CHAPTER 10

63.5K 866 11
                                    


*VHEA'S POV*



"WHAT?!" Agad kong tinakpan ang bunganga ni Ynna. Nandito kami ngayon sa canteen at habang kumakain kinwento ko na sakanya ang kapalaran ko which is ang magpakasal kay Jakob Hans Torres.


"SSHH! Ang ingay mo Ynna. Hinaan mo nga yang boses mo."

"Eh sorry naman di ba. Pero ba't ka pumayag Vhea?"

"I had no choice. Ayoko namang mahirapan si Daddy. Kaya nga nagtatrabaho ako ng maigi para makaipon naman ako kahit papano. Tapos unti-unti kong babayaran sila ng tatlong million para makawala ako sa kasal."

"Hello. You think that's gonna work? Mag-isip ka nga Vhea ang laki ng tatlong million tingin mo makakaipon ka ng ganon kalaki sa pagwewaitress at pagkanta mo sa Lounge.?"

Tama naman si Ynna. Pero sipag at tiyaga lang yan. Unti unti naman ang sabi ko eh. Hindi isang bagsakan.

"Alam mo dapat moral support nalang ang ibigay mo sakin!" Inis na sabi ko.

"Syempre naman binibigay ko yun sayo .. ang sakin lang kakayod ka nanaman ng kakayod para lang mabayaran yang utang nyo." Nagaalalang sabi nito.


"Mabait naman sila tito Rico kaya di ako mapepressure."

"So kwento ka na. Gwapo ba yung Hans? Ano? Mayaman talaga?"


"Si Hans? Hmm. Pogi talaga hindi makakaila pero napakagaspang ng ugali. Mayaman nga pero ang yabang!"


"Ay sayang naman. Pero lalambot din yan pag nakasama ka na niya. Ikaw pa ang ganda mo kaya!"

"CHE! Wala akong pera. Wag ka na mambola!" sabay tawa ko.

"Hindi ko kailangan ng pera.. Marami ako niyan."

Nagtawanan lang kami ni Ynna. Pakatapos namin kumain eh pumunta na kami sa next class namin. Two hours straight at sobrang nakakatamad. Ang prof namin ang white board nanaman ang kausap. Six pm ang tapos ng klase namin at sobrang pagod na ko.

"Vhea, tara hatid na kita sa Bistro." Alok sakin ni Ynna.



"Sige."


Umalis na kami ni Ynna. Pag six pm ang labas ko diretso na ko sa Bistro. Sayang naman din kasi ang tip. Kahit anong oras ako pwede pumasok sa Lounge pero palaging eleven pm ang labas. Nakarating na kami sa Lounge at bumaba na ko.

"Bye Ynna, salamat sa paghatid. Ingat ka!"


"No prob. Bye. Work hard!"

Tapos nagwave na kami sa isa't isa at pumasok na ko and nagbihis.

Nagserve na ko ng mga orders.. wala naman masyadong tao ngayon kasi karamihan may pasok kinabukasan. Kaya parelax relax lang kami ni Antonio.

"Hoy Antonio!" Tawag ko dito.



"Antonette sabi eh!" Reklamo nito.


"Whatever!"

"Hay. Walang mga pogi ngayon, sana sabado nalang ulit para dagsa ang biyaya ng diyos sa mga babae na tulad ko."


"Hindi ka babae no! Binabae ka lang!!" Asar ko rito.

Tinignan lang ako ng masama ni Antonio at binalik nalang ang pansin sa magazine na binubuklat niya kanina pa. Ako naman nakaupo at naghihintay ng tatawag para umorder.



"AHH. MISS!" tawag ng isang lalaki sa table ten.

Lumapit ako dala ang notepad at pencil.


"Sir, may order na po ba kayo?"



"Yes."



"May I know what is it sir?"



Nakastandby na ang pencil ko para magsulat at hinihintay nalang ang oorderin ng customer.



"You."


Isusulat ko na sana ang sinabi nito pero napatigil ako. Nagkamali lang ba ako ng rinig? Hindi ko alam na kasama na pala ako sa menu ngayon ah!

"Excuse me sir??"



"I said I will order.... you." pagkasabi niya binaba narin niya ang men na kanina pa nakatakip sa mukha niya. Nagulat nalang ako ng makita ko ang mukha niya ay nakangiti pa.


"Hans? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na sabi ko.

"May iniutos si Mommy sakin. Oh." Tapos may inabot siya saking envelope.


"Ano 'to?"


"The hell I know!Binigay ko lang yan sayo."

Pagkasabi nun eh umalis na siya. Di ko na napigilan kasi nakatingin lang ako sa envelope. Kita mo iyong lalaking iyon! Daig pa ang babae sa kasungitan.

Bumalik na ko sa may counter at nagpaalam lang na mag ccr. Pagarating dun binuksan ko ang envelope. Mga pictures ang laman.. Wedding gowns. Natawa nalang ako bigla. Bigla nalang din nagring ang phone ko.

"Hello?"



(It's me.)



"Who's me?"


(ME, Hans!)



Hans ulit?? Eh di ba kagagaling niya lang dito.??



"Ba't ka napatawag may nakalimutan ka ba?"





(Oo, may nakalimutan akong sabihin.)





Ulyaning gwapo! TSk sayang :D





"Paano mo muna nalaman number ko?"


Kakagulat naman to. Stalker ata to eh.


(Wag ka na magtanong!)



"Stalker ka ba?"


(What? Are you on drugs? Tss. Kinuha ng mom ko number mo sa dad mo tapos binigay sakin. Happy?)




"Ecstatic." sarcastic na pagkasabi ko. "Bat ka napatawag?"

(Bukas may pasok ka ba?)



"Wala. Bakit?"


Idedate niya kaya ko? Hala. Baka nabighani na tong kolokoy na to sa kagandahan ko.Yiiie. Kaloka. Hahaha.


(Sunduin kita bukas 7am.)

"Huh? Ang aga naman! 9am nalang."

(No. 7am wag ka ng umangal wala ka namang karapatan. As I was saying susunduin kita, pupunta tayo sa magsusukat daw ng gowns mo sa engagement at wedding.)


"May magagawa pa ba ko? Okay sige."


(Oh and one more thing Ms. Adriano.. I hate waiting. So be on time.)


"Tsss. Oo na po mas--"


Aba! Bigla ba namang pinutol ang call. Ang herodes ang lakas ng apog! Tadyakan ko siya sa ano eh! Haaaayyy. Makapagtrabaho na nga lang. Nilagay ko muna yung envelope sa locker ko at tsaka nagtrabaho ulit.

---------

Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now