CHAPTER 22

54.8K 847 12
                                    

Second day na namin ni Hans dito sa resort. Ewan ko ha pero parang ang sweet niya sakin. Nakakapanibago, todo asikaso siya sakin. Talagang parang asawa ko na siya. I find it sweet and cute? Palgi niya kong inaalalayan at hinahawakan niya palagi yung kamay ko. Hindi niya yun binibitawan. Tulad ngayon naglalakad kami para pumunta sa zipline.

"Ayos lang talaga sayo na gawin to? Di ka ba natatakot?"



"Ano ka ba.. oo naman nu. Mas takot ako sa tubig kesa sa heights."



"Naninigurado lang ako okay. Ayokong masaktan ka."



"Ang sweet naman ng mister ko."



"Syempre.. nag iisa lang ako."

Pagkasabi nun hinapit niya ko sa bewang at naglakad na kami papunta tuktok ng bundokk para makapagzipline. Puro outdoor sports and activity ang gagawin namin ngayon ni hans.. which is good, kasi ayoko kasi lumangoy, nangingitim na ko.





Nang makarating kami dun ang daming tao. Kaya pumila nalang kami ni Hans. Hawak niya parin kamay ko pero hindi masyadong pansin kasi tago ito sa pagitan namin. Hindi naman kami naguusap.



"Ang pogi niya nu?"



"May kasama kaya siya?"



"Wala siguro."



'Eh may katabi siyang girl eh.. pero di naman mukhang girlfriend."



"Ah, baka kaibigan lang o kaya kapatid, di naman sila mukhang mag boyfriend eh."





Narinig ko yung pag-uusap ng mga atrimitidang bruhilda na mga babaeng yon. Ako? Kapatid? Pagsipain ko kaya ang mga ito?! Nakakainis.

"Hans.. ayoko na rito. Sa iba nalang tayo."



Gusto kong ilayo ka sa mga jellyfish na mga iyan.


"Malapit na tayo Vhea oh."

Wala na kong nagawa kundi maghintay ng turn namin. Nawala na ko sa mood mag zipline or kahit sa anong activity. Nang kami na ang sasabak sa zipline pinili ko ang solo kasi meron din na pang may partner.

"Ayaw mo ko kasama?"



"Ha?"





Nginuso ni Hans yung pinili kong gagawin ..



"Oh, ano ngayon?"



"nakakapagtampo naman. Ayaw ako kasama ng misis ko."



"Manong yung pang may partner nalang po. Sabay na kami ng mister kong matampuhin."





Kinuha naman ni manong yung pang may partner na lalagyanan. Hindi ko kasi alam kung paano tawagin yun eh.


"That's my wife."


Tapos mabilis niya kong hinalikan sa labi. Mabilis lang. A simple brush of his lips with mine pero bakit ganito yung naramdaman ko. Parang bigla akong sumaya. Nawala lahat ng ngitngit ko sa mga babae kanna. Sa simpleng halik ni Hans, nawala lahat ng nararamdamang inis ko.



"Ma'am ready na po."



Sumakay na kami ni Hans sa zipline. And zooooommmm. Off we go. Habang tinatawid ng zipline ang mga malalalim na bangin.. hindi ako nakaramdam ng takot kasi all the way through hawak ni Hans ang kamay ko. At di niya ito binitawan.



Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now