CHAPTER 33

52.3K 690 5
                                    

DEDICATED SAKANYA. UNNIE NIYA KO EH. NAKAKATUWA. :)



HANS' POV

Hinanap ko siya hanggang sa lumalim na ang gabi at umuwi nalang ako. Pagkaakyat ko sa kwarto nadatnan ko si Vhea dun na nakahiga na. Alam kong gising pa siya dahil naririnig ko ang mga mahihinang hikbi niya. Umiiyak na naman siya.

Vheatot..” ginamit ko na ang endearment ko sakanya.

Pumunta ako sa gilid ng kama kung saan siya nakaharap at nagindian seat ako sa may sahig. Tinignan niya ko ng masama. <.<

“Pwede ba ko mag-explain?”

Tumango naman siya.

“Oo, at first aaminin ko. Nagpakasal ako sayo dahil sa usapan namin na yon ni dad na kapag napasaya kita ibibigay niiya sakin yung kotse at yung resort pero maniwala ka Vhea lahat ng iyon nakalimutan ko na. Nung una akala ko talaga pera lang habol niyo samin pero malaking pagkakamali iyon. Malaki! Malaking-malaki. Nagkamali ako.”

Hindi siya umiimik,patuloy lang ang pagtulo ng luha niya. Pero maya maya nagsalita na rin siya.

“Eh yung sinabi mo sakin na nagugustuhan mo na ko,palabas lang din?”

“No!!!! totoo lahat ng iyon Vhea. Lahat ng pinagtapat ko sayo. Lahat ng iyon! Totoo iiyon. Maniwala ka. Please”

hindi ko na namalayan na umiiyak narin pala ko. Shet! Gay alert pero ewan ko. Napayuko nalang ako at nilagay ang kamay ko sa noo ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa maibabalik ang tiwala niya sakin.

Ilang sandali naramdaman ko na hinahaplos na ni Vhea ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Di ko namalayan na nakaupo na siya sa may kama. Nakayuko lang siya sakin para ilevel ang mukha niya sa mukha ko.

“Naniniwala na ko. Siguro masyado lang ako nagpadala sa mga narinig ko. Pero para sabihin ko sayo Hans, hindi kita pinakasalan ng dahil sa pera. Oo, pinautang ninyo kami at malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo pero pinangako ko sa sarili ko na babayaran ko iyon. Ayoko maging close minded Hans. Nakikinig naman ako eh. Kaya thank you dahil nag explain ka.”

Hindi ako mmakapagsalita, tumatango tango lang ako. Actually ppinagpapawisan na nga ako ng malamig eh.

“Hans?”

Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon