Seven:Nathalie

10 4 0
                                    

I really hate mornings. I hated waking up early. And maybe that explains why I'm always late. Pero mukang ito na ang pinaka komportableng gising na nagawa ko. I definitely love the warm and sweet breath that I felt at my face, smelling like berries with a touch of mint. And the warmth that I am feeling, hugging tightly.

Bago pa ako magpa hila sa masarap na pakiramdam ay agad ko ng idinilat ang mata ko at natagpuan ang sarili kong naka unan sa dibdib ni Kayna habang ang braso ko'y naka akap ng mahigpit sa baywang nya at ang hininga nya'y tumatama sa muka ko.

Tiningnan ko sya maigi. At ramdam ko ang mabilis na pag pintig ng puso ko sa simpleng pag tingin sa kanya. Naka tulog sya kakaiyak sa ibabaw ko. Iyak na walang ingay. Hindi ko sya tinanong. Wala akong sinabi upang mapa gaan ang loob nya. Niyakap ko lamang sya at hinayaang umiyak kahit na masakit sa akin na makita syang umiyak.

Inayos ko ang pagkakahiga nya at bumangon. Dumeretso ako sa kusina at nakita sila manang inday na nag hahanda na ng makakain namin. Sinabi ko na ipaghanda nalang ako ng maaari kong dalhin sa kwarto dahil sabi ko'y may bisita ako, binati ko din ang kapatid ko na nag aagahan, inaya ako nito pero sinabi ko na mauna na sya dahil may kasama ako na dadalhan ko ng makakain at nag pasensya na hindi ko sya masabayan. Sinabihan ko naman ang ibang kasambahay namin na sabayan na ang kapatid ko matapos kong makuha ang ipinagawa kong agahan kay manang inday at nagpasalamat.

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ko at maingat na ibinukas at isinara ang pinto.

Ngunit pag tingin ko sa kama ko'y wala sya. Magulo ang kama. Mabilis kong inilapag ang pagkaing dala ko at hinagilap sya sa kwarto ko. Sinilip ko sa cr, sa walk in closet ko miski sa ilalim ng kama. Palabas na sana ako sa kwarto ko upang mag hanap sa bahay ng mapansin kong hinahangin ang kurtina na nag tatakip ng pinto patungo sa terrace ng kwarto ko. Maingat akong pumunta doon at hinawi iyon. Naka bukas ang sliding glass door patungo sa terrace ko. Mabilis kong inilibot ang tingin aa paligid at doon nakita ko sya, sa isang sulok, naka upo, kaharap ang mga pulang rosas, suot pa din ang puting bestidang pantulog ng kapatid ko na ipinahiram ko sa kanya.

Mabilis ko syang nilapitan. Tiningnan ang ginagawa nya. Napaka kalmado ng katahimikan. Napaka kalmadong sya'y tahimik na pag masdan.

"Moving up noon ng grade 10, lumipad si mama kasama ang kapatid ko patungong California. " she said, with her hoarse voice, she's opening up to me, "Three months after maka alis ni mama at ni Kylie, may nirentahan si papa na bahay at sabi doon muna ako dahil uuwi galing bakasyon ung babae nya kasama ng mga anak nito. " then she look at me, "Sabi nila Jullia gusto nila ung buhay na meron ako. Gusto ba nila na ganito? Iniwan ka ng nanay at kapatid mo para sa trabaho nila. Itinaboy ka ng tatay mo dahil sa bagong pamilya nito. Wala kang matakbuhan. Walang naga alaga sa'yo kapag may sakit ka. Walang magulang na tatabi sa'yo kapag natatakot ka. Ten thousand worth of grocery monthly? Pampalubag loob sa itinaboy mo? Tapos ngayon nalaman ng babae ng papa ko ang tungkol sa akin anong ginawa nito? Inalis ako sa trabaho, pinalayas ako sa tinutuluyan ko, gusto akong palayuin sa pamilya nila tapos sya? Wala syang ginawa para ma protektahan ako, para ipagtanggol ako. " she said calmly with tears in her eyes. "Bakit ako? Bakit kailangan ako? " she ask, then she smiled as if she remembes something, "Pero alam mo ba nakaya ko ung pang iiwan at pang tataboy sa akin ng nanay at tatay ko noong first year shs dahil sa'yo. " sabi nya as she look at me intently, smiling, and I was shock, so shock to ask her, "First time ko late noon. Tapos pagkababa ko ng jeep tumakbo agad ako para maka tawid. I was so prim and proper before. Takot ma late. Takot mag absent. Eh alam kong walang curtains ung room namin, umikot ako. Tapos hindi ako sa hallway namin dumeretso. Sa kabilang hallway which is sa likod ng room namin kase ung bintana doon may curtain. Kaso hindi na ako napa deretso doon. Naka salubong kasi kita. Kasama mga kaibigan mo. And me being fooled, I followed ur gang. Pumunta kayo sa cafeteria for Culinary students. Ung pinapag kabitan ng ID bag nyo iba na ung lanyard, naka indicate na doon na Culinary students kayo kaya naka pasok kayo, so pinalitan ko din agad ung akin. I have the lanyards of each strand naman kaya madali sa akin mag access sa privilages ng bawat strand. So there tiningnan lang kita mula sa malayo habang kumakain ako. Nagpo phone ka noon. Naka kunot ang noo mo. Tapos bigla mong hinawi ung buhok mo pa talikod kase humarang sa muka mo. " she told me and gigled, "Nasundan pa un ng nasundan. Nung una nacurious lang ako sa mata mo na walang bahid ng miski anong emosyon. Hanggang sa hindi ko alam na nahuhulog na ako sa'yo. Pero pinigilan ko. Humanap ako ng flaws mo. Nalaman ko na on the go kind of person ka. Naisip ko baka hindi ka nag papa alam sa magulang mo, tumatakas ka, wala kang pakialam kung magalit sila wala naman silang ginagawa kundi bungangaan ka kaya siguro ayos lang na ganon ang gawin mo. Nalaman ko din na linggo linggo iba daw babae mo. Naisip ko na baka parang sapatos mo lang mga babae mo sa'yo. Isang lingguhan lang. Napansin ko kase na linggo linggo iba sapatos mo kaya doon ko naikumpara. Pero sa pag hanap ko ng mga flaws mo? Mas lalo lang akong nahuhulog sa'yo. Kahit na pigilan ko. Dahil sa'yo nakayanan ko ung pang iiwan ng nanay at tatay ko sa akin. Kaya itinigil ko. Itinigil ko ung pag sunod sa'yo. Ung pag alam kung sino ka kung ano ka kung anong hilig mo at kung ano ano pa kase wala namang patutunguhan ito. Hindi kase ako pwedeng mahulog sa'yo. " sambit nya at nag simula muling lumuha, "Sabi ni Audrey gago ang tadhana, gago ang mundo. Ang lakas ko pang ipag malaki sa kanya na makikipag gaguhan ako sa tadhana at sa mundo kase gago din ako eh. Kaso tangna hindi ko pala kaya. Kase tignan mo. Bigla kang nagpumilit pumasok sa buhay ko kung kelan tinigil ko kung kelan gusto ko ng mawala itong nararamdaman ko sa'yo kase hindi pwede eh. Hindi pwedeng lumalim ito" sambit nya at umiyak

"Bakit? Bakit hindi pwede? Dahil ba naisip mong imposible kitang mapansin? Dahil ba akala mo imposible kitang mahalin? Kayna, no. Kayna, pwede. Pwedeng lumalin yan, wag mong pigilan kase gusto kita. Hindi mo pa ba nahahalata iyon? " sabi ko.

Tinitigan nya ako ng matagal, you alang imik, tila tumigil ang mundo nya. Matapos ay mas lalong lumakas ang iyak nya.

"Hindi pwede. Hindi mo ako pwedeng magustuhan. Hindi mo ako pwedeng gustuhin. Bawal yon. Hindi pwede yon. " sambit nito at lumuhod sa harap ko, "Wag please wag pigilan mo pigilan mo ang nararamdaman mo please pigilan mo" sambit nya, nag mamakaawa.

Muli ko nanaman syang niyakap habang umiiyak sya, pinapa kalma habang nag mamakaawa syang itigil ko, pigilan ko daw ang nararamdaman ko. Umo oo nalang ako sa nais nya para lamang kumalma sya. Hanggang sa naka tulog sya sa bisig ko. At doon naramdaman ko ang pag patak ng luha ko sa mga mata ko sa hindi ko malamang dahilan.

ParallelМесто, где живут истории. Откройте их для себя