Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 10

203K 5.3K 235
                                    

Napagkasunduan na sa university na lang din kami magkikita-kita. Walo kaming lahat. Ang tatlong mga kaibigan ni Apollo, si Apollo, si Tiffany, si Artemis, si Joshua at ako. Pero tatlong tao lang ang nagdala ng mga kotse nila kaya ngayon ay nagtatalo-talo sila kung kanino makikisabay. Hindi ko na rinala ang kotse ko dahil sabi ni Artemis ay sumabay na lang daw ako sa kanila.

"Basta kami ni Malcolm, kay Warren na lang makikisabay," sabi ni Yuriel kina Apollo at Artemis na nagtatalo pa rin hanggang ngayon.

"Kay Apollo ako makikisabay," I heard Tiffany said.

"Daphne and I will go with Joshua," sabi ni Artemis kay Apollo na masama na ang tingin sa kanya.

"No, Artemis! You and Daphne will go with me and that's final!" galit na sabi ni Apollo at napangiwi na lang ako.

Kanina pa nag-aaway ang kambal na 'to. Ang gusto kasi ni Artemis ay kay Joshua kami makisabay pero ayaw naman pumayag ni Apollo. Gusto ko rin sanang kay Joshua na lang kami makisabay dahil ayokong makasama si Blossom ng dalawang oras sa byahe. Plus, si Apollo na walang pakialam na pinanghihinalaan na kami ng kakambal niya.

"Kay Joshua mo na lang sila pasabayin, babe. I heard na nililigawan niya ang twin sis mo," pagsingit ni Tiffany sa away ng dalawa. I saw how Apollo glared at her.

"No! Kung gusto mo, ikaw na lang ang makisabay sa kanya." He looked at Artemis. "Sa akin kayo sasabay kung ayaw mong pauwiin ko ang tarantadong 'yan."

Kinuha na ni Apollo ang mga gamit namin at nilagay sa compartment ng kotse niya kaya wala nang nagawa si Artemis. Nakasimangot ang mukha niya nang tumingin kay Joshua.

"I'm sorry, Joshua. Alam mo naman ang kakambal ko..." malungkot na sabi niya pero ngumiti si Joshua at hinawakan ang pisngi niya.

"It's okay. Magkikita naman din tayo pagdating natin doon," he said and Artemis nodded.

"Get in, li'l sis. Huwag mong hintayin na mapuno ako." I saw Apollo opened the backdoor of his car. Ang mukha niya ay madilim na kaya naman mabilis na sumakay si Artemis sa kotse niya.

Napabuntonghininga na lang ako at sasakay na sana sa backseat sa tabi ni Artemis pero bago pa ako makaupo ay nagsalita si Apollo.

"Sa harap ka," he said and I was stunned. Hindi lang ako ang nagulat kundi maging si Tiffany at ang mga kaibigan niyang napitigil pa sa pagsakay sa kotse ni Warren.

"Bro, baka nakakalimutan mo. Si Tiffany ang girlfriend mo at hindi si Daphne," dinig kong sabi pa ni Malcolm na may halong biro pero halata sa mukha niya ang pagtataka sa inaakto ng kaibigan nila.

"Are you out of your mind, my dear twin brother? Of course, Daphne will seat here beside me. Ayokong makatabi ang babae mo!" sabi ni Artemis at hinila na ako para makaupo kaya wala nang nagawa si Apollo kundi ang isarado ang pinto ng kotse nang makaupo ako.

"Tell me, Daphne. May dapat ba akong malaman sa inyo ng twin brother ko?" tanong sa akin ni Artemis nang maisara ni Apollo ang pinto ng kotse.

"Huh? Wala. Wala," I said, trying to calm myself down but deep inside ay sobra-sobra ang kaba ko.

I knew it. Alam kong makakahalata si Artemis dahil sa kinikilos ng kakambal niya. Kung dati kasi ay hindi ako pinapansin ni Apollo, ngayon ay bigla-bigla niya na lang akong kinakausap na parang normal lang iyon sa kanya.

"Hmm. I know my brother, Daphne. Alam ko kung gaano siya kadalas magpalit ng babae na parang nagpapalit lang ng damit niya." She had a worried look on her face, but she smiled eventually. "But I know that you're smart, so I think there's no need for me to worry, right?"

Wala sa sariling tumango ako. I'm aware of that. Kapag nasa bar kami ay maraming babae ang nakikipag-usap kay Apollo. Kung minsan pa nga ay niyayaya siya sa "private room" doon sa loob ng bar. Nakikita ko rin siya dati sa university na iba-iba ang mga kasamang babae every week. Ang alam ko pa nga, ang pinakamarami niyang naging babae sa loob ng isang buwan ay sampu.

Pero nitong mga nakaraang araw ay parang may nag-iba kay Apollo. Wala na siyang nilalanding babae kapag magkasama kami sa bar. Ang huling babaeng nilandi niya ay noong umupo sa tabi ko si Gray. Pagkatapos noon ay wala na. Umiinom lang siya sa tabi ko at nagtyatyaga na kausapin ako.

"I swear, babe. You'll enjoy the waterfalls there! Sobrang ganda and malinaw ang tubig!" I heard Tiffany said kaya napatingin ako sa unahan. Hindi man lang sumagot si Apollo sa sinabi nito kaya nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "I'm so excited! Doon na tayo didiretso since doon ko pinahanda sa may kubo ang pagkain."

Napabuntonghininga na lang ako nang hindi talaga nagsalita si Apollo. Si Tiffany lang ang salita nang salita sa byahe at naririndi na ako sa boses niya. Si Artemis naman ay panay ang text sa cellphone niya na kung minsan ay ngumingiti pang mag-isa. Si Joshua ba ang katext niya? 'Di ba niya naisip na delikado dahil nagda-drive ang boyfriend niya?

I sighed again. Kinuha ko ang isang book novel sa shoulder bag na dala ko. Mas mabuti pang magbasa na lang ako kaysa sa makinig sa mga sinasabi ni Blossom na walang kakwenta-kwenta.

I don't even know why I'm here. Pwede naman akong hindi sumama pero hindi na ako nakatanggi kahapon. Ipinain ako ni Apollo kay Artemis at ipinain niya naman si Joshua sa kakambal niya. Siguro ay may ideya na siya sa relasyon ng dalawa dahil hindi niya naman gagawin iyon kung ang alam niya ay nililigawan pa lang ni Joshua ang kakambal niya. And I'm so confused. Alam kong overprotective siyang kapatid pero bakit niya ipapasama si Joshua kay Artemis para lang pumayag akong sumama ngayon?

"Baka sumakit ang ulo mo."

Natigil ako sa pagbabasa nang sa wakas ay narinig kong magsalita si Apollo. Ang akala ko noong una ay si Tiffany ang kausap niya pero nang mapatingin ako sa rearview mirror at nagtama ang mga paningin namin ay napagtanto kong ako ang kinakausap niya. Napatingin ako kay Artemis sa tabi ko na napatingin din sa kakambal niya.

"Why do you care?" tanong pa ni Artemis nang hindi ako magsalita.

"I'm just concern for her, li'l sis. Baka sumakit ang ulo niya. May masama ba ro'n?" Apollo said at gustong-gusto ko na siyang batukan. Hindi niya ba napapansin ang matalim na tingin sa akin ni Blossom?

"Yes, Daphne is my best friend, Apollo. Baka nakakalimutan mo."

"Oh, I know that, li'l sis. But Daphne is my Miss Prim and Proper," sabi niya at halos lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko. Nakita kong napatingin sa akin sina Blossom at Artemis pero hindi ko sila pinansin.

"Stop it, Apollo," I said. Tiningnan ko siya nang masama sa rearview mirror pero ngumisi siya sa akin at kumindat. Nahigit ko ang paghinga ko sa ginawa niya.

"One more day, my Miss Prim and Proper. One more day," he said at itinuon na ang tingin sa daan.

Nakita ko ang pag-irap sa akin ni Tiffany bago umayos ng upo at tumahimik na rin sa wakas. Pagtingin ko sa tabi ko ay mataman ang titig sa akin ni Artemis. Alam kong hindi na siya naniniwala sa pagtanggi ko kanina tungkol sa amin ni Apollo. At alam ko ring hindi niya ako titigilan sa pagtatanong hangga't hindi ako umaamin.

Damn it. It's all because of that freaking deal. Maling-mali na pumayag ako roon. Imbes na mapalayo ako ay mas napapalapit pa yata sa akin si Apollo.

And he sure knows how to find his way to enter my hellish life.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon