Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 9

198K 5.3K 288
                                    

Today feels like a normal day. I am with Artemis who is sitting in front of me while she's busy texting Joshua here in the library. Mabuti naman at natuto na siyang i-silent mode ang cellphone niya kaya hindi na siya nakaiistorbo sa ibang taong nandito unlike dati. Hindi lang nila siya masaway because she is Artemis Gallagher we're talking about.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanyang nakita ko sa bar si Joshua. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya nang hindi niya nalalamang nagpupunta rin ako sa bar gabi-gabi. Alam kong hindi ko dapat pag-isipan nang masama si Joshua but I feel like Artemis should know about this. He's her boyfriend after all, right?

Tinigil ko ang pagbabasa ko ng libro at tiningnan siya. "Artemis..." tawag ko sa kanya habang busy siya sa pagtipa sa cellphone niya. Ilang segundo bago niya ako binalingan.

"Yes?" she asked. Okay. Hindi ko napag-isipang mabuti kung paano ko sasabihin sa kanya ito.

"Uhm..." I sighed. "Have you ever been to a nightclub?"

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa tinanong ko. The Daphne who's her best friend won't give a fuck about a nightclub, but here I am asking her about it. Pero kahit na naguguluhan siya ay sinagot niya pa rin ang tanong ko.

"Hindi pa. With Kuya Helios and Apollo as my brothers, do you really think na makakapunta ako sa mga ganoong lugar?"

Oo nga pala. Nakalimutan kong may overprotective brothers nga pala ang best friend kong 'to. Pero alam niya naman siguro kung ano ang nightclub 'di ba? Please remind me again how did I end up being friends with Artemis.

"What would you feel if malaman mong nagpupunta sa ganoong lugar si Joshua?"

Nakita kong nakuha ko ang atensyon niya sa pagkakataong iyon. Mula sa pagtitipa sa cellphone niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin at seryoso ang mga matang tumitig sa akin.

"What do you mean?"

I tried to calm myself down. I know I looked calm on the outside pero sa totoo lang ay kinakabahan ako. I think that I might ruin her relationship with Joshua. Pero ayoko lang talagang maglihim pa sa kanya. Sa dami ng sikreto ko ay ayoko nang madagdagan pa iyon.

Yeah, I know. I'm a hypocrite.

"Just a what if. What if malaman mong that Joshua's been going to a nightclub every night, what would you feel?"

Naging malikot ang mga mata niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong kong iyon. At sa naging reaksiyon niya ay nalaman kong hindi niya alam na pumupunta si Joshua sa bar bawat gabi.

That's why I had to ask her that. Sa gabi-gabing magkasama kami ni Apollo sa bar ay palagi kong nakikita si Joshua roon. Mukhang hindi niya naman kami napapansin ni Apollo dahil palagi siyang busy na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Every night, Apollo is always convincing me that Joshua is not good for his twin sister.

But it's still too early to judge him. Tuwing nakikita ko naman siya ay palagi siyang walang kasamang babae. It's like he is just going there to have fun and drink alcohol. That's why I'm neutral when it comes to judging him. I just want Artemis to know about this.

"It depends, I think," sagot ni Artemis kaya napatingin na ako sa kanya.

"Depende sa?"

"Kung nambababae siya, of course, that's not okay with me. But if he's there just to drink alcohol and for the music, then that's fine by me."

Napangiti ako sa sagot niya. I realized that she's an open-minded person. Kahit na ito ang first relationship niya ay para bang alam na alam niya na ang mga dapat gawin. Karamihan kasi ngayon sa mga magkakarelasyon ay pinagbabawalan ang bawat isa na kung minsan ay nauuwi sa pag-aaway.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon