Five:Kayna

10 4 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakaka lipas simula ng pumasok sa buhay ko ng sapilitan si Nathalie. Same routine since then. Ihahatid sa bar at aantayin matapos ang shift ko at ihahatid ako pauwi matapos ay doon matutulog sa sofa, kung minsan sa taas. Kapag maliwanag na uuwi na para maghanda sa pag pasok matapos ay hahagilapin ako sa university. Hihilahin nya ako mula sa ginagawa ko na ipinagawa sa akin tapos isasabay sa mga tropa nyang kumain. Kapag weekends naman tambay sa amin nagbabasa ng mga libro ko, o di kaya'y mag papatugtog. Kung minsan nasa bahay ko din ang mga tropa nya, tumatambay. Masarap daw kasi tumambay sa bahay ko dahil madaming pag kain at inumin. Kung minsan nama'y dito pa sila gumagawa ng mga requirements nila sa subject nila o kaya'y pupunta lamang dito upang matulog o tumakas sa gulo sa mga bahay nila. Napapag kamalan na kaming mag live in ng kapit bahay kong chismosa pero hindi ko na lamang pinapansin. Natanong na din ako ni Krystel kung kami ba pero nilinaw ko sa kanya na natutuwa lamang sa akin si Nathalie kaya nakuha ko ang atensyon nito.

Alam ko na talambuhay nilang magto tropa. Lalong lalo na kay Nathalie. Andaldal nya kapag magkasam kami. Nalaman ko din na sa bawat kilos nya'y nagpapaalam pa sya sa mga kapatid at magulang nya. Nalaman ko din na gusto nyang maging engineer pero pinapag take sya ng business ad ng parents at mga kapatid nya so she would take up their business in the future.

And the moment that I knew her plans and goals? I am sure that she would be successful someday. She would fulfill her dreams. And I want to be there. But I just can't. I know I can't.

Sa loob ng dalawang buwang pag sama ko sa kanila'y nalaman ko kung gaano nila kagusto ang buhay na mayroon ako. Palagi nilang sinasambit iyon. Na sana namumuhay na lamang daw sila mag isa at may suporta ng pamilya nila. Sa tuwing sinasabi nila na ang swerte ko'y ngingitian ko na lamang sila at iilingan. Hindi nila alam gaano ka malas ang buhay ko na sa tingin nila'y swerte.

Nasa terrace ako na katapat ng kuwarto ko at naka tingin sa langit ng marinig ko ang pag bukas ng bintana. Ng tingnan ko'y si Nathalie pala.

"Ni lock ko ung pinto wag ka mag alala. " sabi nya agad matapos ay naupo sa tabi ko at iniabot sa akin ang isang bote ng smirn off.

"Bakit ka nanaman nandito? " tanong ko ng hindi sya tinitingnan pagka tanggap ko ng bote sabay inom.

"Akala mo talaga hindi pa sya sanay eh" sambit nito.

"Tahimik ng buhay ko. Ewan ko bakit ka biglang nag pumilit na pumasok." sabi ko dahil hindi pa din ako malinawan, bakit nga ba?

"Hindi mo din naman ako itinaboy. Tapos lakas mo pa magpa hanap sa akin. Krisha form section F amputa Kayna ng ABM F lang pala tss. Tsaka sobrang misteryoso mo kasi. Alam mo yon? " sabi nito at humarap sa akin, "Ang lalim at ang dami mong alam sa akin at ang babaw at ang konti ng alam ko sa'yo. " dagdag nya

"Wag ka mag alala. Kung gaano ka konti at kababaw ang alam mo sa akin ngayon, ganyan din ako sa'yo noon." sabi ko.

"Ano?" tanong nito sa akin.

"Okay let me introduce myself to you. " I said, drink in my bottle if liquor face her and smile, "Hi. I'm Kayna Monasterio from ABM F. Ung nagpa shout out sa'yo nung 3rd month ng pasukan, ung nag bigay sa'yo ng balloon noong foundation day, ung nag bigay ng gift sa'yo nung university christmas party at ung nag dedicate sa'yo ng kanta nung valentines week noong 1st year shs." I said.

"Ikaw yung stalker ko?" she asked

"Am not a stalker. I had a little crush towards you before. " I defend myself.

"Wait HAHAHAHAHAH Shit I didn't know your existence before HAHAHAHAH Shiiiit" she said and laugh as if I said a joke.

"You didn't know my existence because I didn't let you know about my existence. " I said

"Kaya pala madalas ramdam kong may nakatingin sa akin HAHAHAHAH Pero kapag naman tiningnan ko wala naman akong nakikita" she said with a big smile as if she's so amused, "What's with me that caught your attention? " she ask

"Your eyes. " I said and look straight to her eyes, "I'm so irritated and drawn to your eyes. You know why? Cause I can't read you through your eyes. Sanay ako. Na malaman ang nararamdaman, gagawin or what ng isang tao through out their eyes pero sa'yo wala. Hindi ko mabasa. Until one day I woke up? I already like you. " i said and smile, "Funny right. Tapos ngayon sapilitan kang pumasok sa buhay ko not knowing a thing. Paano kung napapa asa mo pala ako? Pano kung nasasaktan mo pala ako? You just trespassed on my life with out a clue HAHAHAH" I said.

"Wait... Am I hurting you? Or am I getting you hopes high? " she ask

"Baliw tinanong lang kita ano ka ba. Ang point ko, sa susunod, alamin mo muna, kilalanin mo muna bago ka mag pumilit pumasok sa buhay ng iba. Kase hindi lahat katulad ko na ganito. Na hindi nag bibigay ng malisya. Got my point? " I ask and she nod her head. We just look at the sky the whole time until we didn't notice ourselves falling asleep at the terrace.

Nagising ako sa ingay ng phone kong hindi ko malaman kung nasaan at kung bakit nag iingay dahil wala naman akong alarm.

Bumangon ako at tiningnan ang paligid ko upang makita ko ang phone ko. Mabilis ko itong kinuha sa mesa sa tabi ng kama ko at sinagot.

"Yow what's up? " bungad ko

"Kailan ka makaka sunod dito? Hinahanap ka nanaman ng asawa ni papa ano papa abot ka pa sa kanya dyan? "

"Chill. I can handle myself okay? " I answered as I search for a decent clothes for today.

"Mag iingat ka Kayna. Aantayin ka namin dito okay?" she said and I just hummed and dropped the call.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at ang bahay ng mapatingin ako sa terrace

Was it a dream? I just shrugged my shoulders at the thought. Mabilis akong nag sapatos at bumaba na matapos ay isinarado na ang pinto ng bahay ko at umalis na.

"What? Bakit parang napa aga naman ata ang deadline ng bayaran? " I ask.

Wala pa akong sweldo tapos by next week kailangan ng maka bayad kami sa mga babayaran namin.

"Hindi din namin alam bakit eh. May nag reklamo daw atang magulang. " sambit ni Krystel.

Shet kakailanganin ko mag double time kung ganon.

Mabilis na lumipas ang oras. Matapos ang klase ay dumiretso na agad ako sa bar na pinapasukan ko.

"I'm sorry dear. Pero kasi pinatanggal ka na ng may ari ng bar hindi din namin alam bakit eh. " sabi ni mamang dahil hinarang ako ng mga guard papasok sa back door.

"Pakshet bakit? " sambit ko at sinipa ang malapit na basurahan.

Bago pa ako mas makagawa ng gulo ay dumiretso na lamang ako sa convenient store na pinapasukan ko din kaso sarado.

Nang may dumaang guwardya na mukang aalis at agad ko itong tinawag.

"Ah ayan ipinasara ng branch manager eh. Biglaan lang din. " sagot nito sa akin at umalis na.

Putanginang yan anong nangyayari? Saan ako kukuha ng ipapambayad ko sa eskwela at sa renta sa bahay?

Wala akong nagawa kundi ang umuwi na lamang. Pagka baba ko ng motor ko ay may agad na lumapit sa akin.

"Ineng. " bati nito sa akin, ang may ari pala ng bahay.

"Ay magandang gabi po. Ano po iyon? " tanong ko

"Kase ineng nabili na iyang bahay ko nitong nakaraang araw lamang. At gagawin daw iyang bahay panuluyan ng anak ng bagong may ari. Sabi ko'y may nangungupahan at binigyan ka ng isang linggo upang umalis na. Ito yaoong one month advance one month deposit mo sa buwan na ito ibinabalik ko na. Pasensya ka na ah? " sambit nito at umalis na.

Napanlambutan ako ng tuhod sa nangyayari sa buhay ko. Saan ako titira? Kung ipapambayad ko ang perang hawak ko ngayon anong iaabot ko kung sakaling maka hanap ako ng bahay na panunuluyan?

Pumasok ako sa loob ng bahay na gulong gulo ang isip. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba nangyayari sa akin ito.

ParallelOù les histoires vivent. Découvrez maintenant