Chapter 9

978 71 4
                                    

"You made me stronger by breaking my heart, you ended my life and made a better one start..."

"Naks! Feel na feel!"

Ang pangangantiyaw na iyon ni Shanina kay Armida ang nabungaran nila paglabas ng kusina.

Nasa bahay sila ni Angelie kasama ang iba pa nilang kaibigan at mga dating kaklase para magcelebrate ng birthday ng kaibigan. Nagkalat na sa lamesa ang mga bote ng alak. Nakaupo ang mga ito sa harap ng tv habang si Armida, ang laging voted song leader ng batch nila, ay panay ang kanta.

"Aalis muna kami," ani Owen na kasama nilang lumabas mula sa kusina. Sabi ni Owen ay tutulong daw sa pagliligpit nila doon ni Angelie pero ang totoo ay nanggulo pa nga sa kanila. Lumabas lang sila dahil nareceived na ni Angelie ang reply ng lalaking itinext nito kanina.

"Saan naman ang punta n'yo?" ani Sherin na tumigil sa pagsusulat sa notebook na laging dala.

"Itatanan ko na 'tong crushmate ko," ani Owen na taas-baba ang kilay.

Napasinghap si Jeraldine bago nilingon ang lalaki, "Loko mo! Magtanan kang mag-isa mo," aniya bago iningusan si Owen.

"Panis!" ani Lele na tinawanan si Owen.

"At least kay Jeraldine, may gustong mangtanan. Sa iyo, Angelie, walang may gusto," ani Anton, ang mortal na kakompetensya ni Angelie noon pa mang high school sila. Ang madalas na pagtatalo nang dalawang ito ang isa sa mga nagpasaya ng high school life nila. Walang gustong magpatalo sa dalawang ito kahit noon pa.

"Walang nagtatanong sa iyo, Anton. Manahimik ka d'yan," nakataas ang kilay na sagot ni Angelie.

"Saglit lang kami. May tatagpuin lang kami sa kanto. Babalik din kami kaagad," ani Owen bago siya hinahawakan sa siko.

"Isama n'yo na 'tong si Anton. Iwan n'yo na sa kanto!" Pahabol na sigaw ni Angelie bago pa man sila makalabas ng bahay.

"Nakakatuwa ang dalawang 'yon. Hindi ako magtataka kung one of these days, maging sila," ani Owen habang naglalakad sila.

Napatawa siya, "Kung gusto mong kumulo ang dugo ni Lele, iparinig mo sa kaya 'yang sinabi mo."

Nang may dumaang batang mabilis na nagbibike ay hinigit siya si Owen, lumipat ito ng puwesto, ito na ang naglalakad sa may tabi ng kalsada at siya na ang nasa side walk, "Di ba may kasabihang 'the more you hate, the more you love'? Tingin ko applicable sa dalawang iyon 'yon."

Muli siyang napangiti, "Kung 'yang motto na 'yan ang basehan, aba, applicable sa lahat ng kaibigan ko 'yan. Si Lele, inis na inis lagi kay Anton. Si Sherin, galit na galit din kay Vince," nabura ang ngiti ni Jerladine, napabuntong hininga siya, "At si Armida, hindi lang hate ang nararamdaman para kay Benj."

Kumunot ang noo ni Owen, "Isa 'yan sa mga gusto kong malaman, actually. Best friends sina Vince at Sherin way back high school, anong nangyari at nagalit sa kanya si Sherin? Same thing kay Benj, inseparable sila ni Arminda noon."

Nagkibit-balikat siya, "Kina Vince at Sherin, hindi ko alam ang nagyari. Parehas silang walang sinasabi. Kay Benj at Armida, kahit alam ko, hindi ko sasabihin sa iyo. Not my story to tell. Sorry."

Sa kabila ng lahat ay napangiti si Owen, "Nakakatuwa ka talaga. You have such integrity. Hindi lang pamilya mo ang swerte sa iyo, crushmate, ang swerte rin ng mga kaibigan mo sa iyo."

"Sus! Wag mo nga akong bolahin diyan, Owen. Kahit anong sabihin mo, hindi ako magkukuwento sa iyo!"

Napatawa ito, "Hindi kita binobola, crushmate. You really are special."

Kinagat ni Jeraldine ang labi at pasimpleng sumulyap sa lalaking katabi. Nang magsalubong ang mga mata nila ay agad na nagbawi ng paningin si Jeraldine. Sa kanto na lang siya tumingin. "Si Joseph na iyon, di ba?" aniya na itinuro ang lalaking naglalakad kasalubong nila.

Crushmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now