Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 8

200K 5.7K 559
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay hindi na bago sa akin ang makitang lasing na naman si Mama. Pero ang makitang umiiyak siyang mag-isa habang umiinom ang nakakapanibago.

I tried to make my heart void with any feelings. Pero kahit anong pilit kong huwag maapektuhan sa nakikita ko ngayon ay hindi ko magawa. Bumuntonghininga ako at umupo sa upuan na kaharap niya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang na uminom ng alak habang umiiyak.

I know that there's a possibility that she'll hurt me again. Pero siya pa rin ang ina ko. Kahit na hindi anak ang turing niya sa akin ay siya pa rin ang taong nagluwal at nagpalaki sa akin. At ang makitang nagkakaganito siya nang dahil sa akin ay hindi ko kayang balewalain.

"Ma, tama na 'yan," I said. Sinubukan kong ilayo sa kanya ang alak na iniinom niya pero iniwas niya iyon sa akin. Nag-angat siya ng tingin sa akin sa pagkakataong iyon at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Alam mo ba kung bakit ako palaging naglalasing?" she asked while still crying. Masakit sa dibdib na makita siyang ganito pero pinilit kong tingnan siya dahil ito ang unang pagkakataong nakapag-usap kami nang maayos. "Kasi nakakalimutan ko ang mga nangyari kahit panandalian lang. Nakakatulog ako nang mahimbing at hindi nagigising sa bangungot dahil sa kalasingan. So don't try to take away my alcohol."

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Alam ko na kapag hindi siya masyadong lasing ay nagigising siya sa madaling araw dahil sa bangungot. Siguro ay napapanaginipan niya ang panggagahasa sa kanya noon. Matapos niyang magising ay maririnig ko ang iyak niyang mauuwi sa hagulgol. Pagkatapos ay hindi na siya makakatulog at mag-iinom na lang ulit ng alak.

I wonder why something that horrible happened to her. Parusa ba ng Diyos iyon sa kanya? Pero hindi naman siguro masama si Mama para sa ganoong parusa. At bakit maging ako ay napaparusahan? Did I do something wrong? Ginawa ko naman ang lahat para mahalin ako ng sarili kong ina. Nagpakabait ako, nagsipag akong mag-aral, halos wala akong ginawang kasalanan noon pero bakit maging ako ay pinarusahan?

Dahil ba ang ama ko ay isang taong malaki ang kasalanan? I did everything to be a good girl, to be a better daughter to my mother. Pero kulang pa rin. Hanggang sa napagod na ako at narealize kong hindi magbabago ang pakikitungo sa akin ni Mama.

Naisip kong ipagdasal na lang sa Diyos na sana ay mahalin din ako ng sarili kong ina. Sana ay ituring niya ako bilang isang anak niya. Kahit isang araw man lang. Pero lumipas ang dalawangpung taon ay hindi dumating ang araw na iyon. Isang araw lang naman ang hinihingi ko eh. Bakit hindi ako mapagbigyan?

"Naiintindihan ko po. Pasensya na," sagot ko kay Mama at nakita kong napabuntonghininga siya. Tumitig siya sa akin at wala na ang galit sa mga mata niya.

"Daphne..." tawag niya sa pangalan ko at ibig kong maiyak. Ito ang unang pagkakataong tinawag niya ako sa pangalan ko. "Pwede bang mamatay ka na lang?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko at kinakapos ako ng paghinga sa mga salitang binitiwan niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at kahit na anong pigil ko ay hindi ko na nakayanan nang bumagsak ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan pero may mga hikbing kumawala mula sa bibig ko.

"Kapag nakikita kita, naaalala ko ang lahat ng sakit, Daphne. Ang mga pinagdaanan ko. Ang panggagahasa sa akin ng taong iyon. Kahit anong pilit ko ay bumabalik sa akin ang mga alaalang 'yon." Hinawakan niya ang kamay ko at nagmamakaawa ang mga matang tumingin sa akin. "Parang awa mo na, Daphne. Hindi ko na kasi kaya ang sakit. Mamatay ka na lang... O kaya ako na lang ang patayin mo."

Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya at pasuray-suray na naglakad papasok ng kusina. Patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko at pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Pilit kong pinupunasan ang mga pisngi ko pero wala rin dahil hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon