Chapter 8

989 67 2
                                    

"Ma'am, tutuloy na po ako," anang utility matapos nitong linisin ang classroom ni Jeraldine.

Mula sa ginagawa sa laptop ay nag-angat siya ng paningin, "Salamat, Kuya Ricky."

Tumango at ngumiti ang utility bago tuluyang lumabas ng classroom. Nakauwi na ang mga estudyante kaya mag-isa na lang siya roon. Nag-umpisa na rin siyang magligpit ng mga gamit niya. Tatlong katok sa pinto ang nagpalingon kay Jeraldine. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang magkasalubong ang paningin nila ng nakangiting lalaking nakatayo sa labas.

"Hi, crushmate."

Ngumiti si Jeraldine pero nagyumuko siya kaagad ng ulo at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng mga gamit. Sinamantala niya iyon para huminga nang malalim. Kailangang kalmahin niya ang biglang pagwawala ng puso.

Kinastigo din niya ang sarili. Ganoon siya noong high school, laging kinakabahan kapag kasama si Owen. Pero hindi na siya teenager ngayon. Parehas na silang propesyonal ni Owen.

Isinukbit niya ang bag at binitbit ang ilang libro at lumakad palabas ng classroom. Pero bago tuluyang isinasarado ang pinto ay pinapasadahan niya ng tingin ang buong silid-aralan. Siniguradong nakapatay na ang aircon at mga ilaw.

"Ako na ang magdadala niyan," ani Owen. Kinuha na nito ang mga aklat na kipkip ni Jeraldine sa bisig. Hinayaan na lang ni Jeraldine ang binata. Muli siyang tumalikod dito. His masculine scent assults her and it send a tingling sensation down her spine. Ayaw niyang masanay, pero laging ganoon ang nagiging reaksyon ng katawan sa tuwing kasama ang binata.

"Bakit nandito ka?"

"Wala lang. Gusto lang kitang makita."

"Nagkita na tayo kaninang lunch, di ba?" aniya habang inilolock ang classroom.

"Masama bang mamiss kita kaagad?"

Humarap siya kay Owen at tinaasan ito ng kilay, "Mamiss? Anong uring sagot 'yan. Umayos ka nga!"

"Tingnan mo ito. Tatanong-tanong, tapos kapag sinagot, hindi maniniwala. Eh sa namiss naman talaga kita. "

Pinaikot niya ang mga mata, "Tigil-tigilan mo ako sa kagaganyan mo, Owen. Hindi ka nakakatuwa."

"Hindi ba? So ano ang dapat kong gawin para matuwa ka? Tulad ba ng dati? Sasayawan kita?" anito na nagsimula nang igiling ang katawan.

Tumalikod siya kaagad para itago ang ngiting hindi napigilan.

"Oy, natutuwa na siya..." ani Owen, umagapay ito sa kanya, ang mukha ay bahagya pang inilapit sa kanya at itinuro ang mga labi niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti ng lalaki.

Pinili na lang niyang 'wag pansinin iyon. Lumakad na lang siya papunta sa library. Ang routine nila ay sa library sila nagkikita-kita nina Shanina at Armida. Tapos ay sabay-sabay na silang tatlo pauwi.

"Hi Ma'am," bati niya kay Mrs. Castro nang mapatapat siya sa classroom nito.

Gumanti naman ng bati sa kanya ang guro. Pero bago sila tuluyang makalayo ay tinawag siya nito, "Ms. Condino, ano iyang nasa bag mo?"

Napatigil si Jeraldine at hinigit sa harapan niya ang nakasukbit na bag. May nakasiksik na namang bougainvillea sa may zipper ng bag niya. Napapikit siya at naglapat nang mariin ang mga labi. Here they go again, another prank.

"Owen!" kinuha niya ang bougainvillea, salubong ang kilay at nakapamay-awang pa siya nang harapin ito.

"Yes, crushmate?" ngingiti-ngiti pa ang lalaki.

"Hanggang ngayon ba naman? Nakakadalawa ka na."

"Dalawa pa lang. Ilang beses ko bang ginawa sa iyo iyan noong high school tayo?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito.

Crushmate (COMPLETED)Where stories live. Discover now