CHAPTER 22 - Sinamantala

64.8K 1.4K 91
                                    

CHAPTER 22
Sinamantala

BEATRICE
   
PAGDATING NILA SA unit niya ay agad niyang binuksan ang pinto para maihiga na agad si Duke sa higaan. Pero kumunot ang noo niya dahil hindi naka-lock ang pinto. Kaya napatingin siya kay Dimitri na seryoso at tila nahulaan ang iniisip niya.

    "Stay here. Ako muna ang papasok," sabi nito kaya tumango siya. Binigay nito sa kanya si Duke kaya agad niyang kinuha ito.

    Nilagay niya ang ulo ni Duke sa kanang balikat niya bago tumingin sa papasok na si Dimitri sa loob. Kinakabahan siya kapag naiisip niyang meron ngang magnanakaw sa loob ng unit niya. Pero malabong mangyari iyon dahil masyadong mahigpit ang siguridad ng condominium na tinitirahan niya. At syempre, nag-aalala rin siya kay Dimitri dahil baka mapahamak ito.

    Lumipas na ang ilang segundo ay hindi pa lumalabas si Dimitri kaya kahit na binilinan siya nitong maghintay lamang sa labas ay pumasok na siya. Hinanap niya sa sala ang lalaki ngunit wala. Kaya dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kwarto nila. Pero napatigil siya sa paglalakad nang makarinig siya ng mga boses na nag-uusap sa kusina. Kaya doon muna siya nagtungo.

    Unang bumungad sa kanya si Dimitri na napatingin sa gawi niya. Hindi niya ito pinansin dahil napadako ang tingin niya sa kausap nito—si Dylan. Naguguluhan siya kung bakit parang magkakilala ang dalawa.

    "Magkakilala kayo?" naguguluhan niyang tanong. Nagkatinginan ang dalawa na tila hindi alam ang isasagot sa kanya.

    "Yeah. Hindi ko ba nasabi sa 'yong kilala ko siya?" natatawang tanong ni Dylan habang napakakamot sa ulo. Umiling siya habang seryosong nakatingin sa kaibigan. Tila naramdaman nitong hindi siya nakikipagbiruan. Napatingin siya kay Dimitri na tahimik lang at tila wala man lang balak na magpaliwanag sa kanya. Napahinga nang malalim si Dylan at lumapit sa kanya, nababakasan ng konsensya ang mukha nito.

    "Sorry, Aurora, kung nilihim ko sa 'yong kilala ko si Dimitri. Ayoko lang na pag-isipan mo ako ng masama. Oo, noong una ay pinakiusapan lamang ako ni Dimitri para bantayan ka habang wala siya. Pero lahat ng pinakita ko sa 'yo ay totoo. Kaya sana ay mapatawad mo ako," sabi nito.

    "Maiwan ko na kayo." Iyon lamang ang tinugon niya sa sinabi nito bago siya tumalikod habang buhat-buhat si Duke.

    "Aurora!" habol pang tawag ni Dylan sa kanya, pero hindi na niya pinansin ito. Napatingin siya kay Duke na tila naalimpungatan, hinaplos niya ang likod nito para bumalik sa pagkakatulog. Dumeretso siya sa kwarto niya at hiniga sa kama si Duke. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan.

    Naupo rin siya sa kama at malalim na napaisip. Nagagalit siya kay Dylan dahil nagawa siya nitong paglihiman. Akala niya ay tinuring siya nitong kaibigan, pero tila nagkamali siya. Dahil kung talagang tinuturing siya nitong kaibigan ay hindi dapat ito naglihim sa kanya.

    Napahinga siya nang malalim dahil sawang-sawa na siyang magalit. Lagi na lang gumagawa ng dahilan ang mga taong malapit sa kanya para magalit siya.
   
   
DIMITRI
   
KUMUHA SIYA NG tubig sa refrigerator at nagsalin. Hinarap niya si Dylan na sinisisi ang sarili.

    "Dapat kasi maaga pa lang ay sinabi ko na agad sa kanya, Dude. Ikaw kasi, kinasabwat mo pa ako. Ayan, nagalit tuloy sa akin si Aurora," sumbat nito sa kanya.

    "Tsk. Don't call her Aurora. She's Beatrice," naiirita niyang sabi rito.

    "Bakit ba? E, nasanay ako na Aurora ang itawag sa kanya. Kanya-kanyang tawagan 'yan. And, Dude, don't change the topic. Tulungan mo akong mapatawad ni Aurora. Baka hindi na niya ako pansinin."

    "Believe me. Ako man ay hindi pa ako napapatawad ni Beatrice. Tapos tutulungan pa kita?" sabi niya at napahawak sa sentido niya dahil biglang sumakit ang ulo niya sa pag-iinarte ni Dylan.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon