Eight:Nathalie

8 4 0
                                    

Two months had passed since Kayna opened up in front of me. Two months na syang hindi pumapasok but I settled her absence through giving their head which is their president a medical certificate indicating that Kayna needs to be confined for a month caise of some serious illness that is confidential that well which is not true. I got my ways.

Those days that I don't have any idea where will I find her, she told me that she was with her friend somewhere along espanya. Tinanong ko kung sino iyon at saan kaya ang ginawa nya ay isinama nya ako doon sa pinagtuluyan nya ng ilang araw upang magpasalamat at kunin ang mga gamit nito dahil ipinilit ko na sa amin na muna sya manuluyan. Pinag resign ko din sya sa bar na bago nyang pinagtrabahuhan kung saan ko sya nakita. Ilang oras bago ko sya nakumbinsing umalis sa lugar na iyon. Tinanong ko sya kung kakayanin nyang pumasok ang sabi sa akin ay hindi na daw muna. Naubos na din daw kase ung labinlimang libo na ibinayad sa kanya ng asawa ng tatay nya. Ipinambayad nya daw ng utang nya ung sampung libo at ung limang libo ipinang down payment na daw muna nya sa university. Sinabi ko na ako na ang aayos ng mga bayarin nya, sinubukan nyang umalma ngunit wala na syang nagawa ng naipilit ko na.

Sa loob ng dalawang buwan na pananatili nya sa bahay namin ay nasagot lahat ng katanungan ko. Kung nasan ang magulang nya, kung bakit sya mag isa, kung bakit sya biglaang nawala sa bahay nya, kung saan nga sya napadpad ng mga araw na hindi ko sya mahagilap at bigla syang naglaho, kung anong ginagawa nya doon sa bar kung saan ko sya natagpuan.

Ngunit ang isang tanong na hindi nya masagot ay kung bakit hindi ko sya pupwedeng magustuhan, kung bakit hindi pwedeng lumalim ang nararamdaman nya, kung bakit ko kailangang pigilan ang nararamdaman ko.

Kasalukuyan kaming naka higa sa comforter na inilagay ko sa blow up pool namin na inilagay namin sa swimming pool namin sa likod ng bahay.

"What if... You've met me in different world? " she suddenly ask, still looking at the stars, "Maybe... Just maybe... We could happen. " she said, "What if... You've met me in different scenario? You've met a better me? You've met the other me? " she said, then look at me, "What if... You've met me in a different time space? In parallel world or time maybe? " she ask, "Tapos doon pwede tayo. Doon pwedeng mag sama ung ikaw at ako. Would you choose to be there? " she ask, looking at me intently.

"No. Dito lang ako. Sa mundong ito hindi sa parallel world na sinasabi mo. Dito lang ako. At gagawin kong pwede ung tayo sa mundo na ito. Hindi kailangang doon pa sa mundong iyon. Kuntento ako sa kung nasaan ako ngayon. " sambit ko sa kanya. Nginitian nya ako at isiniksik ang sarili sa akin. Tahimik naming tiningnan ang mga bituin sa itaas hanggang sa maka tulog kami.

Kinaumagahan nagising ako sa ganoong posisyon kung paano kami naka tulog naka siksik pa din sya sa akin at nasa bewang nya ang mga kamay ko nakayakap.

Mabilis kong hinila ang tali upang mapalapit kami sa gilid ng pool upang maiahon ko sya at mailipat sa kwarto namin. Oo kwarto ko, kwarto na namin.

Matapos ko syang mailipat sa kama ay nag ayos na ako ng sarili ko.

"Papasok ka na? " bungad nya sa akin pagka labas ko ng cr

"Yup. Bangon na dyan. Sabay na tayo kumain." pag aya ko sa kanya.

Mabilis naman syang bumangon at ipinuyod ang buhok nya sa isang magulong ipit na mukang tae sa tuktok ng ulo nya at inayos ang kama matapos ay sya na ang humila sa akin patungo sa hapag kainan. Napaka simple. Sa sobrang simple ay hindi na nag abala pang iayos ang sarili nya. Pero sa simpleng ipit nya lang naman ay maayos na ang itsura nya. Presentable na kahit nakapantulog pa.

Maya maya lang din ay umalis na ako. Ihinatid pa nya ako ng tingin mula sa pintuan ng bahay namin hanggang pag sakay ko ng kotse ko.

Papasok na ako ng kotse ko ng mapalingon akong muli sa kanya. Naka sandal sa hamba ng pintuan, naka ngiting naka tingin sa akin. Tiningnan ko sya ng mabuti. Meron sa loob kong ayawkong umalis, gusto manatili sa bahay at hindi sya iwan sa hindi malamang dahilan.

Mabilis kong inilagay ang bag ko sa likod ng kotse ko at isinara ito matapos ay tumakbo pabalik sa kanya na ngayon ay nagtataka kung bakit.

"May nakal---" naputol ang sinasabi nya ng mabilis ko syang hawakan sa bewang at hilahin palapit sa akin matapos hawakan ang kanyang batok upang mahalikan ko sya. Mas humigpit ang hawak ko sa bewang nya upang mas madama ko ang init ng katawan nya habang mabagal ko syang hinahalikan.

Makalipas ang ilang minuto ay pinutol ko ang halik namin at idinikit ko ang noo ko sa noo nya at pinaka titigan syang maigi.

"Babalik ako. Antayin mo ako ah? " sambit ko ngunit nginitian nya lamang ako.

"Sige na pumasok ka na. " sambit nya, nginitian ko sya at hinalikan ng mabilis bago ako tuluyang umalis kahit na hindi ako mapakali.

And that was the biggest mistake that I ever did in my whole life.

ParallelWhere stories live. Discover now