CHAPTER 21 - Kondisyon

55.9K 1.2K 47
                                    

CHAPTER 21
Kondisyon

BEATRICE/AURORA
   
AT BAKIT NAMAN ako susunod sa gusto mo, ha?! Pwede ba, umalis ka na! Akin na si Duke," galit niyang sigaw kay Dimitri, kahit abot-abot ang kaba niya ay tinapangan niya ang loob para mapaalis lang ito.

    Wala siyang nakuhang sagot kay Dimitri. Bagkus ay tumuloy ito papasok habang buhat-buhat si Duke na tila komportable sa pagkakakilik ng lalaki. Sumunod siya rito para kunin ang anak. Naupo ito sa sofa habang inuupo nito sa tabi si Duke.

    "Mommy, who is he?" tanong ng anak niya.

    "Duke baby, go back to your room, please?" pakiusap niya sa anak.

    "I'm your father," sagot naman ni Dimitri.

    Nakita niyang gulat na tumingin ang anak niya sa lalaki. "Y-you're my father?!"

    "Yes," nakangiting sagot ni Dimitri.

    "Duke, please! Go back to your room!" malakas na utos niya sa anak. Busangot itong tumayo at nagmartsa papunta sa kwarto nila. Tinuro niya ang pinto at matalim na tiningnan ang lalaking komportableng nakaupo sa sofa.

    "Umalis. Ka. Na," mariin niyang sabi rito. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang nakasandal sa upuan at nakahalukipkip.

    "Bakit hindi mo ipaliwanag sa akin ang lahat, ha? Five years, Bea. Five years mong tinago ang anak natin!" mariin nitong sabi at dinig din niya ang sakit sa boses nito.

    "Wala akong ipaliliwanag sa 'yo at hindi mo siya anak! Anak ko lang siya! Kaya pwede ba, umalis ka na! Huwag mo nang guluhin pa ang buhay namin!" galit niyang sabi rito. Gumalaw ang panga nito na tila nainis sa sinabi niya. Tumayo ito at hinarap siya kaya medyo napaatras siya.

    "Damn it! Anak natin! Natin! Naiintindihan mo?! At kung akala mo aalis pa ako, nagkakamali ka, lalo pa at nalaman kong may anak ako sa 'yo!" galit nitong sigaw. "Kaya sa ayaw at gusto mo, sasama kayo pauwi!" Pagkaraan ay kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. "Oscar, come here. Yeah. Isama mo sila. Hakutin n'yo ang gamit ng mag-ina ko," sabi nito sa kabilang linya. Kinabahan siya sa sinabi nito.

    "Pwede ba! Hindi kami sasama ni Duke sa 'yo! Umalis kang mag-isa," galit niyang pagpapaalis dito. Hindi siya pinansin nito na nakikipag-usap pa rin sa cellphone habang malamig na nakatingin sa kanya. Binaba nito ang cellphone at tumingin kung nasaan si Duke. Humakbang si Dimitri at nahulaan niyang patungo ito sa kwarto ni Duke. Agad siyang humarang kaya napahinto ito.

    "Please, umalis ka na!" umiiyak na niyang pakiusap. Gumalaw ang panga nito sa galit.

    "Huwag mo akong iyakan, Beatrice. Dahil kahit magmakaawa ka, buo na ang desisyon ko," seryoso nitong sabi habang nakatitig sa mga mata niya. Umayos ito ng tayo at tumingin sa relo na nasa kamay. "Ihanda n'yo ang gamit n'yo ni Duke. Dahil ano mang oras ay parating na sina Oscar dito. Kapag hindi ka sumunod, kukunin ko na lang si Duke."

    "Napakasama mo! Napakasama mo! Hindi mo pwedeng kunin si Duke sa akin! Akin lang siya!" naiiyak niyang sabi at pinalo niya ito sa dibdib. Hinawakan siya nito sa braso nang madiin para tumigil siya sa pagpalo. Feeling niya tuloy ay mababali ang buto niya.

    "Bakit ikaw, hindi? Naging masama ka rin, dahil tinago mong may anak tayo. Kaya patas lang tayo," giit nito. Binitiwan nito ang braso niya. "Ngayon, mamili ka, sasama kayong dalawa ni Duke o maiiwan ka ngunit walang Duke?"

    Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Napailing siya at naupo sa sahig na umiiyak. Bakit ba lagi na lang siyang walang laban dito? Bakit ba ang hina-hina niya?

    Umalis ito sa harap niya at tinungo ang room ni Duke. Napatakip siya ng mukha at napahagulgol. Naninikip ang dibdib niya dahil hindi niya makayanan ang lahat. Kapag sumama siya rito, tiyak na hindi na naman siya makalalaya. Baka masaktan na naman siya at natatakot siyang bumalik ang feelings niya rito. Pero ang tanong, wala na nga ba siyang nararamdaman dito? O baka pinaniniwala lang niya ang sa sarili? Dahil maging siya ay hindi niya alam ang nararamdaman para dito. Tuwing lumalapit ito ay pinalalakas pa rin nito ang tibok ng puso niya. Lagi siyang kinakabahan kapag nasa malapit lang ito.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon