Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 12

208K 5.6K 780
                                    

Natigilan kami para titigan ang Hulugan Falls na nasa harapan na namin. Halos lahat kami ay nakanganga sa sobrang paghanga sa kagandahan ng falls na iyon. It feels like we're in an enchanted place because of the scene in front of us. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala sa Pilipinas.

"Wow..." wala sa sariling sabi ko dahil sa sobrang pagkamangha.

It was breathtaking.

"I told you. Magugustuhan n'yo rito, may pagmamalaki pang sabi ni Tiffany and just this once, I'll agree with her. "Come on! Doon tayo sa kubo."

Pumunta kami sa isang cottage. Maraming mga cottage pa ang nandoon pero ito yata ang pinakamalaki. As expected of Tiffany. Pumasok kami at doon ay nakita namin ang mga pagkaing nakahanda sa lamesang nakatakip pa. Hindi ko alam na gutom na pala ako kung hindi lang kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang pagkain.

"I'm hungry," nakangusong sabi ni Artemis. Natawa si Joshua sa kanya.

"I think we should eat first bago maligo," Apollo said at tumango naman kaming lahat. Mukhang hindi lang ako ang nagutom sa haba ng nilakad namin.

Ganoon nga ang ginawa namin. Matapos naming mailapag ang mga gamit na dala namin ay kumain na kami. Maraming pagkain ang nakahanda at hindi ko alam kung anong pipiliin ko sa sobrang dami niyon.

"Kumain din tayo mamaya pagkatapos nating maligo," sabi ni Warren na punong-puno na ng mga pagkain ang plato. Pero duda pa rin akong maubos namin ang nakahain kahit na kumain pa kami mamaya. Sobrang dami talaga, eh.

"Ang kaunti naman ng kinuha mo?" puna sa akin ni Yuriel nang makita ang laman ng plato ko nang umupo ako. Isang tasang kanin at isang putaheng ulam lang kasi ang kinuha ko.

"Mabubusog na ako rito," sabi ko at magsisimula na sanang kumain pero bago ko pa magalaw ang plato ko ay may kumuha na noon. "Hey!" pagalit ko pang sabi sa kumuha. But when I looked up, I saw that it was Apollo.

"Ubusin mo 'to," sabi niya at inilagay ang plato niya sa harapan ko. Naramdamam kong napatunganga rin si Yuriel sa tabi ko habang nakatingin kay Apollo dahil sa ginawa niya. Magsasalita na sana ako pero umalis na siya para dagdagan ng pagkain ang plato kong kinuha niya sa akin.

Napatingin ako sa platong inilagay ni Apollo sa harap ko. Hindi naman marami pero alam ko pa ring hindi ko iyon mauubos. Hindi naman kasi ako 'yong tipo na malakas kung kumain.

"Parang ang weird ni Apollo ngayon. Close pala kayo?" sabi ni Yuriel sa tabi ko habang ngumunguya. Hindi ko siya pinansin at nagsimula na ring kumain.

Napapansin ko na parang may nag-iiba sa mga ikinikilos ni Apollo patungkol sa akin nitong mga nakaraang araw. He's still teasing me but he's acting... different. Different na hindi ko maipaliwanag.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Tiffany na nakatitig sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kinakain ko at tiningnan din si Apollo. Alam kong nakita niya ang ginawa ni Apollo kanina. Alam ko ring nanghihinala na siya base sa mga matatalim na tingin na ibinibigay niya sa akin. But I don't care. Narealize ko na hindi na dapat ako matakot kung paghihinalaan ako ni Tiffany. Bukas na ang huling araw ng pagpapanggap ni Apollo bilang boyfriend niya. At halatang hulog na hulog na siya sa lalaking iyon.

It's making me feel excited about what Apollo will do after tomorrow.

"Eeew. Bell pepper," dinig kong sabi ni Artemis na inilagay pa ang bell pepper sa isang bahagi ng plato niya. Kinuha naman iyon ni Joshua at siya na ang kumain.

"Bell peppers taste good," Joshua said at sang-ayon ako sa sinabi niyang iyon.

"Then you should eat all the bell peppers on my plate," Artemis said, and she gave all of it to Joshua.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon