Chapter Seven

5.6K 138 9
                                    

Siyam na araw na lang ay kasal na nina Nathalie at Zigmund kaya lalo siyang naging abala. Halos hindi na sila nagkikita ni Zigmund dahil pareho silang abala, pero may pakiramdam siyang sinasadya rin ng lalaki ang pag-iwas sa kanya. Marahil ay dahil iyon sa nangyaring kapangahasan nito noon.

Katatapos lang niyang maligo at magbihis nang may marinig siyang mga katok mula sa pinto ng kuwarto niya.

"Can I come in?" narinig niyang sabi ni Zigmund mula sa kabila ng pinto.

"Yes," sagot niya.

Pumasok ito. "I bought you a dress." Inilapag nito sa kama niya ang dala nitong shopping bag.

Nagtataka siyang napatingin rito. Ano naman kaya ang naisip nito at ibinili ako ng damit?

"May pupuntahan tayong party ng family friend namin. Wear that dress. I'll wait for you downstairs. Bilisan--"

Napatigil sa pagsasalita si Zigmund nang tumunog ang cellphone nito. Sinagot iyon ng binata.

"What?!" Nagsalubong ang kilay nito. "Saan? Anong oras nangyari?"

Napakunot-noo siya, mahihimigan kasi ng pag-aalala ang tinig nito.

"Nakipag-communicate ba sila?" Habang pinakikinggan ni Zigmund ang kausap ay nakatingin ito sa kanya. "Sige, tawagan mo si Johan. Sabihin mo makipag-coordinate kaagad sa coast guard. I'll be there in an hour."

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Ano ba ang nangyayari? Bakit parang natataranta ito?

"Tell Cassandra na huwag munang mag-release ng statement. Hintayin niya ako, pupunta ako riyan." Ibinulsa na nito ang cell phone bago siya binalingan. "Hindi na tayo pupunta sa party."

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Sumabog daw ang isa sa mga cargo ship natin. Hindi pa malinaw kung ano'ng nangyari. I have to go now." Hindi na nito hinintay na makapagsalita siya. Mabilis itong lumabas ng silid niya.

****

NAPAHUGOT ng malalim na hininga si Nathalie, pakiramdam niya ay nagsisikip ang dibdib niya sa pag-aalalang nararamdaman. Tiningnan niyang muli ang suot niyang relos. Buong gabi na hindi umuwi si Zigmund at mag-aalas diyes na nang umaga pero wala pa rin ito. Tinatawagan at tinitext niya ito pero hindi naman sumasagot ang binata.

"Nasaan ka na bang lalaki ka? Hindi mo man lang ba naiisip na may naiwan ka ritong nag-aalala sa 'yo?" malakas na tanong niya at nayayamot na ibinato ang kanyang cell phone sa sofa.

Papunta na siya sa kusina para maghanap ng makakain nang marinig niya ang pag-ring ng cell phone. Halos takbuhin niya iyon para masagot agad ang tawag. Nagbabaka-sakali siyang si Zigmund ang caller. Nakadama siya ng pagkadismaya nang makita sa screen ang pangalan ni Sandy.

"Nathalie, are you ready?" tanong ni Sandy pagkasagot niya ng tawag nito.

"Ready for what?" pabalewalang tanong niya.

"Ngayon ang schedule ng pagpili mo ng cake at food tasting na rin, 'di ba?"

Natampal niya ang kanyang noo. Sa labis na pag-aalala niya kay Zigmund ay nawala na sa isip niya ang kailangan niyang gawin ngayong araw na ito. "I'm sorry, nakalimutan kong ngayon nga pala iyon."

"It's okay. Tinawagan ko naman si Chef kanina. I told him na medyo mali-late tayo. May inaasikaso pa rin kasi ako ngayon."

"Puwede bang bukas na lang tayo pumunta sa resto," pakiusap niya. Mas gusto niyang maghintay kay Zigmund dito sa bahay. Hindi rin siya makakapag-focus sa gagawin kung ganoong okupado ng pag-aalala sa binata ang isip niya.

Nathalie's Romance (Completed_published by Precious Hearts Romances)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin