Chapter 4

5.2K 120 10
                                    

ISANG linggo na ang nakakalipas buhat nang makabalik si Nathalie sa Baguio. Anumang pigil ng Lolo Geronimo niya na huwag siyang umalis nang hindi sila nakakapag-usap ni Zigmund ay tumuloy pa rin siya. Kailangan niya iyong gawin para makapag-isip. Hindi pa rin nada-digest ng isip niya ang nangyari.

"Tulala ka na naman," ani Marion na hinampas pa ang braso niya. Naupo ito sa upuang nasa harap ng office table niya.

"A-ano ba 'yon?"

Napailing si Marion. "Kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig, eh. Sabi ko nagpunta dito kahapon si Mr. Tan, 'yong may-ari ng Tan Minings. Dito raw sila magsi-celebrate ng anniversary nila ng misis niya."

"Nakausap na ba niya si Vanessa?" tanong niya na kunwari ay abala sa mga papel na nasa harap niya.

"Vanessa?" tila takang-taka na sabi ni Marion.

Tiningnan niya ito. "Para mapag-usapan nila ang schedule-"

"Nathalie, si Jelai ang in-charge sa reservation ng mga events dito sa hotel," putol sa kanya ng kaibigan.

Natigilan siya.

"I know affected ka pa rin sa pagkawala ni Don Florentino pero sa tingin mo ba matutuwa siyang nakikita kang ganyan at napapabayaam mo itong hotel?"

Napahinga siya nang malalim. "Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa kalokohang naisip niya, eh."

Pagbalik niya sa Davao ay ikinuwento niya kay Marion ang nangyari sa libing at ang nilalaman ng testamento ni Don Florentino. Tulad niya ay hindi rin ito makapaniwala sa ginawa ng matanda. Pero nang makabawi na sa pagkabigla ang babae, sabi nito ay panalo pa siya sa set up na 'yon. Napakasuwerte nga raw niya dahil bukod sa mana ay mapupunta pa sa kanya si Zigmund.

Oo, mahal niya si Zigmund at minsan ay pinangarap din niyang mapangasawa ito pero hindi sa ganoong paraan. Ang gusto niya, kung magpapakasal sila ay dahil mahal din siya nito at hindi para makuha ang kani-kanilang mana.

"Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Marion.

"Hindi ako magpapakasal sa kanya."

"Huwag ka na kayang mag-inarte! Alam naman natin kung gaano ka kabaliw sa lalaking iyon. Nariyan na nga, ginawan na nga ng paraan ni Don Florentino para magkatuluyan kayong dalawa, tapos aarte ka pa!"

Naisip na rin niya na maaaring sinadya nga iyon ng don dahil alam nito ang nararamdaman niya para sa apo nito. Pero magagawa nga ba nitong ipamigay nang ganoon ang apo?

"Eh, 'di ba nga ayaw rin naman niyang magpakasal sa akin," pakli niya.

"So, hahayaan mo na lang na mawala ang mana mo? Paano siya? Tiyak na mababaliw iyon kapag nawala ang mga bagay na pinaghirapan din naman niya. Kaya mo bang makitang miserable siya?"

Naisip na rin niya iyon noon. Paano si Zigmund. Pero hindi ba't sabi rin nito na hindi siya nito papakasalan kahit na ano'ng mangyari?

"Hindi ko alam," tanging nasabi niya.

"I'm sure soon he will come to his senses. Hindi niya -"

Natigil sa pagsasalita si Marion nang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok si Zigmund. Napatayo siya nang makita ito.

****

KITANG-kita ni Zigmund ang biglang pamimilog ng mga mata ni Nathalie dahil sa bigla niyang pagdating.

"Good afternoon, Sir," sabi ng babaeng kasama ni Nathalie.

Hindi niya ito pinansin. Nanatiling nakatuon ang mga mata niya kay Nathalie. Her face was pale and there was panic in her eyes. Panic? Bakit? Nararamdaman ba nito na sa mismong oras na iyon ay magsisimula na ang pagpapahirap niya rito?

Nathalie's Romance (Completed_published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon