Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter 1

277K 6.7K 374
                                    

"Alis na po ako, Ma."

Napabuntonghininga ako nang makita ko si Mama na nakaupo sa may sala at may hawak na namang bote ng alak. Wala namang bago roon. She's like this everyday. Pero kung minsan ay nakakapagod na ring makita siyang ganito, with each passing day.

Tumayo siya at namumungay ang mga matang tiningnan ako gawa ng kalasingan. Pasuray-suray siyang naglakad palapit sa akin. Hinintay kong makalapit siya bago ako nagsalita.

"Ang aga-aga pero lasing na naman kayo," I said. Alas nueve pa lang ng umaga ay lasing na siya. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala namang bago rito.

"Alam mo kung bakit ako lasing? Dahil sa 'yo." Tumaas ang kamay niya at idinikit ang hintuturo niya sa noo ko. Tinulak-tulak niya ang ulo ko gamit iyon.

Hindi ako gumalaw at hinayaan siyang itulak-tulak ang ulo ko. I bit my lower lip para pigilan ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko.

"Pwede bang huwag ka nang bumalik? Ayokong nakikita ang mukha mo," sabi niya at marahang tinampal-tampal ang pisngi ko. Umiling ako.

"Ito lang po ang bahay ko," mahina at mababang boses na sabi ko. Hindi ko mabilang kung pang-ilang beses na namin itong pinag-uusapan pero paulit-ulit pa rin. Dahil siguro lasing siya kaya nakakalimutan niya palagi ang pinag-uusapan namin.

"Eh 'di humingi ka ng pera sa ama mong demonyo para makalipat ka na at hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo!"

I sighed. Alam na alam ko na kung saan ito papunta. I braced myself sa kung ano man ang gagawin niya sa akin nang makita ko ang galit sa mga mata niya.

Hindi nga ako nagkamali. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang malakas na paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Napabailing ang ulo ko sa may gilid gawa ng malakas niyang pagsampal sa akin. Hindi pa siya nakuntento at sinampal din ang kabila kong pisngi.

"Sinira n'yo ang buhay ko! Kayong dalawa ng demonyo mong ama! Mga demonyo kayo! Mga hayop!" sigaw niya habang paulit-ulit akong sinasampal.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinayaan lang siyang sampal-sampalin ako. Tinanggap ko ang bawat lapat ng palad niya sa pisngi ko at hindi ko sinubukang lumaban. Nakayuko lang ako at mariing kinakagat ang pang-ibabang labi ko.

Mukhang papasok na naman akong may mga pasa sa pisngi.

Hindi pa nasiyahan si Mama at marahas na hinila ang buhok ko. Mas diniinan ko ang pagkagat sa labi ko para walang lumabas na ingay roon. Mas lalo siyang magagalit kapag umaray ako kaya dapat ay tahimik lang ako kahit na pakiramdam ko ay humihiwalay na ang mga buhok ko sa anit ko.

"Mga hayop! Mga demonyo! Mamatay na kayo!" patuloy niyang sabi habang sinasabunutan pa rin ako.

"Clarita! Tama na 'yan!" dinig kong sabi ni Mang Rosi at hinawakan ang mga kamay ni Mama na mariing nakakapit sa buhok ko. "Nasasaktan ang bata!"

Nalasahan ko ang dugo sa labi ko nang mas dumiin pa ang pagkakakagat ko roon. Pilit kasing tinatanggal ni Manang Rosi ang mga kamay ni Mama sa buhok ko kaya mas nahihigit iyon. Pakiramdam ko ay nagdurugo na ang anit ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan nang naalis ni Manang Rosi ang mga kamay ni Mama.

"Sinira nila ang buhay ko, Manang! Mga demonyo sila!" dinig kong sabi ni Mama at nagsimula na siyang humagulgol habang hawak ni Manang Rosi ang mga kamay niya. Paunti-unting napaupo si Mama sa sahig na parang nawalan ng lakas. "Demonyo sila!"

Walang emosyon ang mga mata ko habang nakatingin ako kay Mama. Manhid na yata ako. Ni hindi ko na maramdaman ang anit ko pati na rin ang mga pisngi ko na paulit-ulit niyang sinampal.

"Sige na, Daphne. Pumasok ka na. Baka mahuli ka pa sa klase mo," sabi ni Manang Rosi na pinatatahan na ngayon si Mama. Tumango ako at kinuha ang shoulder bag ko na nabitiwan ko kanina nang sabunutan ako ni Mama.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon