CHAPTER 17 - Sana Nga

49.5K 1.1K 39
                                    

CHAPTER 17
Sana nga

DIMITRI
   

    NAGMAMADALI NIYANG PININDOT ang kabilang elevator. Nabwisit siya sa tagal nitong bumukas. Kapag talaga hindi niya naabutan si Beatrice ay ipasusunog niya ang buong hotel na ito. Halos masipa niya ito nang sa wakas ay bumukas na rin. Nagmamadali siyang pumasok sa loob at gigil na pinindot ang ground floor. Nang magsara na ay napasandal siya sa gilid at napasabunot ng buhok.

    "Ahhh!!! No! No! She can't leave me! Fuck you, Dimitri! Damn you!" sisi niya sa sarili. Pinagsususuntok niya ang dingding ng elevator at doon binuhos ang lahat ng galit niya. Napahinga siya nang malalim at napalingon sa pinto ng elevator nang bumukas iyon, agad naman siyang lumabas.
   
     Nilibot niya ang tingin sa buong paligid, baka hindi pa nakalalayo ang babae. Nang wala siyang makitang bakas ng dalaga ay agad siyang lumabas. Para siyang baliw na nilibot ang tingin sa labas.
   
     "Sir, may problema po ba?" pukaw sa kanya ng isang guard ng hotel na humarang sa kanyang harap.

    "Idiot! Umalis ka nga sa harap ko!" sigaw niya rito at hindi na ito pinansin uli. Tumakbo siya para alamin kung saan maaaring tumakbo si Beatrice.

    "Boss, anong problema?" Napabaling ang tingin niya kay Oscar na palapit sa kanya. Halata rito ang pagkalito. Natitiyak niyang ito ang nagsama kay Beatrice kung nasaan siya ngayon. Sinapak niya ito sa mukha pagkalapit nito dahil sa sobrang galit niya.

    "Damn you! Nasaan si Beatrice, ha?! Ikaw ba ang nagsama sa kanya rito?!" sigaw niya habang hawak ang kwelyo nito.

    "Yes, Boss. Pero hindi ko pa nakikitang lumabas si Miss," nahihintakutan nitong sabi.

    Nagtiim-bagang siya. "Argh! Bwisit! Halika! Bilisan mo! Tiyak kong hindi pa siya nakakalayo. Humanda ka kapag hindi ko nakita si Beatrice. Ikaw ang mananagot sa akin," mariin niyang banta rito at nagmadali nang sumakay sa dala nitong sasakyan. Babalikan na lang niya ang sasakyan niyang dinala.

    Agad pinaharurot ni Oscar ang sasakyan paalis sa parking lot ng hotel. Nililibot niya ang tingin sa bawat madadaanan nila. Pero ni isang bakas nito ay wala siyang makita.

    Napakuyom siya ng kamao at bumibigat ang hininga niya. Iniisip pa lang niyang iiwan siya ni Beatrice ay hindi na niya matanggap. Para siyang mababaliw kapag iniisip na hindi niya ito makakasama pauwi.

    "Paano nalaman ni Beatrice kung nasaan ako, ha? Wala akong sinabihan ni isa sa inyo," malamig niyang tanong sa tauhan.

    Napalunok ito bago sumagot sa kanya. "Boss, hindi ko rin alam. Basta tinanong niya lang ako kung alam ko raw ba ang Hotel Trias. At sinabi niyang nandoon nga raw kayo."

    Nalilito siya, paano nito nalaman ang hotel at maging ang room number? Napaisip siya habang nagsisimula nang dumilim ang mukha niya. Tila alam na niya kung sino ang may kagagawan noon.

    "Lintek kang babae ka! Babalikan kita pagkatapos kong mahanap ang reyna ko. Sisiguraduhin kong babaon sa lupa ang katawan mo!" galit niyang ani sa isip habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.

NAKAUPO SIYA SA isang swivel chair sa isang basement na pagmamay-ari niya. Inaalog niya ang kopika na hawak habang humihithit ng sigarilyo. Nakatingin siya sa mga nakalapag na baril sa kanyang harap habang hinihintay ang kanyang bisita.

    Bumukas ang pinto at pumasok doon ang mga tauhan niya. May bitbit ang mga ito na isang babae na nakagapos at nakapiring ang mga mata. Tinuklak ito pabagsak sa sahig.

    "Mga hayop! Saan n'yo ako dinala, ha?!" nagsusumigaw nitong tanong habang nakaluhod sa sahig. Sinenyasan niya si Oscar na tanggalin ang piring sa mga mata nito. Pagkatanggal ni Oscar ay gulat na napatingin sa kanya ang babae habang siya ay malamig at galit na nakatingin dito.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon