Chapter 3

1.2K 84 0
                                    

Iningusan ni Jeraldine si Owen, pero ramdam niya ang pamumula ng pisngi.

"Aba ina! Iba s'ya!" ani Angelie na sinabayan ng tawa.

"Crushmate pa rin talaga?" ani Arminda.

"Hindi ka pa rin nakaka-move on kay Jhe?" ani Shanina, nanunudyo ang boses nito.

Hindi sumagot si Owen, ngumiti lang ulit sa kanya.

"Eh, parang alam ko na," ani Angelie.

"Ako rin, Le. Palagay ko hanggang ngayon may crush pa rin talaga si Owen kay Jhe. Isipin mo, dati naman sa iyo nakikipag-coordinate si Owen para sa pledge n'ya. Pero last year, kay Jhe na ipinadala," ani Shanina.

"Aray!" sinipa niya ang paa ni Shanina sa ilalim ng lamesa, pero hindi niya natansya ang lakas noon. At hindi rin si Shanina ang tinamaan niya, si Owen. "Sino 'yon? Masakit, ha," ani Owen na sumilip pa sa ilalim ng lamesa.

Si Jeraldine naman ay napakagat sa labi, hindi napigilan ang pagrehistro ng pagkaguilty sa mukha.

"Kina-cariño brutal ka ng crushmate mo," anang tatawa-tawang si Shanina. Pinandilatan niya ang kaibigan, pero imbes na tumigil ang ay lalo lang kumislap ang mga mata nito.

"Hanggang ngayon ba naman kasi 'yan pa rin ang tawag mo sa akin? Pag-aralan mo kayang tawagin akong Jhe." Dapat ay noon pa pala niya na-icorrect ang lalaki. Hindi naman kasi niya akalain na bibigyang malisya ng mga kaibigan ang tawag ni Owen sa kanya.

Nagkibit-balikat lang ang lalaki, "Nasanay na akong crushmate kita, eh."

Kita ni Jeraldine sa gilid ng mga mata niya ang kakaibang pagkakangiti ng mga kaibigan. At kung hindi niya ililihis ang usapan, alam niyang walang pag-asang mabaling sa iba ang topic nila. "Katulad nang sinabi ko kanina, sana inagahan mo na ang uwi mo. Ikaw lang ang kulang sa barkadahan n'yo," aniya. Kailangang maipakita niya sa mga kaibigan na balewala sa kanya ang binata, dahil kung hindi, alam niyang uulanin siya ng walang katapusang panunukso ng mga ito.

"Ako lang? Umattend na sa wakas si Benj?" Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki. "Naalala pa pala tayo ng mokong na iyon, ano? Akala ko unreachable na ang PBA star na iyon."

Biglang kumalampag ang kutsarang gamit ni Armida, dahilan para tumingin silang lahat sa kaibigan. Hindi maipinta ang mukha nito.

"Ikaw lang naman, Owen, ang nakalimot na sa amin," mabilis na salo ni Jeraldine.

"Oo nga. To think na hindi ka pa bilyonaryo niyan, pero kinalimutan mo na kami," ani Angelie.

"May tinapos pa kasi ako sa Maynila. Pero this year, aattend na ako," nakangiting sagot ng lalaki. Hindi alam ni Jeraldine kung may alam ito tungkol sa nangyari kina Arminda at Benj, pero ipinagpasalamat niya na hindi na nito ipinilit ang topic na hindi sinasadyang nabuksan kanina.

"So, paano? Since aattend ka na, magpapa-preprepare na ba kami ng banda?" ani Shanina.

"Hindi na. Basta ba tulad ng dati ang set-up. Kami ni crushmate ang magkadate," anito, taas-baba ang kilay sa kanya.

"Date ka riyan!" Inirapan niya ang lalaki para pagtakpan ang pag-iinit ng mukha. Dati na itong mabiro. Kahit noong high school sila ay vocal ito sa pagsasabi na siya ang date sa mga school activity katulad ng JS Prom, Victory at Graduation Ball.

"Para-paraan ka na naman, Owen!" anang tatawa-tawang si Angelie.

"Halata ba?" anang binata na sinabayan nang pagtawa.

"Halata," ani Shanina.

"Aba, kapag nagkataon, kauna-unahang pagkakataong may makakadate na naman si Jhe. Laging flying solo 'yan," ani Angelie. Si Armida ay nanatili pa ring tahimik, nakayuko at nilalaro ang pagkain sa plato.

Crushmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now