay na sabi ni Irish at Deon natawa ako dahil nag-katinginan pa sila tapos sabay ring nag-iwas ng tingin sa isa't-isa.

Nagpaalam narin si Raver na uuwi narin sya kaya kami nalang ni Jake ang natira.

"Palagay mo may pag-asa kaya na manalo tayo." biglang tanong ni Jake sa'kin.

"Syempre kung aayusin natin malaki ang chance na tayo ang manalo!"

"Sana all ganyan ang mindset."

"Huwag ka kasing mag-isip agad ng negative lalo na kung yung iniisip mo ay wala pang kasiguraduhan kung mangyayari. Isipin mo na muna puro positive para hindi maapektuhan ang performance mo."

I'm In Love With My Boss Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz