CHAPTER 3 - Bagong kakilala

67K 1.6K 152
                                    

CHAPTER 3
Bagong kakilala

BEATRICE

MAG-AALAS OSTO NA ng umaga pero tulala pa rin si Beatrice sa kanyang higaan. Nakahawak siya sa labi niya habang nag-iisip. Hindi niya alam kung nanaginip ba siya o totoong may humalik sa kanya kagabi. Pero never naman siyang nagpantasya sa kanyang pagtulog. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang ganoong bagay. Ginulo niya ang buhok dahil sumasakit ang ulo niya sa kaiisip. Minabuti na lamang niyang bumangon at mag-ayos ng sarili bago bumaba sa kusina upang mag-almusal.

Nakita niya ang mga magulang niya na masayang nag-aalmusal. Napansin siya ng mga ito at ngumiti sa kanya.

"Good morning, Darling," bati ng ina niya. Bumeso siya rito pati na rin sa kanyang ama.

"Good morning, Mom and Dad," bati niya at naupo sa kabilang side. Ang ama niya ang sa gitna ng lamesa habang katapat niya ang kanyang ina.

"You look tired, Darling. Napuyat ka ba?" pag-uusisa ng ina. Sabi na nga ba at mapapansin pa rin nito ang eyebags niya.

"No, Mom. Excited lang po akong makalabas kaya hindi ako masyadong nakatulog," nakangiti niyang tugon at kumuha ng toasted bread at hotdog. Habang nagpapalaman siya ng tinapay ay nagsalin naman ng fresh milk ang kasambahay nila. Napansin niyang tila natahimik ang mga magulang niya kaya tiningnan niya ang mga ito na kasalukuyang nakatingin sa isa't isa.

"Bakit po? May sasabihin po ba kayo sa akin?" tanong niya sa mga ito at kumagat na sa ginawa niyang bread na pinalamanan ng mayonnaise, ham, at kaunting fresh vegetables.

"Ah, Darling, naisip kasi namin ng daddy mo na ikuha ka ng bodyguard," panimula ng kanyang ina. Natigil siya sa pagkain para sagutin ito.

"Pero, Mom, ayoko po ng bodyguard. Kaya ko po ang sarili ko, kaya huwag na po kayong mag-alala," paniniguro niya sa mga ito. Ayaw niya ng bodyguard. Parang hindi na rin siya nakalaya noon.

"Pero, anak, ayaw naming mapahamak ka. Baka idamay ka ng mga taong gusto tayong pabagsakin. Please? Pagbigyan mo naman kami kahit dito lang," nagmamakaawang sabi ng mommy niya. Hindi naman niya kayang tanggihan ang kanyang ina, lalong ayaw niyang nag-aalala ito. Napatango na lang siya na kinangiti ng mga ito.

"Sige po, para hindi na kayo mag-alala. Pero kapag nasa safe place po ako katulad ng papasukan ko pong university, sana ay hindi na po sumunod ang mga bodyguard. Nakakahiya po kasi," maliit na kahilingan niya sa mga ito.

"Sure, Darling," pagpayag ng mga ito. Ngumiti siya at pinagpatuloy na ang pagkain. Excited na siyang makalabas.

LULAN NA SILA ng kotse habang lumalabas sa kanilang lupain. Nananabik siyang makita ang labas.

"Kitang-kita ang excitement sa mukha mo, Darling," siguradong sabi ng kanyang ama na nasa front seat katabi ng driver nila. Nasa side niya ang mommy niya na elegante sa suot nitong floral dress.

"Yes, Dad. I'm super duper excited!" maligalig niyang tugon na kinahalakhak ng mga ito, maging ang kanilang driver. Kulang na lang kasi ay tumili siya.

"Ah, Sir, Ma'am, saan po ba muna tayo unang pupunta?" tanong ng kanilang driver.

"Sa papasukang university muna ni Beatrice. Pagkatapos ay pumunta tayo sa mall. Bibili tayo ng bagong damit at ilang kakailanganin niya," sabi ng daddy niya na tinutulan naman niya agad.

"Dad, huwag na po, marami pa naman po akong damit at ibang gamit. Mamasyal na lang po tayo. Gusto ko po kayong maka-bonding sa una kong paglabas."

"O sige, kung iyan ang gusto mo, Darling," sabi naman ng mommy niya.

Tumingin siya sa kanilang dinaraanan. Maraming puno sa paligid at may nakita din siyang mga bahay sa ibaba. Isang mataas na lupain pala ang kinatitirikan ng kanilang bahay. Iniisip niyang ang mga gusali sa ibaba ay ang pinakabayan sa kanilang lugar.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon