Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 14

247K 7K 1K
                                    

Tahimik lang ako at hindi nagsasalita habang hinihila ako ni Apollo palabas ng cafeteria. Kahit likod niya lang ang nakikita ko ay alam kong galit siya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Para bang hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong makawala at dapat ay sumunod lang ako sa kanya.

Nakarating kami sa parking lot at pinatunog niya ang lock ng kotse niya. He opened the passenger's door and I don't need him to tell me what I have to do. Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan niya at ikinabit ang seatbelt ko. Ilang sandali pa ay sumakay na rin siya sa driver's seat at binuhay ang makina ng sasakyan.

Kahit na gustong-gusto kong magtanong kung saan kami pupunta ay hindi ko magawa. Nakikita ko kasing umiigting ang panga niya sa galit at natatakot naman akong magtanong dahil baka sa akin niya ibunton ang galit niya.

Naaalala ko ang Mama ko sa mga taong may galit ang mga mukha. At natatakot ako dahil baka kagaya ni Mama ay saktan din nila ako nang dahil sa galit nila.

Kung hindi ko nakita kung paano walang awang tinawanan ni Apollo si Tiffany kanina ay baka hindi pa ako natakot sa kanya kahit na ganito siya ngayon. But after what I witnessed earlier? Everything changed.

Napansin kong namumula ang kanang pisngi niya. Saka ko lang naalala na iyon ang pisnging sinampal ni Tiffany kanina. Napangiwi ako. That must've really hurt.

Nakita kong itinigil ni Apollo ang sasakyan sa parking lot ng building ng condo unit niya. Kahit na kinakabahan ako sa mga pumapasok sa isip ko ay hindi pa rin ako nagsalita nang pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya.

Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba nang sumakay kami sa elevator. Hihingin niya na ba ang kapalit sa paggamit ko sa kanya? But why here? He said that no sex, right? So why the hell are we going to his condo unit?

Napaigtad ako nang tumunog ang elevator hudyat na magbubukas na ito. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko para lumabas kaya nauna si Apollo sa akin. He glanced at me when I didn't follow him and saw him clenched his jaw. That's why I forced myself to step out of the elevator.

Binuksan niya ang pinto ng unit niya at pumasok kami roon. Isinarado niya ang pinto at dire-diretso siyang umupo sa sofa na nandoon. Habang ako ay nanatiling nakatayo sa may pintuan.

"You're so quiet," narinig kong sabi sa akin ni Apollo. Tiningnan ko siya at nakita ko ang nagtataka niyang mga mata sa akin. "Come here."

He motioned me to sit on the space beside me, but I shook my head. Nakikita ko pa rin kasi ang galit sa mga mata niya.

"Galit ka," maliit ang boses na sabi ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumungo. Natatakot akong makita ang galit niyang mukha.

I heard him sighed. Pagkatapos ay narinig ko ang mga yabag niya palapit sa akin. I saw his feet in front of me but I didn't look up. Hanggang sa hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinuli ang mga mata ko.

"I'm not. Naiinis lang ako. Ang sakit kasi ng sampal ng babaeng 'yon," narinig kong sabi niya at ngumuso ako para pigilan ang mapangiti.

Hayan. Karma ang tawag d'yan. Gusto kong sabihin iyon pero naalala kong ako rin pala ang dahilan kaya nasampal siya.

Iginiya niya ako palapit sa sofa at pinaupo ako roon. Pumasok siya ng kusina at ilang sandaling nanatili roon. Pagbalik niya ay nakita kong may dala na siyang ice bag. Umupo siya sa tabi ko at sinimulang idampi ang ice bag sa namumula niyang pisngi.

"Dammit. Gawa yata sa bakal ang kamay n'on!" inis na sabi niya habang ngumingiwi sa sakit. "Hindi kasama sa deal natin ang masampal ako!" he said and then he glared at me.

Ang kaninang takot ko ay nawala na lang bigla. Sa halip na matakot sa matalim na tingin niya ay tinawanan ko siya. Kinuha ko ang ice bag sa kanya at ako na ang nagdampi noon sa may pisngi niya.

"Kasalanan ko ba kung hindi ka magaling umilag?" natatawa kong sabi sa kanya habang marahang idinadampi ang ice bag sa namumula niyang pisngi. At dahil sanay na akong nasasaktan at nabubugbog ay alam kong mag-iiwan ng pasa sa mukha ni Apollo ang pagsampal na ginawa ni Tiffany.

"I didn't expect her to slap me! Damn, ayokong magkapasa sa mukha!" sabi niyang mas ikinatawa ko.

"I can trace her hand on your face, oh!" tuwang-tuwang sabi ko dahil nakikita ko talaga ang bakat ng kamay ni Tiffany sa pisngi niya. "When karma literally slaps you hard," sabi ko at saka bumunghalit ng tawa.

Tawa lang ako nang tawa sa nangyari sa kanya. Ito ang unang beses na tumawa ako nang ganito. Somehow, it felt really good. Siguro ay masaya rin ako dahil hindi naman pala sa akin galit si Apollo. Ang akala ko kasi, kaya hinila niya ako palabas ng cafeteria kanina ay dahil gagantihan niya ako sa pagsampal sa kanya ni Tiffany.

Ang akala ko ay maiinis sa akin si Apollo dahil tinatawanan ko siya pero nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Mukhang kanina pa siya ganoon. Napatigil ako sa pagtawa dahil nailang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"B-bakit?" tanong ko na nang hindi na nakayanan ang pagkailang.

Ilang segundong nanatili pa ang titig niya sa akin bago niya ako sinagot.

"This is the first time I saw you laugh and smile. A smile that is so genuine."

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na napapansin niya sa akin ang mga bagay na iyon. At tama siya.

Pero kung napansin niya iyon, ibig sabihin ay inoobserbahan niya ako?

"Kailangan ko pa palang masampal para makita ang totoong mga ngiti mo," dinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. At hayun na naman ang mga titig niya.

I think I'm addicted to those piercing blue eyes.

"Fuck!"

Nagulat ako nang madinig ko ang mura niya dahil napadiin ang pagkakadampi ko sa ice bag sa pisngi niya. Natataranta kong binitawan iyon at hinawakan ang pisngi niya na mas ikinangiwi niya.

"Hala! Shit! Are you okay?" natataranta kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ulit ang ice bag at ipagpapatuloy ang pagdampi noon sa pisngi niya o hahayaan na siya na lang ang gumawa noon.

"I'm fine. I'm fine," sabi niya at kinuha ang ice bag at ibinigay iyon sa akin. Nag-aalangang kinuha ko iyon at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Natahimik kaming dalawa. Maingat kong idinampi ulit ang ice bag sa pisngi niya. Dahan-dahan ang ginagawa ko dahil baka masaktan siya ulit. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

My heart beats so fast again because of his stare. Naramdaman ko ring umakyat ang dugo sa mukha ko dahilan ng pamumula ko. Nanalangin akong sana ay hindi iyon mapansin ni Apollo pero mukhang hindi nadinig iyon dahil nakita kong tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"You're blushing," he said huskily, and I felt my face blushed more. Mabilis akong umiling.

"Hindi. Mainit lang dito." Pinatapang ko ang boses ko nang sabihin ko iyon pero mahina pa rin ang pagkakasabi ko noon.

"Hmm." I heard Apollo hummed, and he smirked more.

I gasped when I felt his hand on my back and he pulled me closer to him. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa nakangisi niyang mukha. I tried to put my hand on his chest to push him pero mas lalo lang yatang napaso ang katawan ko dahil sa ginawa kong iyon.

"Liar," he said. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at napalunok na ako. He licked his lower lip like he was enjoying himself. "Hihingin ko na ang kapalit ng ginawa ko sa 'yo," he whispered.

Napalunok ako at napatingin na rin sa mga labi niya. "A-anong kapalit?"

My breathing hitched when he leaned towards me. Halos gahibla na lang ang pagitan ng mga labi namin at kaunting galaw lang ay magdadampi na iyon. Kaya ginawa ko ang lahat para hindi ako gumalaw nang kahit kaunti.

I heard him chuckled before he smirked again.

"Date me, my Miss Prim and Proper. Simple as that."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Commander, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Commander
@HiroYuu101
Miss Prim and Proper and the university's top student Daphne Madrigal...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 45 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @HiroYuu101.
The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon