Four:Nathalie

10 4 0
                                    

Dalawang linggo nang nakakaraan hindi ko pa din mahagilap si Krisha. Nag post na din kami ng shout out ngunit wala pa din. Napapa cutting na kami nila Carl at Venice upang tingnan bawat section F ng bawat strand upang makita sya pero wala.

Sa dalawang linggo kong paghahanap sa kanya sa unibersidad namin dito ko lamang sya nakikita sa bar. Hindi ko naman sya makulit dahil minsan ay tumutugtog sya ng piano. Hindi ko din naman malapitan dahil sa babaeng binibigay sa akin ng mga kasama ko dito sa mesa. Hindi ko din alam ang oras ng pag uwi nito dahil nag sasara ang bar kapag ala cinco na ng maga hindi ko naman sya maabutan. Minsang nag abang ako sa back door dahil doon ang labas ng empleyado pero wala sya. Ayoko naman ding kulitin sa oras ng trabaho nya dahil ayoko lang. Ewan ko. Napapa atras ako kapag malapit na ako sa kanya.

Huwebes. Andito ako sa back door. 2:30 am. So basically friday na. Bawat lumalabas dito'y tinitingnan ko. Baka sya na ang lumabas. Hindi na ako pumasok sa loob upang maabutan sya.

Sa muling pag bukas ng pinto ay mabilis kong tiningnan at sya na ito.

"Krisha! " tawag ko, muka naman itong nagulat na andito ako.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong nito habang patungo sa akin ngunit nilampasan ako kaya sinundan ko sya sa paglakad nya.

Naka long sleeve white polo sya na pinatungan ng jacket, maong short shorts at white rubber shoes.

"I just want to see you. Hindi kita mahagilap sa university, kapag naman nasa loob ako ng bar hindi kita malapitan." sambit ko gabang naka sunod pa din sa kanya

"Ano ba ang kailangan mo? " tanong nya sa akin at hinarap ako.

"I... I just want to know you." sagot ko

"Hindi mo ako pwedeng kilalanin." sagot nya sa akin

"Bakit hindi? " tanong ko sa kanya and she just shrugged her shoulders

"Uuwi na ako. " sambit nito at nag antay ng masasakyan.

"Asan ang motor mo? " tanong ko

"Kinulimbat" sambit nya ng hindi ako tinitingnan

"What's kinulimbat? " I ask

"Charot lang. Sira nasa pagawaan" sabi nito

"Ah ganon ba. Halika ihahatid na kita. " I offer, tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa, "I'm harmless. I don't have a dick so you're safe" I said and smirk

"The fudge?! Hindi naman yoon ang naisip ko. " sagot nito

"So why look at me from head to toe? " I ask

"I just can't imagine you-Nathalie Montemayor-being kind. " she answered

"What? Why? " I ask

"You look so unreachable. Sorry if I judge you but based on how I saw you before? Hindi ko aakalaing kaya mo maging mabait. " she said

"Based on how you saw me before? So nakikita mo ako dati? " I ask with full of curiosity

"Yup. School cafeteria mukang cutting, open field, shed near your room, library minsan" she said

"Stalker ei? " I said and she look at me

"No! Ang kapal ng muka mo. " she said but blushing

"Okay naniniwala akong hindi. So pwede na ba kitang ihatid? " I ask, she just roll her eyes on me and we head towards my car

One month. One month had passed since that day. Simula noon hinahatid ko sya sa pinapag trabahuhan nya. Kapag tapos na duty nya hinahatid ko sya pauwi. Minsan doon ako natutulog sa sofa nya at uuwi na lamang kapag maliwanag na. Walang problema sa magulang ko dahil nasa ibang bansa na sila naka base. Yung pito na nakakatandang kapatid ko naman busy sa kanya kanyang pamilya. Ako at ang bunso nalang na kapatid ko ang kasama ko sa bahay dati ng magulang namin. Kapag duty sya sa convenient store kapag weekend doon na ako nagdi dinner. Hindi ko sya naihahatid patungo doon dahil uuwi pa ako from school pero hinahatid ko sya pauwi. Walang nag bago sa kanya. Mataray pa din. Napaka sungit. Tinatrashtalk ko naman. Pero tinatawanan lamang ako.

ParallelWhere stories live. Discover now