CHAPTER 30 - BF Island

55.7K 1.1K 24
                                    

CHAPTER 30
BF Island

BEATRICE
   
SUMANDAL SI BEATRICE sa dibdib ni Dimitri habang nakaupo sila sa isang beach chair. Nasa pagitan siya ng hita nito habang nakayakap ito sa kanya mula sa likod. Nasa itaas sila ng yate nito kaya ang lamig ng hangin at madilim na kalangitan ang kanilang nadadama at nakikita. Nakatingala sila sa mga bituing napakapayapang pagmasdan.

    Hindi matawaran ang kanyang nararamdamang kasiyahan, lalo at kapiling na niya si Dimitri.

    "Dimitri, paano nga pala kayo nakaalis sa nasusunog na gusaling pinatayo mo?" tanong niya rito. Natigil ito sa paglalaro sa kanyang buhok at ihawi nito iyon patungo sa kanang balikat niya. Pinatong nito ang baba sa kaliwang balikat niya.

    "May secret exit kasi ako na pinagawa sa gusaling 'yon. Doon kami dumaan ni Wallex bago pa sumabog ang buong gusali," pagkukwento nito.

    Napahanga naman siya dahil talagang mautak ito. Napalabi naman siya nang may mapagtanto.

    "Kung nakaligtas pala kayo, bakit ang tagal mo bago ka nagpakita sa amin? Tapos tinakot mo pa ako kanina. Akala ko tuloy masamang tao ka," nagtatampo niyang sabi rito.

    Humalakhak ito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
    "Kailangan muna kasi naming magpahilom ng sugat ni Wallex. May nagmagandang loob na tinulungan kami nang matagpuan niya kami sa dulo ng sapa na pinagbagsakan namin," sabi nito.

    "Mabuti ay may nakatulong pala sa inyo. Sino naman 'yon para mapasalamatan natin?" aniya.

    "Huwag na, baka sumpungin ka pa," sabi nito at hinalik-halikan ang balikat niya.

    "At bakit naman?" nakataas ang kilay niyang tanong at lumingon dito.

    "Wala. Basta ayos na 'yon, huwag mo nang isipin."

    Tumango na lang siya dahil tila ayaw naman nitong sabihin pa.

    Napatingin siya sa kamay nito na gumapang mula sa baywang niya paakyat sa dibdib. Pinisil nito ang dibdib niya kaya pinalo niya ang kamay nito.

    "Napakamanyak mo talaga!" sabi niya rito at hinawakan ang kamay nito upang alisin sa dibdib niya.

    "Bakit tila lumalaki na itong dibdib mo? Dati ang liit pa nito," sabi nito habang siya ay ilang na ilang sa pinaggagagawa nito.

    "At bakit mo naman nalamang maliit pa ito dati, ha?" mapanghinala niyang tanong.

    "Secret," pilyong bulong nito sa tainga niya, kaya napalayo siya nang kaunti dahil sa init ng hininga nito. Nakikiliti kasi siya.

    Napadaing siya nang mariin nitong pinisil ang hinaharap niya.

    "Tigilan mo nga 'yan at baka may makakita pa sa atin," saway niya rito at inalis na ang kamay nito.

    "Wala namang makakikita sa atin dahil tiyak na tulog na ang mga 'yon at maging si Duke ay pinatulog ko na kanina," paniniguro nito sa kanya.

    Yes, nandito rin si Duke. Kaya pala wala sa tabi niya ito nang magising siya ay dahil nakita pala nito ang koleksyon ng kotse ni Dimitri na nasa isang kwarto ng yate.

    Malaki itong yate ni Dimitri na kinamangha niya pa lalo. Hindi niya alam na napakarami nitong pagmamay-ari.

    "Dimitri," pukaw niya rito na humahalik-halik na sa pisngi niya.

    "Hmm?" tugon nito habang inaamoy ang pisngi niya.

    "Masama ba ang trabaho mo?" alanganin niyang tanong na kinahinto nito. Gusto niya kasing may malaman pa rito, lalo na sa trabaho nito.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon