Chapter 17: 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 + 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻

1.8K 48 3
                                    

Irish POV:

Ngayon na ang final presentation namin kaya nag-set up na kami ng mga gamit na gagamitin namin.

"Guy's pwede bang bago tayo mag-present don kumain muna tayo literal na kumakalam na ang tyan ko."
sabi ko habang nakahawak sa tyan ko, totoo naman kasi maagang-maaga kami dito at hindi na kami nakakain ng breakfast.

"Ikaw nalang kaya ang kumain total ikaw lang naman ang laging gutom sa'ting grupo." kunot-noo kong tiningnan si Mr. womanizer ng taon Deon Luis.

"First of all hindi ko kailangan ang opinyon mo! at second to the first wala akong pake sa mga pinag-sasasabi mo!"

Nakakairita naman ito hindi ko naman tinatanong sasagot-sagot. papansin rin kasi!

"First of all sabi ko kanina is GUY'S which means sinasabi mo 'yon sa aming lahat at second to the first hindi mo naman hawak ang bibig ko kaya I'm free, whatever I say wala ka ng pake!"

T*ng*nang 'to ang kapal ng muka para sagutin ako ng pabalang.

Ginaya pa nya ang tono ko ng pag-sasalita bwesit sya! pakyu sya!

"Hoy kayong dalawa dyan! may nabubuo ah!" malakas na sigaw ni Jade sa amin.

"Ano naman!" sabay na sabi namin ni Deon.

"Hindi ko na muna sasabihin bahala na kayong umalam basta maagang STAY STRONG sa inyo."

"Tsk edi huwag!" sabay naming sabi ni Deon

"Pati mindset pareho ah!" si Jade.

"Ano ba." sabay na naman kami ni Deon.

"Kainis." at sa huling yan sabay na naman kami.

P*ta anong nakain nito huwag nyong sabihin na nakakabasa sya ng isip ng tao!?

Hindi naman siguro sadyang siraulo lang sya.

Naglalakad kami ni Jade papunta sa cafeteria ng makaramdam ako nang tao sa likuran ko.

Agad naman akong lumingon sa likuran ko pero pag-lingon ko wala namang tao.

Baka guni-guni ko lang gutom na kasi, si Deon ang may-kasalanan nakipag-debate pa!

Habang papasok kami sa loob bigla nalang may tumulak kay Jade dahilan para muntikan na syang maipit ng pinto.

Medyo malayo ako kaya kung sisiksik ako ay siguradong hindi ko narin sya aabutin.

Pero sinubukan ko parin bestfriend ko 'yon hindi pwedeng wala akong gawin!

Pero unti-unting sumasara na ang pinto at nandon parin sya.

Kaya naman pumikit nalang ako dahil ayukong makita, kung ano man yung mangyayari sa bestfriend ko.

Pag-mulat ko laking pagtataka ko nang makitang naka yakap na si Raver kay Jade at si Jade ay wala man lang galos.

Ikinwento sa'kin ni jade kung paano nangyari 'yon sinabi ko nalang na buti ay naandun si Raver at sinagip sya.

Jake POV:

Tatakbo na sana ako para puntahan si Jade dahil muntik na syang maipit nang pinto pero mas nauna sa akin si Raver.

Palagi nalang si Raver, si Raver na tagapag-ligtas, si Raver na walang ka issue-issue sa lahat.

Okay narin 'yon kahit hindi ako ang naka sagip kay Jade atleast hindi sya
nasaktan.

Nakakapag-taka lang na laging nandito lang ako sa tabi nya. Pero bakit, bakit sa iba parin nababaling ang atensyon nya.

I'm In Love With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon