CHAPTER 10 - Bagsik

61.2K 1.2K 33
                                    

CHAPTER 10
Bagsik

BEATRICE
   
PUNO NG PALAKPAKAN at halakhak ang buong hall dahil sa speech ni Mr. Ricafort. Napangiti naman si Beatrice dahil may pagkakwela at mabait pala ang Don.

    Tahimik lamang siyang nakaupo sa naka-reserve nilang table, habang ang Kuya Dimitri niya ay nakaupo sa tabi niya at may kausap na isang businessman.

    Mas ninais na lamang niyang i-enjoy ang pakikinig kaysa mabagot siya roon. Nililibot din niya ang tingin sa buong paligid, nagbabaka sakaling makahanap siya ng daan kung paano siya makaaalis.

    “OMG, girls, ang gwapo niya! I want him!”

    “Me, too, Trix, I want him! He’s so handsome and . . . hot!”

    Napatingin siya sa kabilang lamesa nang marinig niya ang pag-uusap ng mga babaeng nagtititili na tila mga kinikilig. Napansin niyang sa lamesa nila ito nakatingin, o mas tamang sabihing sa Kuya Dimitri niya ito nakatingin.

    Napaisip siya nang malalim at biglang nagliwanag ang mukha niya nang makaisip siya ng paraan upang masalisihan ang kapatid. Tumayo siya para sana humakbang palapit sa mga babae nang hatakin ng Kuya Dimitri niya ang kanyang kamay at hinatak uli siya paupo. Napatingin siya rito at nakitang nakatingin ito nang seryoso sa kanya.

    “Where are you going? Are you—” Hindi na niya ito pinatapos.

    “Pupunta lang ako sa lamesa na pinaglalagyan ng pagkain. ’Yon, oh,” turo niya sa likod ng mga babae.

    “Dito ka lang. Ako na lang ang kukuha.”

    “Ano ka ba?! Kaya kong kumuha ng sarili kong pagkain! Hindi naman ako tatakas gaya ng iniisip mo. Ayan lang naman ang kuhanan ng pagkain,” inis niyang sabi rito. Kinagat niya ang dila dahil nagsisinungaling siya. Tiningnan siya nito nang malalim na tila inaalam kung nagsasabi siya nang totoo. Nagseryoso siya upang hindi ito makahalata.

    Napabuntong-hininga ito bago nagsalita. “Okay, but I’m watching you. Don’t you dare escape. I’m warning you.” Nakaramdam siya ng kaba pero tinatagan niya ang loob. Tumango na lang siya at tumayo na nang may lumapit uling isang businessman sa kanyang kuya. Pero ramdam niya ang titig nito na tila sinusubaybayan siya.

    Nilagpasan niya ang mga kababaihang patuloy sa pagpapantasya sa kuya niya. Kunwari ay namimili siya ng pagkain habang panaka-nakang tumitingin sa kuya niyang nakahalukipkip at nakasunod ang tingin sa kanya. Napapikit siya at gigil na kinagat ang ibabang labi.

    “Ano ba ’yan! Paano ako makakaalis kung laging nakasunod ang tingin niya? Daig pa niya ang CCTV sa pagsunod ng tingin,” inis niyang kausap sa sarili.

    “You’re saying something, hija?” Nabigla siya nang may magsalita sa gilid niya. Nakita niya si Mr. Miguel na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nahihiya siyang ngumiti rito. Siguro ay narinig nito ang binubulong niya. Nakaramdam naman siya ng kahihiyan.

    “Ah, wala po. Namimili lang po ako ng pagkain,” nahihiya niyang sagot.

    “Huwag ka nang mahiya sa akin, hija. Mukha lang talaga akong masungit pero mabait naman ako, yata,” natatawang saad ng matanda.

    “Pasensya na po. Ngayon lang po kasi ako nakisalamuha sa mga tao kaya po may hiya pa akong nararamdaman.” Huminto naman ito sa pagngiti at nagtanong uli.

    “Bakit? Hindi ka ba lumalabas ng bahay? Usually kasi, paggagala at pakikipagbarkada ang hilig ng mga kabataan ngayon,” nagtatakang tanong ng matanda.

    “Ah, eh . . . actually, Sir, simula po kasi noong bata ako ay hindi na ako hinayaan ng parents kong lumabas. Sabi nila ay ayaw po nila akong mapahamak sa mga taong gusto silang pabagsakin. Kaya lagi na lamang po akong nasa bahay,” tugon niya. Tumango ito na tila naunawaan ang sinabi niya.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon