Chapter 29: 𝗟𝗲𝘁 𝗛𝗘𝗥 𝗚𝗼

1.1K 31 2
                                    

Jake POV:

Hay, nakakapagod na physically and emotionally bakit?

Simple lang naman palagi nalang akong wala sa mood.

Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawang mahirap.

Napapagod na akong habulin ang tao
na walang ginawa kundi ang takbuhan ako.

Hindi ko na alam kung ipaglalaban
ko pa ba itong nararamdaman ko
kasi napapagod na talaga ako.

Ewan ko kahit nasasaktan at nasasaktan ako wala pa rin.

Hindi ko parin kayang sumuko pero this time susubukan ko na talaga.

I will let her go dapat matagal ko ng tinanggap na hindi ako ang mahal nya.

"Jake, Jake!"
Nabalik agad ako sa katinuan dahil may tumatawag sa'kin.

Andito pa pala si Jade akala ko umalis na sya.

"Bakit?"

"Ah uuwi na pala ako, salamat sa pag-aalaga mo sa'kin kagabi."

"Wala yon." kahit sinukahan mo pa ako wala talaga.

"Uuwi kana talaga? sayang mag-luluto pa naman sana ako ng breakfast natin."
malungkot kong pagkaka-sabi.

"Hindi na siguro next time nalang may lakad kami ni Luke ngayon."

Luke! puro nalang Luke! loki naman
yung lalaking yon.

"May sinasabi ka?" she ask, sh*t napalakas ata pagsasalita ko.

"Sabi ko look in the mirror ang ganda mo."

Yan yong sinabi ko pero deep inside
gusto kong sabihin na.

Bakit hindi mo ako tingnan sa salamin baka marealize mo na mas gwapo ako kaysa dyan sa loki na kinababaliwan mo.

"Hatid na kita gusto mo?" I ask her, baka mamaya hindi pa pumayag edi don't.

"Sige, wala namang mawawala." she answered.

"So pano let's go?"

"Tara na."

At naglakad na kami palabas ng condo ko at sabay na pumasok sa elevator.

"So bakit iniiwasan mo ako?"
tanong ko sa kanya na alam kong nagpa-kaba sa kanya.

"Ako iniiwasan ka? HAHAHA nagpapatawa ka ba? syempre hindi bakit naman kita iiwasan? serial killer ka ba? marami lang talaga akong ginagawa kaya hindi mo ako madalas makita." she said but I can sense that she's lying.

"Don't lie I know when you're lying to me." sagot ko na ikinatigil nya.

"Bakit naman ako magsisisnungaling ha? ano sa tingin mo ang makukuha ko kapag nagsinungaling ako sayo?"

"I don't know maybe you have a secret that you don't want me to know."

"At ano sa tingin mo ang sekretong itatago ko pa kamo sa'yo? alam mo kahit anong sekreto pa yon wala ka ng pakialam, buhay ko ito hindi mo dapat pinapakialaman." she said, mukang naiinis na sya.

"Chill, mukang mag-aapoy kana." sabi ko habang kunwaring natatawa pero hindi mawala sa isip ko yung bagay na pakiramdam ko may bumabagabag sa kanya.

I'm In Love With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon