Chapter 2

5.7K 115 1
                                    

INILAGAY ni Nathalie sa niluluto ang button mushroom na katatapos lang niyang i-drain at saka iyon hinalo. Pinanonood siya ni Aling Celia at ng isa pang kusinera ng mga Bismonte. Nasa mansiyon sila dahil hiniling ni Don Florentino na doon sila mananghalian ng pamilya niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay inilagay na niya ang onion rings na nauna na niyang lutuin kanina. Pinatay niya ang stove at hinubad ang suot na apron.

"Pwede ho bang kayo na ang maglagay niyan sa dining table? Tatawagin ko na po sila Lolo at Don Florentino," aniya kay Aling Celia bago tinalikuran ang mga ito.

Lumabas siya ng kusina at nagtungo sa garden kung saan naroon ang dalawang matanda. Nakaupo ang mga itp patalikod sa kanya at mukhang seryoso ang pjnag-uusapan.

"Sa tingin mo ba iyan ang makakabuti?" narinig niyang tanong ng lolo niya sa Don.

"Oo," matipid na tugon ng Don.
"Bakit hindi na lang natin sabihin ang totoo?"

"Nasabi ko na ang dahilan ko, Geronimo. Hayaan mo na lang akong ayusin ito sa sarili kong paraan. Malalaman rin niya ang lahat sa tamang panahon."

"Excuse me po," aniya.

Sabay na napalingon sina Lolo Geronimo at Don Florentino sa kanya. Kitang-kita niya   pagkabigla sa mukha ng mga ito nang makita siya.

"Nakahanda na ho ang lunch natin. Pasensiya na ho kung naabala ko ang pag-uusap ninyo," aniya.

"It's all right, Hija. Tapos na rin naman kaming mag-usap," sabi ng Don. Napansin niya ang makahulugang tingin nito sa Lolo niya.

"Kumain na ho tayo," yaya niya sa dalawa. Lumapit siya kay Don Florentino at sinimulan nang itulak ang wheelchair patungo sa bahay.

Pagpasok nila sa dining room ay naroon na sina Danilo, Alfonso at Zigmund. Pinaupo siya ng Don sa tabi nito at si Zigmund naman ang nasa kabila.

Walang imik na nilagyan niya ng pagkain ang plato ng Don. Nakasanayan na niyang asikasuhin ito kapag nakakasabay niya itong kumain. Naramdaman niyang nakatingin sa kanya si Zigmund habang ginagawa niya iyon.

Tinikman ng Don ang niluto niya at nakangiting tiningnan siya. "Ikaw ang nagluto, Hija?"

Tumango siya. "Opo."

"Napakahusay mo talaga sa kusina," puri nito sa kanya bago binalingan ang apo. "Tikman mo ang niluto niya, Zigmund."

"I don't eat beef," sabi ni Zigmund.

Lahat ng nasa harap ng hapag ay napatingin rito, pagkatapos ay sa kanya.

Pinigil niya ang sarili na irapan ang lalaki. Ang galing mo talagang mambasag ng moment! Pasalamat ka crush kita kung hindi natusok na kita nitong tinidor ko! himutok ng nasaktan niyang pride.

"Matikman nga iyan," biglang sabi ni Danilo. "Hindi mo pa kami naipagluluto ng ganito eh," dagdag nito na may kasama pang kindat.

Tipid na nginitian niya ang pinsan.

Nagsimula na silang kumain. Tahimik siyang nakikinig sa mga kasalo habang nag-uusap ang mga ito tungkol sa hacienda.

"Alfonso, sa susunod na linggo ay babalik na si Zigmund sa Maynila. Gusto kong bago siya umalis ay mapag-usapan na ninyo ang tungkol sa mga tauhan natin," ani Don Florentino.

"Oho," maikling tugon naman ni Alfonso.

"Nathalie, kailan ka babalik sa Baguio?" baling sa kanya ng don.

"Mamayang hapon na ho ang flight ko," sagot niya.

Napakunot-noo si Don Florentino. "Napakaikli naman ng bakasyon mo. Ayaw mo bang mag-stay muna rito kahit tatlong araw pa?"

Nathalie's Romance (Completed_published by Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now