Chapter 18: 𝗔𝗹𝗹 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗲𝗮𝗻𝘁

1.6K 33 3
                                    

Jade POV:

Naalala ko na naman yung sermon ng matandang hukluban na yon!

Naisipan pa ba namang isali ako sa pageant eh wala naman akong kaalam-alam sa pagrampa-rampa.

Pati ba naman sa pag-tulog ko napapanaginipan ko yung tungkol sa pageant na 'yon.

Pag-wala daw kasing kapartner o hindi nag performed ibabagsak daw.

Ayaw ko kayang bumagsak
minsan lang kami makapag-aral ibabagsak pa ako.

Tsk wala naman akong ka-ex-pe-experience don.

Pano ko yun magagawa ng ayos eh wala akong pera pambili ng mga magagandang damit.

Hindi gaya ni Shane mayaman kaya kayang-kaya nyang bilhin ang damit na mamahalin.

Natigil nalang ako sa pag-iisip nang biglang dumating si Professor Drew.

"Siguro naman informed na kayo na ang ipapanlalaban sa pageant na gaganapin dito ay si Ms. Jade" talagang binulgar pa hanep rin.

"Wait what? sya"

"Oo yata."

"Anong problema nyo sa kanya maganda naman sya ah."

"Pero no!mas maganda ako"

Dinig na dinig ko ang mga bulungan pero naisip ko na huwag nalang mag-salita.

"Alam nyo guy's maganda naman sya magandang sapakin." sabi ni bakla at nag-tawanan naman ang mga kaklase ko.

Maliban kina Jake, Raver, Deon at Irish na masamang-masa ang tingin. Tatayo na sana si Jake para mag-salita pero sinenyasan ko sya na huwag.

"Ano ba kayo mga tanga o mga gago ayaw ng bestfriend ko sa pageant nayan kasi hindi sya dyan bagay. Masyado syang maganda para don pang Ms. Universe ang ganda nya at alam nyo na bukod sa maganda, matalino pa that's what you called beauty and brain."

Nag-bell na kaya akala ko tapos na pero binalikan pa ni Irish yung mga maldita.

"And by the way kung makapang-husga kayo akala nyo kung sino kayong perpekto. Ikaw! bakla ka mag-toothbrush ka, toothbrush your teeth before I brush that use my feet. Hindi mo na nga kami kailangang lasonin kasi hininga mo palang patay na kami."

"Rish naman tama na sige ka mahawa ka sa kanila malayo mental dito."

"Hoy babae ka kailan ka pa natutong magpa-bully?"

"Kanina lang wala naman kasi silang kakwenta-kwentang tao kaya dapat hindi na pinag-aaksayahan ng oras."

"Maiba ako paano yung sa pageant may kapartner kana ba?"

"Hindi ko nga alam naguguluhan parin ako."

"Dito kalang akong bahala! basta hintayin mo ako dito!" pag-kasabi non ni Irish mabilis na tumakbo sya pabalik sa room.

Ano naman kayang balak nitong gawin don?

Bahala sya.

Napako ang tingin ko sa kalalabas palang na si Jake.

Akala ko ay dadaan sya kaya tumabi ako baka kasi mamaya sungitan pa ako non. May saltik pa naman palagi.

"Hey ikaw nga yung pupuntahan ko tapos lumalayo ka naman." nagulat ako sa biglang pag-sasalita ni Jake sa may likod ko.

I'm In Love With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon