Chapter 4

1.1K 70 5
                                    

"Mariel, baka naman pwedeng hugasan mo na 'yan. Pinagkainan mo na lang iyan, itatambak mo pa ba sa lababo?" ani Jeraldine sa pang-apat na kapatid, ito ang sinundan ni Chen.

Nasanay na siyang maagang gumising araw-araw. At hindi nababago ang gising niya kahit walang pasok. Maaga pa rin siyang nabangon. Sinasamantala niya kapag weekends para makapaglaba at makapag-general cleaning. Natapos na ang paglalaba kahapon at ngayong linggo ay nakapaglinis na rin siya ng bahay, maging ng bakuran nila. Si Chen ang unang nagising sa mga kapatid niya. Kasama na ito ng nanay niya sa palengke, habang sina Annalyn, Luis at Mariel ay tulog pa.

Bilang panganay, nakasanayan na niyang maging responsable. Bata pa siya ay katulong na siya ng nanay niya sa lahat ng gawain sa bahay.

"May lakad ako, ate. Nagmamadali ako," ani Mariel, dumiretso na ito sa itaas, ni hindi man lang nilingon si Jeraldine.

Pupunta na sana siya sa palengke para tulungan ang nanay niya pero hindi naman niya matiis na iiwanan nang ganoon ang kusina. Hindi siya mapakali kapag makalat ang bahay. Matapos hugasan ang kinainan ng kapatid ay saka siya lumabas ng bahay. Lalakarin na lang niya papunta sa palengke, malapit lang naman iyon sa bahay nila.

"Good morning, crushmate," anang driver ng kotse na tumigil sa tapat ng gate paglabas niya.

"Good morning too, Owen. Pero pwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa akin n'yan."

"Saan ng lakad mo, crushmate?"

Napailing na lang si Jeraldine. Mukang hindi talaga titigil ang lalaki sa katatawag sa kanya nang ganoon. "Sa palengke."

"Halika na. Sumabay ka na sa akin. Madadaanan ko naman iyon."

"Hindi na, malapit lang naman," tanggi niya. Pero ang totoo, hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang binata. Katulad kahapon, nasa dibdib na naman niya ang kakaibang kaba. Maybe its the naughty glint in his eyes, or his mischivous smile, or his oozing confindence, or his arresting charm. Pero kung ano man ang dahilan ng kaba niya, hindi handa roon si Jeraldine.

"Sumakay ka na," ani Owen, dumukwang ito sa passenger side at binuksan ang pinto roon.

"Sakay na, Jhe. Nagtatrapik na, oh," ani Sherin. Nakatira ito katapat lang nila. At sa pagkakangiti nito sa kanya, alam niyang magigisa siya rito mamaya pag-uwi. Naikwento nina Shanina at Angelie ang nangyari kahapon sa restaurant habang wala pa ito.

Napalingon siya sa likuran ng kotse. May mga tricycle na ngang nakasunod na hindi maka-overtake. Maliit lang ang kalye sa kanila. Pwede naman sanang maka-overtake, nagkataon lang na may nakaparada ring sasakyan sa kabilang side.

"Halika na, crushmate," ani Owen, nakaayos na ulit ito ng upo sa tapat ng manibela.

Huminga muna nang malalim si Jeraldine bago lumulan sa kotse. Pagsarado pa lang ng pintuan ay kakatwa na kaagad ang pakiramdam niya. Her heart is beating fast, her hands suddenly shakey, but she felt giddies inside.

But even if her heart is beating eratically, a sudden comfort also filled her.

Ikinagulat iyon ni Jeraldine. Ilang taon na ang nagdaan, pero basta't kasama niya si Owen, nakakampante siya. Ganoon siya noon, ganoon pa rin ngayon. Ang kakaiba lang, mas matindi ang kaba niya ngayon kaysa noon. Not the afraid kind of heartbeat, more on the excited side.

"Anong gagawin mo sa palengke?" ang tanong na iyon ni Owen ang bumasag sa pagmumuni-muni ni Jeraldine. Nilingon siya nito bago muling ibinaling sa pagmamaneho ang atensyon.

"Tutulungan ko si nanay."

"Teacher sa weekdays at tindera sa weekends. Wala ka bang araw ng pahinga?"

Crushmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now