Chapter 5

6.1K 138 41
                                    

INILAGAY ni Nathalie ang hiniwa-hiwang ham sa fried rice na niluluto niya. Hinalo niya iyong mabuti bago tinakpan. Bahagya niyang hininaan ang apoy, saka binalingn ang lettuce. Hinugasan niya iyon habang pakanta-kanta.

Ilang sandali pa ay pinatay na niya ang apoy ng stove at sinimulan nang gawin ang vegetable salad.

"You can take everything I have, you can break everything I am like I'm made of glass, like I'm made of paper," bigay todo niyang pagkanta. "Go on --"

"What are you doing?"

Napatili siya sa gulat. Nabitawan niya ang tangan na bowl na paglalagyan sana niya ng salad. Bumagsak iyon at nabasag.

"Jesus Christ, Nathalie!" malakas na sabi ni Zigmund. "Ano ba'ng ginagawa mo?"

Agad siyang umupo para pulutin ang malalaking bubog. "Kung hindi ka kasi biglang sumulpot - Ouch!" Nahawakan niya ang nagdurugo niyang daliri.

Mabilis na lumapit si Zigmund sa kanya. "Shit! Hanggang ngayon ba naman, Nathalie!"

Hindi siya nakakibo nang hilahin siya nito patayo. Iniupo siya nito sa upuan na nasa harap ng dining table.

"Put some pressure on your finger and place it above your heart. Hintayin mo ako rito," anito bago siya iwan.

Napasunod ang tingin niya rito. Nang wala na ang lalaki ay tumayo siya at lumapit sa lababo. Hinugasan niya ang nasugatan na daliri at isinubo niya iyon. Bumalik siya sa kinauupuan habang sinisipsip ang kanyang daliri. Naabutan siya ni Zigmund sa ganoong ayos.

"Ano'ng ginagawa mo?" Umupo ito sa tabi niya at hinila ang kanyang kamay. "You're sucking your own blood? Sa tanda mong iyan, ginagawa mo pa rin 'yan?"

Naglabas ito ng cotton balls at Betadine. Sinimulan na nitong linisin ang kanyang sugat. "Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong mag-ingat sa kilos mo."

Napatitig siya rito pero hindi siya nagsalita. Bakit parang nag-aalala ang tinig nito.

"Palagi ka pa ring nasusugatan dahil sa pagiging clumsy mo. Ano ba kasi'ng ginagawa mo?"

Nag-angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata.

"Nathalie!"

"H-ha?" aniya at agaw na nagbawi ng tingin. "A-ano..."

Why are you stammering, Nathalie? Umayos ka nga! Sa bilis at lakas ng heartbeat mo, baka marinig na niya iyan, saway niya sa sarili.

"Naghahanda kasi ako ng breakfast natin," aniya na sinikap gawing normal ang tinig.

Kumunot ang noo nito. "Why?"

"Malamang para may makain tayo," pakli niya.

Ilang sandali rin siyang tinitigan nito, saka binalingan uli ang sugat niya. Maingat na nilagyan nito iyon ng band-aid at pagkatapos ay ibinalik na sa first aid ang mga gamit. Tumayo na ito.

"Sa susunod, mag-iingat ka sa kilos mo."

"Thank you," mahinang sabi niya.

Natigilan ang lalaki. Tipid naman niya itong nginitian at saka tumayo na. Binalikan niya ang nabasag na bowl pero bago pa siya makayukod ay pinigilan na siya ni Zigmund.

"Ako na ang maglilinis n'yan, tapusin mo na ang paghahanda ng breakfast," sabi nito.

Hinayaan na nga niya ito at itinuloy na ang paghahanda ng pagkain. Ilang sandali pa ay naihain na niya ang mga iyon sa dinig table. Walang kibong naupo siya at hinintay na lumapit si Zigmund sa hapag.

Pinigilan niya ang sarili na tingnan si Zigmund nang maupo ito sa silyang katapat niya.

"Hindi ko alam na may laman pa pala ang refrigerator ko. Last month pa noong huling pumunta rito si Sandy para dalhan ako ng stocks," ani Zigmund habang naglalagay ito ng pagkain sa plato nito.

Nathalie's Romance (Completed_published by Precious Hearts Romances)Kde žijí příběhy. Začni objevovat