CHAPTER 29

51.1K 843 12
                                    


VHEATRICE'S 18TH BIRTHDAY..





Today, I mark it as Vhea's day. Bakit? Kasi po debut ko na!!!! Dali nung kami palang ni daddy magkasama simpleng handaan lang para saming dalawa ang pangarap ko para sa araw na ito. Di ko aakalain na magiging bongga ang debut ko. Naiiyak na ko.

Nandito ako ngayon sa isang kwarto sa Fernwood Gardens. Dito gaganapin ang kaarawan ko. Madami nang tao sa labas pero kokonti lang ang kakilala ko. Eh wala naman kasi ako masyadong kaibigan eh. Ang kakilala ko lang ay si Jorge tapos yung barkada ni Hans na sina Ian at Dave. Wala si Jayden pero binati naman niya ko. Tapos yung iba sila Mama Linda at Papa Rico na ang may kakilala. Hinihintay ko nalang ngayon na palabasin nila ko. Bigat na bigat na ko sa gown ko. Gusto ko na magpalit. Nakasuot pa ko ng pakpak tapos may mga bulaklak sa ulo ko na nagsisilbing korona. Mukha na daw talaga akong diwata. Yun kasi yung theme ng party ko. Parang Enchanted. Hahaha. O diba? Si mama Linda nag-isip niyan.

Inip na inip na ko. Ilang oras na ba ko naghihintay? Isang oras na ba? Haaay. Gusto ko nang lumabas.

Maya maya tumunog yung phone ko. Agad ko naman ito sinagot.



"Hello?"



(Best Friendddd!!!!!!!!!!)



Nilayo ko yung phone sa tenga ko. Ang lakas naman kasi sumigaw eh.

"Teka... Ynna?"



(Yup!Haayy! Happy Birthday Vhea! Sayang wala ako jan. Post mo sa Fb mo o kaya sa Instagram mo yung mga pictures mo sa party mo ha? Para naman di ako mahuli sa balita tungkol sayo..)



"Oo sige. Salamat best friend! Miss na kita!"



(Ako din kaya nu, jusko. Dumudugo na ilong ko dito kaka english. Ang sakit na sa cells. Hahaha. Vhea, tyinempuhan lang talaga kita tawagan. I wish na sana maging masaya ka na forever. Tama na ang paghihirap. I love you super best friend!)



Naiiyak na ko sa mga sinasabi ng babaeng ito.

"I love you too super friend. Mag-iingat ka jan ha? Sige na. Baka mahal na yang tawag mo. Minsan ako naman ang tatawag sayo. Bye!"



Nang matapos ang usapan namin ni Ynna,saktong tinawag na ko para lumabas.





"Please welcome our debutant Ms. Vheatrice Nicole Adriano."



Syempre di pa namin pinagsasabi na may asawa na talaga ko.



Nang lumabas ako at naglalakad sa gitna .. may usok na lumabas galing sa smoke machine na nagmistulang magical yung paligid. I am wearing my White flowy gown with a touch of green and yellow, tapos kumikinang siya with the help of the stones attached to it.



Nagpalakpakan ang mga tao nang makarating na ko sa upuan ko na dinesenyuhan ng mga bulaklak at dahon na parang trono ko. At nagsimula na ang program.



18 gifts...





18 candles..



and down to the 18 roses..





Unang nakasayaw ko si Daddy.



"My princess. I can't believe you're all grown up." nagsisimula na maging teary eyed si Dad,



"I will always be your little princess dad." and then I hugged him.



Sumunod na nagsayaw si Papa Rico tapos si Ian at Dave.

Arranged For You [Fin]Where stories live. Discover now