CHAPTER 1

13.8K 196 5
                                    

NAKAUPO si Marion sa kama ni Nathalie, pinapanood siya nito habang nag-eempake at nagtutupi siya ng mga damit niya. Bukas nang umaga ang flight niya pauwi sa Davao.

"Hanggang kailan ka ba roon?" tanong ni Marion.

"Three days lang," tugon niya.

Nanghaba ang nguso nito.

"Bakit nanghahaba na naman iyang nguso mo?" tanong niya.

"Alam mo namang ayokong mag-isa rito sa bahay, 'di ba?" reklamo nito.

Isang three-bedroom house ang tinitirhan nila sa Baguio City. Binili iyon ni Don Florentino Bismonte noong magkolehiyo siya. Dati ay ang tiya Mylene niya ang kasama niya roon pero nang makatapos na siya ng kolehiyo ay umuwi na ito ng Davao. Naiwan siya roon dahil nagtatrabaho na siya sa hotel na pag-aari rin ng don. Laking pasasalamat niya kay Marion nang pumayag itong doon na tumira kasama niya. Sa Hotel de Amor din ito nagtatrabaho bilang restaurant manager.

"Ang sarap kasing kutusan ni Sheila. Kung kailan ka aalis, saka rin naisipang umuwi sa kanila," patuloy na pagrereklamo ni Marion. Si Sheila ay ang kasambahay nila.

"Kung gusto mo doon ka muna sa hotel tumuloy," suhestiyon niya.

"Ayoko nga!" mabilis na sabi nito. "Mamaya singilin mo pa ako ng pag-stay ko doon."

"Sinabi ko bang doon ka sa mga suite matulog? May employees' quarter naman ang hotel, 'di ba?"

Namilog ang mga mata ni Marion. "My gosh, Nathalie! Patutulugin mo ako sa employees' quarter? Ako? Si Marion Grace Perez?" eksaheradang sabi nito.

Ibinato niya sa babae ang t-shirt na hawak niya. "Arte mo ha! Dugong-bughaw ka ba para mag-inarte ka ng ganyan?"

Tumatawang ibinato rin nito ang t-shirt pabalik sa kanya. "Minsan lang ako magpi-feeling, komontra ka pa. Basta ayoko talagang matulog doon."

"Ano'ng gagawin natin? Sino'ng makakasama mo rito?"

"Ano pa ba'ng magagawa ko kundi ang mag-isa," tila nangungonsensiya na sabi nito.

"Magpasama ka kaya kay Jeff?"

Nagliwanag ang mukha nito. "Oo nga ano? Bakit hindi ko agad naisip 'yon? Iba talaga ang talino mo, friend. Kaya hindi na ako nagtataka na sa'yo ipinaubaya ni Don Florentino ang pamamahala n'ong hotel."

Dimampot niya ang hanger at ibinato rito. Tumatawa naman itong umilag.

"Kunwari ka pa! Alam ko namang hinihintay mo lang talaga na i-suggest ko 'yon."

Napangisi naman ito. "Okay lang ba?"

"Ang landi mo!"

"Makatawag ka naman ng malandi sa akin, parang ikaw hindi!" anito na pinagkrus pa ang mga braso sa tapat mg dibdib nito.

Nakataas ang kilay na tiningnan niya ito. "At kailan mo ako nakitang naglandi dito?"

"Paano nga kitang makikitang lumalandi, eh wala naman rito 'yong lalaking gusto mong landiin? Kaya nga 'di magkanda-ugaga sa pag-i-empake ngayon 'di ba?" pakli nito.

Nag-init ang magkabilang pisngi niya. "Tigilan mo nga ako niyan."

"Kunwari ka pa! Eh n'ong tumawag nga sa'yo ang tita mo at sabihing pinauuwi ka ni Don Florentino, nataranta ka agad sa pagpapa-book ng flight."

Hindi siya umimik. Inilagay niya ang huling piraso ng damit na kanyamg dadalahin sa bag bago niya iyon isinara.

"Ano? Hindi ka maka-imik ngayon," nakalabing sabi ni Marion.

Nathalie's Romance (Completed_published by Precious Hearts Romances)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن