Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 7

206K 5.4K 278
                                    

Napatigil ako sa pagbabasa at napaangat ang tingin ko mula sa libro nang maistorbo ako dahil sa isang tunog. Nakita ko si Artemis na kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng table namin. Ilang sandali niyang tinitigan iyon na parang may binabasa at pagkatapos ay napahagikgik. I sighed and resumed reading my book.

Pupusta akong katext niya si Joshua.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya kaya ibinaba ko na talaga ang librong binabasa ko. Nakita ko siyang ngiting-ngiti habang nakatingin sa cellphone niya. Napabuntonghininga ako nang makitang hindi lang ako ang nakatingin sa kanya rito sa loob ng library. Mukhang naiistorbo rin ang iba sa pagtunog ng cellphone ni Artemis.

Inilagay ko na sa loob ng bag ko ang libro at inayos ang mga gamit ko bago tumayo.

"Artemis, let's go," I said. Nakangiti pa rin siya nang tumingin sa akin.

"Tapos ka nang magbasa?" tanong niya pa.

"Hindi pa. Sa cafeteria na lang tayo," sabi ko at nagtataka ang mga matang tumingin siya sa akin.

"Maingay roon. You sure you can read there?"

"Yes, doon na lang tayo."

Kinuha na rin naman niya ang mga gamit niya at sumunod sa akin palabas ng library. Napabuntonghininga na lang ulit ako nang makitang nagtetext pa rin siya kahit na naglalakad na.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga kapatid niya ang tungkol sa kanila ni Joshua. I salute her. Magkakasama sila sa isang bahay pero hindi ba nanghihinala ang mga kapatid niya sa kanya?

Speaking of Apollo, I think he's being serious when he said that I can use him. Dahil kinabukasan agad matapos ng pag-uusap naming iyon ay nagkaroon ng pagbabago sa university website namin. I am now the top one again. At hinihintay ko na lang na gawin niya ang isa ko pang pinagagawa.

I don't know if I should feel happy by playing dirty. All my life ay ang utak at sipag ko lang ang ginagamit ko para maging top one at ngayon lang ako gumawa ng ganito. But still, I know that I can't be the top one again without playing the dirty games.

I think that I am now seeing the real Apollo Gallagher. The Apollo that's not a happy-go-lucky guy but is a cold-hearted bastard. The Apollo that's not only a playboy but also a merciless devil.

"OMG!"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang boses ni Artemis. Katulad kanina ay nakatingin na naman siya sa cellphone niya at mukhang kinikilig.

"Let me guess. Si Joshua 'yan, 'no?" tanong ko pa kahit na alam ko na naman.

Sunod-sunod siyang tumango habang nakangiti na parang kinikilig talaga. Napailing na lang ako. At least she's happy.

Kukunin ko na sana ang libro sa bag ko at muling magbabasa nang mapatingin ako sa entrance ng cafeteria dahil sa mga pumasok. And there, I saw Apollo with his two friends pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko kundi ang babaeng kaakbay ni Apollo. Si Tiffany.

Ang bilis naman yata?

"Oh god, no!" naiinis na sabi ni Artemis kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin na rin pala siya sa kakambal niya. "I don't know what's wrong with Apollo! I mean, I get it that he's a playboy but can't he at least choose a decent woman that he can fuck?!"

I laughed. Hindi ko akalaing kayang magsalita ng ganoon ni Artemis.

"He's a playboy kaya ang mga kagaya niya lang ang papatol sa kanya," I said, not even afraid that I might offend her.

"You don't get it, Daphne. Maraming nakapilang mga babae para lang mapansin ng kapatid ko tapos pipili siya ng... ng... Ugh!"

Napailing na lang ako para sa kanya at kinuha na ang libro ko para magbasa. Mukha talagang ayaw niya sa mga babaeng katulad ni Tiffany. Well, I can't tell her that it was just a plan made by her only best friend and her twin brother. Hindi niya pa alam ang totoong ako at baka mabigla siya.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon