Chapter Ten

7.6K 197 18
                                    

NANGHIHINA na si Nathalie dahil dalawang araw na siyang hindi kumakain. Puro pag-iyak at pagmamakaawa lang ang ginagawa niya pero balewala lamang iyon sa mga nagbabantay sa kanya.

Napamulat siya ng maramdaman ang mga haplos sa kanyang mukha. Si Danilo ang bumungad sa kanya. "Kuya?"

Hindi nagsalita ang lalaki, nakatitig lang ito sa kanya.

Bumangon siya. "Kuya, parang awa mo na. Pakawalan mo na ako. Kuya, please," naiiyak niyang pakiusap.

"Hindi mo raw kinakain ang dinadala nila sa 'yong pagkain," anito na hindi pinansin ang pakiusap niya. Mukhang nakainom ang lalaki base sa itsura nito at amoy ng hininga. Hinaplos nitp ang pisngi niya. "Ayokong nakikitang umiiyak ka, tahan na."

"Pakawalan mo na kasi ako, Kuya. Please, itigil mo na ito."

Hindi ito umimik. Sa halip ay niyakap siya nito. "I'm sorry. Hindi ko gustong gawin ito. Sorry, Nathalie."

Napaiyak siyang lalo. Alam niya iyon, kilala niya ito, sigurado siyang nagagawa lamang nito iyon sa labis ng galit at inggit sa asawa niya. Hindi masamang tao ang pinsan niya, naniniwala siya roon.

Pero bigla siyang natigilan at napamulat. "Kuya? A-ano'ng ginagawa mo?" Naramdaman niya ang paghalik nito sa balikat at leeg niya. Sinikap niyang ilayo ang katawan mula rito pero lalong humigpit ang yakap nito sa kanya. "Kuya!" Lalo siyang naalarma nang ihiga siya nito.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita, Nathalie." Mabilis siyang kinubabawan nito at marahas siyang hinalikan sa leeg patungo sa kanyang dibdib.

"Kuya, tumigil ka! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" malakas niyang sigaw. "Magpinsan tayo! Utang-na-loob, huwag mong gawin sa akin ito!"

Para itong walang narinig, patuloy ito sa ginagawa. Naramdaman niya ang isang kamay nito na pumasok sa loob ng suot niyang blouse. Nagsisigaw siya at nag-pumiglas pero kulang ang lakas niya. Marahas na dinama ni Danilo ang kanyang dibdib.

Kahit na anong pagmamakaawa niya ay hindi nito pinakinggan kaya nag-isip siya nang paraan para makawala rito. Tumigil siya sa panlalaban at sa halip ay tahimik na inipon ang natitira niyang lakas.

Nang maramdaman ni Danilo na tumigil siya sa panlalaban ay bahagya nitong iniangat ang katawan mula sa kanya para buksan ang zipper ng pantalon niya. Iyon ang hinihintay niyang pagkakataon, buong lakas na bumiling siya. Nawalan ng balanse ang lalaki at nahulog ito sa papag.

Mabilis siyang bumangon at isiniksik ang sarili sa isang bahagi ng papag. Humahagulhol na siya. Tumayo si Danilo at nagtangkang lapitan siyang muli.

"Huwag kang lalapit sa akin!" malakas niyang sigaw. "Demonyo ka! Magpinsan tayo, paano mo ito nagagawa sa akin?!"

"Hindi tayo magpinsan!" pasigaw rin na sabi nito. "Ang tagal kong pinigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo sa pag-aakalang magkadugo tayo, pero hindi. Ni isang patak ng dugo namin ay wala ka!"

"A-ano'ng sinasabi mo?" naguguluhan niyang sabi.

"Pagkakuha natin ng pera, lalayo na tayo rito," tila wala sa katinuan na sabi nito. "Hindi tayo magpinsan kaya puwede tayong magsama."

"Hindi kita maintindihan. Paanong--"

"Isa kang Bismonte, Nathalie." Dumukot ito sa bulsa ng pantalon nito at inilabas ang isang papel, iniabot nito iyon sa kanya. "Iyan ang sulat sa 'yo ni Don Florentino ba ibibigay sana sayo ni Lolo noong araw ng kasal ninyo ni Zigmund. Apo ka niya, dugo't-laman ka ng matandang iyon."

Kinuha niya ang papel at nakumpirma niyang sulat-kamay nga iyon ng don. Pakiramdam niya ay lalp siyang nanghihina habang binabasa iyon.

Nathalie,

Nathalie's Romance (Completed_published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon