CHAPTER 21

54.6K 834 10
                                    


Kumurap-kurap ako kasi baka namamalikmata lang ako .. pero hindi. Pano nangyari na naging ganito kami? Nakahiga ako sa may bandang dibdib niya. Unan ko ang kanang braso niya. Nakayakap siya sakin. Tapos ako nakasiksik lang sakanya. Nainis ako. Tinulak ko siya tapos bumagsak siya sa sahig.





"OUCH! WHAT THE FUCK?!" tumayo siya agad at sapo niya ang pwetan niya. Mabuti nga yan sakanya. Akala niya makakatakas siya sa ginawa niya sakin.






"Mabuti nga sayo 'yan!" tumayo na ko tapos pumunta na ng banyo. Naligo na rin ako para mabawasan yung init ng ulo ko. Ang kapal ng mukha!





Nang matapos ako.. lumabas na ko pero biglang humarang ang kamay ni Hans sa pinto. Tinignan ko siya ng matalim.





"Bakit mo ko tinulak ha misis?"



"Misis ka jan! Misis-in ko kaya yang mukha mo! Tabi nga!"



Tinulak ko siya pero bigla nalang niya ko sinandal sa pader tapos trap na ko sa magkabilang braso niya.



"Ano ba! Hindi ka ba titigil?! Pakawalan mo ko. Sisipain kita!"



Ngumisi lang siya tapos binaba niya yung mukha niya sakin. Napapikit nalang ako. Nakakainis bakit hindi ko kayang umiwas sa mga ganitong sitwasyon?!





"Dumilat ka. Hindi kita hahalikan, ano!. Asa ka pa. HAHAHA!"





Pagkadilat ko papasok na siya sa cr. Aaaaaaaahhhhhhh!!! Nakakainis na talaga siya ang sarap niya ibitin patiwarik! Leche! Pagdating ko sa may veranda, nakahain na yung almusal namin. Nauna na kong kumain sakanya. Waaahh.. ang sarap ng waffles. Tapos ang ganda pa ng view.





Maya maya sumabay na si Hans kumain. Naiinis parin ako sakanya. Badtrip talaga.





"I'm sorry."

Napatingin ako sakanya.




Huminga siya ng malalim. "Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sakin pero I think kailangan ko mag sorry."



Nagulat ako sa ginawa niya. Ni sa panaginip hindi ko maimagine na mag sosorry siya. What happened to the world.



"Okay na yun. Pasensya na. OA lang ako. Kalimutan mo na yun." tapos nginitian ko siya.





Ngumiti naman din siya sakin. Eh kung ganyan ba naman e di nagkakasundo kami.





"Saan mo pala gusto pumunta mamaya?"



"Ikaw nalang mamili.. wala naman akong alam dito."



"Okay, bilisan mo kumain tapos alis na tayo."



"Talaga? Whole day tayo maggagala?"



"Yup, ayaw mo? Okay lang sakin kung dito nalang tayo."



"Wala nang bawian!!!" tapos kinain ko na yung natira kong pakain.





Pagkatapos namin kumain, lumabas na kami ni Hans. Nakaloose shirt lang ako tapos naka shorts lang ako na may bikini sa loob tapos siya naka cargo shorts and white printed shirt. Ang taas na kagad ng araw.. ang init na pero di yun nakakabawas ng ganda ng paligid.





"Teka lang ha. Dito ka muna."





Di ko na natanong kung san siya pupunta kasi bigla nalang siya umalis. Umupo nalang muna ko sa isang bench dun. Maya maya may naglagay sakin ng hat sa ulo. Pagtingin ko si Hans yun.



"Baka magkasunburn ka. Let's go?"



Tinignan ko ang hat na binigay niya. tapos meron din siyang hat terno kami. Sweet. Tumayo na ko at sumunod sakanya. Nakarating kami sa sa isang bangka na kaya siguro mga sampunga tao.

"Sakay na po kayo ma'am,sir, aalis na po tayo."



Inalalayan ako ni hans pasakay tapos umandar na yung bangka.

"Mag a-island hopping tayo."

"Welcome to our activity. Island hopping will give you the chance to tour the four uninhabited islands here at Coron island. Surely, the sights both above and underwater will not fail to enthrall you. So enjoy this activity and we hope you will have the time of your life." sabi nung tour guide.

"Wow! Ang ganda talaga dito Hans."



"Do you love it?"



"Oo! Sobrang ganda."



Nagenjoy kaming dalawa ni hans sa pagsisid at pagkukuha ng mga litrato sa mga sceneries. Magtatanghali na nang makabalik kami sa resort. Dinala ako ni hans sa Fresco restaurant. Isang restaurant sa El Rio Y Mar na nagseserve ng Asian and International Cuisine.

Sobra kong nagutom sa island hopping. Ang saya.. Kumain na kami ni Hans ng maiserve na ang pagkain. Nagpahinga lang kami sa Fresco Lounge. Pagkatapos niyaya na ko ni Hans papunta sa activity na kayaking. Hindi lang kayaking ang tinry namin kundi pati na rin ang banana boat na pinilit ko pa siya.

"Hans, parang ayoko na ata. Back out na ko."

"Hep! Pinilit mo ko tapos hindi ka tutuloy. Stay there."

Di niya talaga ko pinakawalan. Hanggang sa umandar na yung banana boat.

"Waaaaaaahhh. HAAANNNSS!!"

"Wooooooooooooooohhh!!" rinig kong sigaw niya.

Nahulog na kami sa gitna ng dagat.

"HANS!!" hinanap ko siya agad. Pero di ko siya makita. Tinawag ko ulit siya, natatakot ako na baka malunod ako. Hindi pa naman ako marunong lumangoy kahit na ba may life vest ako..



"Sshh. I'm here. Let's go back to the boat."



Hinapit niya ko sa bewang at lumangoy kami papunta sa boat. Gabi na kami natapos sa mga activities namin ngayong araw. Sa sobrang pagod bagsak na ko sa kama. Di ko alam pero nakatulog na ko.

_______________________________________________



HANS' POV

Pagpasok ka sa kwarto, dadalhan ko sana n pagkain si Vhea dahil hindi na siya kumain pero pagtingin ko nakatulog na siya. Inayos ko siya sa pagkakahiga at kinumutan. Napagod talaga siya. At kahit natutulog na siya, kita parin na masaya siya sa araw na to. I smiled. I kiss her on the forehead and went to the bathroom. Humiga na ko sa tabi niya at nagbasa muna ko ng brochure ng resort. Gusto ko bukas ganito din kami kasaya. I never imagined na mararamdaman ko to. Ayoko mag isip ng malalim pero basta kapag kasama ko si Vhea natutuwa ako. Tumingin ako sa mapayapang mukha ng katabi ko. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya, napangiti nanaman ako.

"Seriously, ano'ng ginawa mo sakin?" tanong ko sa natutulog na si vhea. I thought na hindi na ako ma-aattract sa ibang babae kundi si Ezza lang but I think I was wrong. Attracted lang naman, not love. Love is another case and that will not happen. I think.



Nakaramdam narin ako ng antok kaya natulog narin ako. Nakatulog ako with a smile.

------
Follow @kendeyss

Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now