One: Kayna

23 5 0
                                    

"Kayna!!!!! Ung clearance? Dalian mo baka mawaglit uli si Sir sa may faculty!!!" sigaw ni pressy sa akin habang tumatakbo

"On it pressy!!!" sigaw ko habang binibilisan ang takbo, mabuti nalang naka jeans at sneakers lang ako at T-shirt.

Mabilis akong nakipag siksikan sa mga estudyante na nasa harapan ng pinto ng faculty at ipinakita ang ID ko upang papasukin ako. Tinungo ko agad ang mesa ni Sir Ortega at tumungo.

"Sir good morning," bungad ko at huminga ng malalim, "ABM F Sir" sabi ko at iniabot sa kanya ang clearance ng section namin.

"Hinihingal pa ah! Hinabol mo cut off? " tanong nya na medyo natatawa.

Cut off kasi mamayang 11 para mag lunch ang mga teacher at humabol ako kundi masisira ang sched ng section namin.

Matapos ko iyon mapa pirmahan ay nagpasalamat ako at agad agad akong lumabas ng faculty matapos ay tumakbo pabalik ng room namin. Bwisit kase naka bukod ng building ang faculty sa building ng mga estudyante.

"Pressy tapos na kay--"

"Ayan tara na pila na tayo sa elem building para tapos na clearance natin" putol ni pressy sa sinasabi ko at agad silang nag tungo doon.

Napa buntong hininga ako at napa tungo. Napangiti nalang ako. Handa na akong sumunod sa kanila ng may makita akong bote sa harapan ko.

"Inom muna, aba layo tinakbo mo!" pag angat ko ng tingin nakita ko si Krystel. Inabot ko ang bote ng tubig nya at uminom. Matapos ay sinimangutan nya ako. "Bakit inubos mo?!"

Napatawa ako sa reaksyon nya, "Sorry HAHAHAH I'll gonna buy one nalang to refill your bottle." sabi ko, matapos ay inangkla nya ang braso nya sa braso ko at sumunod na kami sa iba naming kaklase.

Sa paglabas namin ng room namin at pag sara ng pinto ay nakita ko sya. Kasama ang mga kaibigan nya. Naka suot lang sya ng simpleng camouflage jogger na six pockets, university shirt at white sneakers.

"Parang gusto ko syang sundan" naimutawi ko

"Ung babae nanaman sa ibang section yan 'no?" tanong ni Krystel.

"Ang alin?" tanong ko

"Ung gusto mong sundan. Keltukan kita selos na ako kala ko ako crush mo?! Mamaya mo na i stalk maawa't mahabag ka ung clearance muna. " sagot nya at hinila na ako patungo sa elementary building.

"Selos agad kras pa din kita oy! Pero sa tingin mo girlfriend nya ung madalas kasama nya? " tanong ko

"Huh? Sino doon? "

"Yoong babae."

"May I inform you na puro babae yung kasama ng babaeng gusto mo?" Sagot nya

"Gagalet mananaket? " sagot ko at tinawanan sya

"Kayna Monasterio!!!! " sigaw nya kaya napa takbo na agad ako at nag simula syang habulin ako.

ParallelWhere stories live. Discover now