Chapter 17

1K 72 5
                                    

"Now, get one forth sheet of paper," ani Jerladine sa mga bata matapos ang discussion nila.

"Aaaaahhhhhh," reklamo ng ilang estudyante.

"Pahingi ng papel, Avery," ani Wilson.

"Kapag pambiling softdrinks at pang-unlinet, meron ka. Papel na araw-araw na kailangan natin, sa akin mo i-aasa?" Nakataas ang kilay na sagot in Avery.

Napangiti si Jeraldine. Sadyang maldita at prangka is Avery kaya hindi na niya pinagtakhan ang isinagot nito sa kaklase.

"Ang damot mo talaga," ani Wilson.

"Talaga!" pataray na sagot ni Avery, inismiran pa nito si Wilson bago pumihit ng upo patalikod dito. Si Wilson naman ay tumayo at pumunta sa likod, lumapit kay Maribel at doon humingin ng papel. Kung si Avery ang maldita at prangka sa advisory class niya, si Maribel naman ang kaibigan ng lahat.

"Wala kang papel, Lester?" ani Avery sa kaklase na napansin na pumilas ng papel sa notebook at pinupunit iyon kasing laki ng one forth.

Si Lester ay anak ng utility nila, nakapag-aral lang doon dahil may malaking discount na ibinibigay ang school nila sa mga empleyado roon. Matalino rin si Lester, kaya may ibang scholarship pa itong nakuha kaya nakapag-aral kahit sa private school.

"Naubusan na ako, e."

"Eto, o," ani Avery na inabutan ng papel si Lester.

"Salamat. Papalitan ko na lang kapag nakabili na ako. Kaya lang baka matagalan. Next week pa ang sweldo ni Tatay."

"Okay lang. Kapag wala kang papel, magsabi ka lang sa akin," nakangiting sagot ni Avery.

"Mabuti pa si Maribel, mabait. Namimigay ng papel. Ikaw, Avery, ang damot mo," ani Wilson, na sa lakas ng boses ay rinig ng buong klase.

Hindi iyon pinansin ni Avery, inismiran lang ulit si Wilson.

"Maribel pahingi rin!" anang isang estudyante niyang nakaupo sa bandang hulihan, tumayo ito at lumapit kay Maribel.

"Ako rin, pahingi!" ani Sheryl, kasama sa top ten sa advisory class niya.

Nagulat si Jeraldine na himingi ito ng papel. Madalas na isa rin ito sa namimigay ng papel sa classmates dati. Pero nagulat siyang lalo nang maging si Maro, Lea, at Marianne ay umasa na rin ng papel kay Maribel.

Gamit ang whiteboard marker ay tinapik niya ang board sa unahan, kinuha ang atensyon nang nagkakaingay na mga bata, "Class, go back to your seats. Now." Biglang nagbalikan sa bangko ang mga estudyante. Madalang siyang magseryoso kaya kapag nagsalita siya nang ganoon ay nasunod kaagad ang mga estudyante niya.

"Walang masama kung pahiramin mo ng papel ang kaklase mo dahil naubusan siya at walang pambili. Lalo na't alam mo namang responsable siya at ibabalik din ang nahiram na papel sa iyo," sinulyapan niya sina Avery at Lester na tapat niya bago muling tiningnan ng ibang estudyante, "Pero kung hindi sila bumili kahit may pambili naman, ibang usapan iyon."

Natahimik ang lahat, ang iba ay yumuko pa.

"Natutuwa ako na mapagbigay ka, Maribel. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay bibigyan mo sila lagi ng papel. Lahat kayo ay may baon, may kakayahang bumili ng papel kung gugustuhin ninyo. Hindi lahat iniaasa n'yo sa kaklase n'yo. Lahat kayo ay may pare-parehas na responsibilidad."

"Nanibago ako sa iba sa inyo. Responsable naman kayo dati. May papel kayo lagi. Pero anong nangyari at ngayon naging palaasa na rin kayo?"

"Maribel, alam kong mabuti ang hangarin mo, pero ang sobrang pagiging mapagbigay mo ang nagturo sa kanila na umasa sa iyo."

"Sorry po, ma'am. Hindi na po mauulit," sagot nito.

Natigilan si Jeraldine.

Katulad siya ni Maribel! Inisip niyang responsibilidad niya ang masigurong hindi mahihirapan ang mga kapatid. Pero malalaki na sila. Kaya na nila ang sarili nila. May sari-sarili na silang trabaho at pantay-pantay na dapat ang responsibilidad nila. Hindi niya dapat kinakargo lahat. Hindi habang buhay kakayanin niyang sakupin ang pagiging iresponsable nga mga ito.

Lalo na ng tatay niya.

Naging responsable siya dahil dumaan siya sa hirap para makuha ang isang bagay. Pero ginawa niyang madali ang lahat para sa mga kapatid at sa pamilya niya. Siya ang nagturo sa mga iyon na umasa sa kanya. Kahit sa mga bagay na hindi na niya dapat sinasakop ay kinakanya pa rin niya.

She had been blinded by being so responsible that she become irresponsible instead.

"Hindi na tuloy ang quiz ngayon. Bukas na lang. I expect from now on, everybody will have your own paper. Ayaw ko nang ipinipasa n'yo sa iba ang responsibilidad n'yo. Malinaw ba?"

"Yes, mam," sabay-sabay na sagot ng mga estudyante niya.

"May limang minuto pa kayo. I suggest you do advance reading ng topic natin next week," ani Jeraldine. Naupo siya sa lamesa at binuksan din ang aklat pero wala doon ang isip niya.

Ilang araw na siyang tinatawagan at tinetext ni Owen. Pero hindi niya ito sinasagot. Ang nasa isip niya ay kung hindi kayang tanggapin at unawain ni Owen na ang unang prioridad niya ay ang pamilya, tiyak na hindi sila magkakaayos. Paulit-ulit lang silang magtatalo sa iisang dahilan.

But everything is clear now. Kung siya ay pamilya ang mahalaga, si Owen ay siya ang inuuna. Tumayo si Jeraldine at pumasok sa banyo para itago ang mga luhang gustong mag-unahan sa pagbagsak.

Wrong sense of responsibility.

She wanted to be responsible to her family that she forget to be responsible to and for herself. She neglected herself, and ultimately neglected Owen, his unconditional love and understanding. Ni minsan ay hindi ito nagdemand na mauna sa listahan niya. Ang gusto lang nito ay unahin naman niya ang sarili niya. Hindi na nga niya pahalagahan ang sariling kaligayahan, naidamay at nasaktan pa niya maging ang taong nagmamahal sa kanya. Ang taong ang kapakanan niya ang inuuna.

Tinakpan niya ang bibig para hindi lumabas ang mga hikbi niya. Tiyak na magtataka ang mga estudyante kung bakit namumula ang mukha at mga mata niya.

She willed herself to stop crying, but end up crying harder.

Remembering how Owen always prioritize her, put her on top, and yet, she immediately shut the door on him. Hindi niya ito hinarap nang pumunta sa bahay nila. Pero kahit hindi niya sinasagot ang mga text at tawag nito ay nagpaalam ito sa kanya noong isang araw. Sabi nito ay kailangan nitong lumuwas sa Maynila dahil may panibagong bid estimate itong kailangang gawin. Pinipilit ng lalaki na mag-usap muna sila bago ito umalis pero nagmatigas siya at hindi ito hinarap.

Ngayon, pinagsisisihan niya ang hindi pakikinig sa punto ng binata. Siya pa ang nagmatigas, gayong siya lang naman ang iniisip nito.

Kailangan niyang magsorry dito. At hindi dapat sa telepono.

"Ma'am Castillo, pwede po ba kayong makausap?" alanganing bati ni Jeraldine kay Rosette. Sinadya niyang antayin ito sa guard house. Alam niyang nasa Maynila pa si Owen pero hindi niya alam kung saan eksakto.

"Oo naman. At parehas na tayong nakapag-out. Wala rin namang ibang makakarinig kaya Ate Rosette na lang," nakangiting sagot nito. "Tungkol saan?"

Nakagat niya ang labi, "Plano ko sanang puntahan si Owen sa Maynila. Nagtext kasi siya sa akin na hindi siya makakauwi ngayong weekend," alanganing sagot niya.

Umangat ang dalawang kilay ni Rosette bago ngumiti.

"Kakausapin ko lang siya. Uuwi rin kaagad ako rito," dali-daling dagdag ni Jeraldine. Namula ang mga pisngi niya.

Napatawa naman si Rosette, "If my brother will have his ways, I am sure, hindi ka makakauwi kaagad," biro nito na lalong ikinapula ng mukha ni Jeraldine.

"Anyway, I am glad na kakausapin mo na siya. Nakukulili ba kami ni nanay sa katatanong niya sa amin kung okay ka lang daw ba rito. Wala naman siyang sinasabi sa amin, pero ramdam namin na parang may pinagdadaanan kayo. At kung ano man iyon, sana'y maayos n'yo kaagad. My brother loves you. That, I know for sure."

May isinulat itong address sa papel at iniabot sa kanya. "Hindi ko sasabihin na pupunta ka. Hayaan natin siyang masorpresa," nakangiting sabi ni Rosette.

Crushmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now