Chapter 19

1.7K 99 13
                                    

"So, si Ava pala ang ex mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Hindi ko naisip na importante iyon sa relasyon nating dalawa. Bakit? Pag-aawayan ba natin iyon?" ani Owen. Amusement in his eyes.

"Ano tayo, teenager? Tinanong ko lang kung bakit hindi mo sinabi. Iyon lang. Pero wala naman sa plano kong awayin ka dahil doon. Pag-aawayan lang natin iyon kung magiging girlfriend mo ulit siya ngayon."

"Imposible iyon, sweetheart. Saglit lang namang naging kami ni Ava. Nakipaghiwalay kaagad ako sa kanya dahil nagiging unfair ako. Noon pa man, ikaw na ang mahal ko. Alam mo bang kaya hindi ako nauwi noon nang madalas sa atin ay dahil iniiwasan kita?"

"Ha?" Kumunot ang noo ni Jeraldine.

"Yeah. Alam kong mataas ang pangarap mo para sa pamilya mo. Ayaw kong maging hadlang sa iyo. At kung lagi akong uuwi, lagi kitang makikita. Mahihirapan akong iwasan ka. So I kept my distance. Kampante akong hindi ka pa kulitin dahil sabi naman ni Ate Rosette na wala naman siyang nakikitang nanliligaw sa iyo."

"Sabi rin sa akin ni Anton na madalas mong sabihin na oras na makagradute si Chen, saka mo na pag-iisipan ang pagpasok sa relasyon. Kaya ang plano ko noon, pagnakatapos na si Chen, saka kita babakuran talaga." Kabarkada nito si Anton, na kaklase din nila noong high school.

"Pero nagbago iyon nang malaman mong nililigawan ako ni Martin?" nakunot-noong tanong ni Jeraldine.

"Plano na kitang ligawan noong nakasalubong kita sa mall at nakuha ko ang number mo. Alam mo bang ilang confession text messages ko ang nasa draft lang? Hindi ko maisend sa iyo dahil parang sa edad natin, hindi na bagay ang manligaw sa text. Kaya sabi ko, oras na magkita tayo ng personal, magpaparamdam na kaagad ako sa iyo ng tunay na hangarin ko. Sabi ko, malapit naman nang magtapos si Chen, baka mabago ko na ang isip mo. Kaya wala ring kinalaman talaga si Martin sa panliligaw ko. Kung meron man, mas naging intense lang ang pagpaparamdam ko na mahal kita."

"So, sa amin ni Ava at kung sino pa mang naging ex mo, ako ang unang minahal mo?"

Ngumiti si Owen, "Ikaw lang ang totoong minahal ko," anito, bago siya muling hinalikan.

"Heads up, sweetheart. You will now see a new me."

"Nakita ko na kanina. Palaban at may pagkapossesive na girlfriend ka pala," natatawang sagot ni Owen. "I only have myself to blame for the sudden change in you," pabirong dagdag nito.

"No, sweetheart. You only got yourself to thank," tumingkayad si Jeraldine at pinaglapat ang mga labi nila.

Naumpisahan na niya kagabi nang humiram na naman ng pera si Luis sa kanya. Ipaayos daw nito ang nasirang motor. Sinabihan niya ang kapatid na matutong magsave ng pang-maintenance sa sasakyan na ginagamit naman nito sa trabaho.

Maging si Annalyn ay binilinan niyang kailangang ibalik nito sa kanya ang perang "hiniram" nitong pambayad sa Ilocos tour at sa ginastos na pang pocket money.

Marinig iyon ng nanay niya at sinigundahan nito ang sinabi niya. Binilinan nito ang mga kapatid niya na may kanya-kanya na silang trabaho ngayon. At ang perang hiniram ay dapat palitan.

Kinausap na rin niya ang ama at sinabing hindi niya masasagot ang pag-aaral ng mga step-sisters. Tutulong siya kung may maitutulong siya, pero hindi niya kayang sagutin lahat ng gastos.

"Sinong may alam na narito ka?" ani Owen. Iginaya siya nito paupo sa sofa, pero imbes na sa ibang upuan ay sa kandugan siya nito pinaupo.

"Si Ate Rosette at si Nanay Fely. Sabi ko'y kakausapin lang kita pero uuwi rin ako mamaya."

Crushmate (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz