Chapter 24.5: 𝗩𝗮𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

1.5K 23 4
                                    

Jade POV:

Nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni papa.

At nasaksihan nya mismo nung niyakap ako ni Jake.

"P-papa mali po ang iniisip nyo wala po kaming relasyon ni Jake." takte mukang di'pa naniniwala si papa, paano na'to?

"Hoy, lalaki ka o kung sino ka man! bakit mo niyayakap ang anak ko hah!?"
Pasigaw na tanong ni papa kay Jake, lagot nah!

"It's our tradition po in Korea, kapag may kasalanan ang isang tao. May nagawa po kasi ako kay Jade and she forgive me na po kaya patawad Sir if I hug your daughter." tugon naman ni Jake kay papa na masyadong seryosong-seryoso ang tingin sa kanya.

Tumango naman si papa sa kanya na mukang hindi kumbinsido sa sagot ni Jake, kaso wala na syang magagawa.

Humarap naman sa'kin si Jake at nang hindi nakatingin si papa ay palihim nya akong kinindatan.

"Hoy kayong dalawa! sumunod kayo dito sa loob!"
malakas na sigaw ni papa at dire-diretsong naglakad sya papasok.

Hayst, ganyan na naman yang si papa
masyadong strikto sa'kin.

Sumunod nalang kami kasi wala naman kaming mapupuntahan bukod dito. Hindi naman pwede kina Irish kasi nakakahiya andon na si Deon tyaka si Raver.

Sabay kaming umupo ni Jake sa sofa pero syempre may pagitan. Baka mamaya isipin na naman ni papa na boyfriend ko itong si Jake mahirap na.

Nagulat ako sa bilang pag-upo ni ate sa may pagitan namin ni Jake. Kaya napapitlag ako at napalayo nang kunti.

"Ang arte mo na porke't napapunta ka sa pamilyang mayaman at nakakapag-aral sa magandang school kala mo kung sino kana." biglang sabi ni ate kaya napatingin ako sa kanya. Hindi parin sya nag-babago ganon parin sya kung makitungo sa'kin.

Napatingin naman si Jake sa'kin, kaya napayuko ako. Ewan ko pero ako yung nahihiya sa gina-gawa ni ate.

"Ate, hindi ko naman kasi expected na dyan ka uupo, kaya nagulat lang naman ako. Huwag mo namang bigyan ng meaning yon." sinubukan ko na maging mahinahon kasi ayaw kong ipakita kina mama na ganon padin ako. Dapat magbago na ang tingin nila sa'kin ayaw ko nang ganito.

"Hindi ka parin talaga nagbabagong bata ka, kakarating mo palang ganyan na agad ang pinapakita mo sa'min! bakit ba umuwi ka pa dito!?"
napatingin ako kay mama habang taas kilay sya at kunot noong nakatingin sa'kin na parang ang laki na naman nang kasalanan na nagawa ko sa kanila.

Agad akong tumayo at nagtungo sa kwarto ko, bakit ganito padin sila! wala naman akong ginagawang kasalanan sa kanila!

Ano bang pagkakamali ko!?

Nagmamalabis na tumulo ang mga luha ko sobrang sakit pa din. Imbes na tanungin nya kung kamusta ang buhay ko sa Manila sasabihin pa nya kung bakit umuwi pa ba ako dito? parang hindi ako parte nang bahay na ito, parang wala akong lugar dito at pampa sikip lang ako dito.

Nakarinig ako ng katok, kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.

"Anak pwede ba akong pumasok?"
si papa, nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ako sumagot.

I'm In Love With My Boss Where stories live. Discover now