Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Chapter 3

217K 6.2K 358
                                    

Kahit na masakit ang ulo, likod at ang kaliwang pulsuhan ko ay pinilit kong magbihis. I wore a black leather pants and a black halter top. Pinaresan ko iyon ng black ankle boots. Inilugay ko ang buhok kong hanggang baywang at naglagay ng makeup sa mukha. Itinago ko sa makeup ang mga pasang nakuha ko kanina.

Kaagad akong nag-drive papunta sa bar na lagi kong pinupuntahan. Wala akong pakialam kung makita man ako ni Apollo. I want to forget everything that happened. I want to get drunk tonight. At mas mabuting magpakalasing ako sa bar kung saan komportable ako.

Marami ng tao ang nandoon nang makarating ako sa bar. Sa mga ganitong oras talaga dumarami ang mga tao kaya kung minsan ay inaagahan ko para makakuha ng pwesto sa harap ng bartender. Idagdag pang maraming humaharang sa akin ngayon na mga lalaki na gustong makipag-usap sa akin.

"Hi, miss. Are you alone—"

"I'm with myself and she doesn't like you either," sabi ko sa isang lalaking nagtangkang humarang sa akin. Umatras naman siya kaya nakadaan ako nang matiwasay.

Napangiti ako nang makitang wala pang nakapwesto sa madalas kong inuupuan. Kaagad na lumapit sa akin ang bartender na nangingiting nakatingin sa akin. He leaned on the counter and gave me his smirk. I immediately noticed his eye color. Just like his name.

"Still as savage as ever," sabi niya at napangiti ako. Mukhang nakita na naman niya ang pagtataray ko sa lalaki kanina.

"I'm not their kind of girl, you know," I said, flipping my hair while smiling sweetly at him. "But maybe I'll try to flirt tonight." Pagkatapos ay kinindatan ko siya.

"What change?" nakakunot-noong tanong niya. Sa gabi-gabi kasing nandito ako ay palaging siya ang bartender. Alam niyang umiinom lang ako at hindi nakikipag-usap sa kahit kanino. Alam ko naman kasi ang mga gusto ng mga lalaking lumalapit sa akin. Men. They all wanted the same. And that is sex.

Pero parang wala na akong pakialam. I don't care what will happen in my life anymore. Para kanino pa nga ba ang reputasyong inaalagaan ko? Para marespeto? Para mahalin? Paano ko makukuha iyon kung ang mismong sarili kong ina ay hindi iyon maibigay sa akin? That's why I feel like I don't deserve all the respect and love in the world.

"Anyway, akala ko ay hindi ka na darating ngayon. Buti na lang, hindi pa ako nagpapaupo sa pwesto mo."

I smirked. So that's why no one was sitting in my seat. Ni-reserve pala ng lokong 'to.

"Thanks, Gray," I said, and he just winked at me.

"The usual?" he asked. Umiling ako.

"Martini." He tsked bago umalis sa harapan ko para timplahin ang inorder ko. Napatawa na lang ako.

After a couple of minutes ay bumalik na rin naman siya. I said my thanks at tumango lang siya bago umalis para asikasuhin ang ibang customer.

I sipped on my drink. Kaagad kong naramdaman ang pagdaloy ng init sa lalamunan ko. Alright. This drink is no doubt a hard drink. Inubos ko ang laman ng baso at napapikit nang maramdamang tinamaan agad ako. I smiled.

Damn this life.

"One more Martini, please," I said at kaagad namang nagtimpla si Gray ng inumin ko. I winked at him when he handed me another glass. Napailing na lang siya.

I was in my fourth glass nang may umupo sa tabi ko. Noong una ay hindi ko siya pinansin at patuloy na lang na umiinom. I'm tipsy but not drunk. At gusto kong magpakalasing kaya umorder pa ako ng isa.

"Damn it, Daphne. That's a Martini and not freaking water," sabi ni Gray nang ibinigay na sa akin ang panglima kong baso. I sipped on my drink at naramdaman kong umiikot na ang paningin ko.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon