Chapter 26: 𝗥𝗮𝗰𝗶𝗻𝗴

1.2K 25 3
                                    

Jake POV:

Nagulat ako nang nagmamadaling umalis si Jade.

Saan na naman kaya yun pupunta
parang baliw na tanong ko sa sarili ko.

"Hep hep! saan ang lakad natin?"

"Aattend kami ng racing ngayon" si Irish ang sumagot dahil busy si Jade sa pagsisipat ng gulong nya.

"Anong klaseng racing ang pupuntahan nyo?" muling tanong ko sa kanila.

"Haysh ang dami mong tanong!" malakas na sabi sa'kin ni Irish.

Para nagtatanong lang napaka talaga ng babaeng ito.

"Para kayong mga aso at pusa magsitigil nga kayo!" bulyaw sa'min ni Jade.

Kaya hindi na ako nagsalita pa baka makatikim na kami dito.

Jade POV:

Naiinis na ako sa dalawang ito kapag ako hindi nakapagtimpi makakatikim talaga ito mga 'to sa'kin.

Bakit ba naman kasi tungkol sa'kin ang naisip na topic ng mga ito.

Alam na ayoko na buhay ko ang mga ginagawang usapan.

Wala naman kasing magandang bagay sa buhay ko.

Mga ilang minuto nalang at malapit na ako sa lugar kung saan magaganap yung racing.

Medyo traffic narin kasi kaya matagal ang usad.

Nakakainis! kung kelan ka nagmamadali tyaka maraming sagabal.

Irish POV:

Hay sa wakas nakarating din kami!

"Hala ka dyan! Besh magsisimula na yung racing!" malakas kong sigaw sa kanya. Alam nyo naman ako sigaw rito sigaw ron.

"Alam mo Irish hindi mo na kailangang sumigaw dyan dahil kita ko! kitang-kita." sagot nya na nakapagpatahimik sa'kin.

Minsan talaga nakakasakit na ang mga sina-sabi ni Jade.

Pero ayos lang alam kung marami lang syang problema ngayon. Hay nako Irish kelan ba yan naging madaldal ng kasing daldal mo? napailing ako sa naisip.

Alam nyo bang halos hindi na Yun kuma-kain Ang laging dahilan nya
busog sya pero alam kong may malalim lang syang iniisip.

Naaawa ako sa kaibigan kong yon 
bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng masasamang tao sya pa ang nakakaranas ng ganon.

Pwede namang si Shane nalang HAHAHAHA.

"Ang racing natin ay malapit ng magsimula ang lahat ng kalahok  sa racing na ito,
Ay inaanyayahan na pumwesto
na sa harapan at maghanda na! siguro alam nyo na naman ang mga posibleng mangyari.
Basta galingan nyo nalang good luck" sabi nung Mc.

Bumilang yong Mc at lahat ay nagsimulang paandarin ang mga sasakyan nila.

As usual si Jade ang nauuna pero sheyt!
May mandaraya sinubukan nitong banggain ang motor ni Jade.

Pero magpapatalo ba ang best friend ko syempre hindi papayag yon kaya ayon gumanti.

Inihagis nya yong isang maliit na kutsilyo na dala nya at saktong-sakto sa gulong tumama ayun flat yung gulong nya HAHAHAHA nadali mo!

I'm In Love With My Boss Where stories live. Discover now