CHAPTER 1

175K 1.6K 28
                                    

Ano ba iyan! Nakakainis! Kailangan ko pa talagang bilisan ang pagtakbo ko. Bakit ba naman kasi ang daming tao? Ang dami ko na tuloy nababangga!



**Boogsshhh**

"Nako, sorry po ate." Hinging-paumanhin ko sa babaeng nabangga ko.

"Mag-ingat ka naman miss."

"Sorry po talaga!" Para na akong Japanese o Korean sa pagyuko-yuko ko para magpaumanhin.

Nang makalayo na ako sa babae, mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko. Kahit na feeling ko eh sisilab na ang paa ko sa sobrang init na pakiramdam ay ininda ko iyon. Kahit na masakit na ang mga paa ko, sige parin ako sa pagtakbo. Baka makaabot pa ako!





***RIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNGGGGGG****



Whew. Salamat naman at nakaabot ako. Hindi ako late. YESSS! Grabe.. feeling ko thirty kilos nawala sa timbang ko. OA na kung OA ikaw kaya tumakbo ng ganun kalayo tignan natin kung kakayanin ng kaluluwa mo. Since 'di naman ako late.. tumigil muna ko saglit.. habang nakayuko tapos yung dalawa kong kamay nasa may tuhod ko. Tapos hingal na hingal ako.. tumagatagaktak yung pawis ko grabe kay aga aga nanlilimahid na ko sa pawis. Yuck lang talaga. Habang nakayuko ako.. biglang may nag abot sakin ng panyo.. pag-angat ko ng mukha, napangiti ako. Kinuha ko ang panyo at tsaka tinuyo ang pawis ko.

"Salamat." nakangiti kong sabi.





"Hay nako Vhea! Hindi na ko magtatanong dahil alam ko nalate ka nanaman ng gising at tumakbo ka nanaman sa pagpasok. Ikaw talagang babae ka! Nakakaloka ka. Tatanda talaga ko sayo.. tssss.." Sermon sa'kin ni Ynna. Ganito talaga siya palagi lalo na kapag late ako.




Si Alynna Marie Nieves, ang aking best friend dito sa State University na pinapasukan namin. Currently, nasa second year college na kami taking up Culinary Arts. Kahit na State university lang ang pinapasukan namin 'di naman ito nagpapahuli sa quality ng education.

Ewan ko ba dito kay Ynna kung bakit ako pinagtiya-tiyagaan. To think.. super yaman kaya ng babaeng ito. Eh ako.. pag kasama ko 'to eh nanliliit ako. Pero napakabait kaya nitong loka-loka na 'to.



"Eh Ynna alam mo naman na palagi akong puyat dahil kay Dad 'di ba? Eh inatake nanaman kagabi eh. Kaya kulang sa tulog .. tsaka nagtitipid ako kaya di na ko nag jeep."



Iiling-iling lang akong tinignan ni Ynna. "Ewan ko ba sayo Vhea, ano ba naman ang fourteen pesos na pamasahe mo papunta dito 'di ba? Mag-isip ka nga."


"Sesermunan mo nanaman ba ko kung paano ko imamanage ang kayamanan ko? Ynna naman! Hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh.. kasi mayaman ka." Sabi ko sakanya.



Nagsimula na kami maglakad papunta sa classroom habang habol parin ang hininga at pinupunasan ang pawis. Bigla nalang ako binatukan ni Ynna.


"Arrayyy naman! Pagkatapos ng sermon batok naman?! Ano ka ba? Nagiging bayolente ka na ha! Sadistang prinsesa. Hmp." Naiinis na sabi ko.



"Eh kasi naman po.. in-open up mo nanaman ang issue sa status natin. Ano? Langit ako? Lupa ka? Hoy! Alam ko may kaya kami pero di ko naman pinamumukha sayo 'yan Vhea. Nag-aalala lang naman ako sayo.. sa sobrang sipag mo baka bumigay na katawan mo nyan." Nag-aalalang sabi sakin ni Ynna.


Kumapit ako sa braso niya at inihilig ang ulo sa balikat ni Ynna. "Bait naman ng best friend ko. Kaya mahal na mahal kita eh. Buti talaga nakilala kita dito."



"Pasalamat ka ayaw ako pag-aralin sa malayo kaya dito ako napadpad." Natawa naman si Ynna sa sariling biro. "Ang sabihin mo natitibo ka na sakin."

At talaga naman at inakbayan pa ko. Pumasok na kami sa room namin at maya-maya lang ay dumating na ang prof namin.



"Goodmorning class, please bring out your assignments and pass it to the front." Utos ng prof namin.


Nagsisunuran naman kami. Eto talaga ang maganda sa college life madaming assignments. Note the sarcasm. Pagkatapos ng first subject namin pumunta na kami sa canteen ni Ynna.





"Haay gutom na talaga ko Vhea.."







"Ako nga din eh.. tara upo muna tayo."







Tinignan ko patago sa ilalim ng mesa ko yung wallet ko. Pagtingin ko one hundred fifty pesos nalang laman at ilang tig pipiso. Eh baon ko pa 'to hanggang bukas. Ang hirap naman talaga pag mahirap ka.


"Ah Ynna.. nakalimutan ko pala.. Ah-ano kasi eh.. may ire-research pala ko sa library.. ano ah. Kaw nalang kumain. Text mo nalang ako pag tapos ka na para sabay na tayo pumasok sa - ano - sa next subject natin. Sige kain ka mabuti.. Bye!"


"HEP!!!!!!! UPO VHEATRICE NICOLE ADRIANO!" Sigaw sakanya ni Ynna.


Napatulala nalang ako sakanya.

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon